PAGKASARA KO ng laptop ay kaagad kong naulinigan ang pagsara ng pinto ng kotse galing sa labas. Pumuwesto ako sa pinto para salubungin siya.
Eksaktong pagbukas niya kaagad kong iniunat ang kamay ko. "You're back," masayang pagsalubong ko sabay yakap sa kaniya. Tumama ang ilong ko sa kaniyang balikat dahilan para malanghap ko ang ibang amoy niya.
Marahan niyang inalis ang kamay kong nakayakap sa kaniya. Ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya pero binalewala ko.
"Nag-almusal ka na ba?" tanong kong sinundan siya pagkalampas nito sa akin.
"I'm done. Did they left?" walang ganang tanong niya.
Huminto ako sa pinakaunang baitang ng hagdan habang nagtutuloy-tuloy lang ulit siya sa pag-akyat. Kailan kaya babalik ang dating araw na hihinto siya kapag kinakausap ko at kakausapin ako nang nakaharap?
Mahina akong tumikhim at tumango kahit hindi niya nakita "Umalis na sila Rosette at manang," sagot ko. "Nag-bake kami ni Rosette ng paborito mong chocolate cake," pahabol kong sabi nang sundan ko ang lakad niyang lumapit sa pinto ng kuwarto namin.
Mindali ko ang pag-akyat para mahabol siya noong pumasok ito sa kuwarto. "Sayang kasi hindi ka na naabutan ni Rosette. Gusto pa sana niyang kantahan ka ng happy birthday at mag-blow ng candle kasama ka," patuloy ko nang maipasok ang katawan bago pa niya maisara.
Pagod ang una kong napansin sa mga mata niya at walang ganang makipag-usap. Kinagat ko ang labing ngumiti sa kaniya dahil mukhang nasobrahan ako sa pagsasalita. Na-miss ko lang naman siya.
Nilapitan ko siya para samahan ito sa pagtanggal sa kaniyang suot na neck tie, pero hinawi lang niya ang kamay ko at itinagilid ang mukha.
"Are you not feeling well?" kunot-noong tanong ko sabay dampi ng likod ng palad sa kaniyang noo at akmang idadampi ko rin sa leeg niya, ngunit umatras lang siya nang dalawang hakbang.
"Enough talking, Ruth. Let my ears rest for the meantime."
I bit my lip, nodding from embarrassment. "Happy birthday. . ." mahinang sabi ko nang talikuran niya ako uli para magpunta sa palikuran at makapag-shower.
Ginawa ko ang dati kong gawi kapag dumadating siya ng bahay, ang maghanda ng damit niyang isusuot. Nasanay na akong gawin ito sa kaniya.
Eksaktong pagkalapag ko ng shorts at manipis na t-shirt niya ay lumabas itong tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kaniyang pang-ibaba. Napalunok ako sa pagdikit ng braso namin. Nabasa pa ang sleeve ng blouse ko dahil sa butil ng tubig sa kaniyang braso na hindi pa niya napunasan.
"I'm going to sleep," deklara niyang kinuha ang damit na inihanda ko.
"Okay. . ." napakahinang sagot ko nang pagsarhan niya ako ng pinto. "Have some rest," pahabol kong sabi at tanging hangin alikabok lang yata ang nakarinig.
Para lang akong nanonood sa malaking smart TV, binabantayan ang galaw niya at nagmistulang hangin ako sa kaniya nang daanan lang niya ako nang walang pakialam.
Napapatanong ako tuloy sa kinatatakutan ko kung may nagawa na naman ba akong hindi niya gusto. Kung may sinabi na naman ba si Tita Vivian sa kaniya kaya siya ganito, o baka sadyang pagod lang siya sa trabaho at sa opisina niya na ito nakatulog.
Buntonghininga siyang humiga sa kama at niyakap ang unan sabay pikit. Tipid akong ngumiti, iyong ngiti na hindi masaya o peke, o pilit sapagkat isang ngiting may kasamang kurot sa puso ko.
Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang iniisip niya. Inirereto ako ni Caleb sa papa niya kahit wala namang ganoong pangyayari. Kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa na hindi ko rin inaakalang magkakasundo kami. Bawal na akong makihalubilo sa ibang lalaki?
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...