Chapter 20

676 8 0
                                    

AFTER CRYING out like a newborn baby last night in my sister's arms, I still don't know if I'm happy or not, but I feel something a little different. Balak lo sanang magpaiwan sa bahay, pero pinilit nila akong sumama sa kanila para pumasyal.

Wala naman akong nagawa kundi ang magbihis at makisama sa kanila sa paglilibot. Lahat ng nadadaanan namin na ikinamamangha nila Sally at Rosette ay wala lang sa akin.

It's just a plain building in my eyes, no hint of little appreciation towards the architectural designs and from its exterior to interior whenever we came in and out at the shops we stopped by.

Gladly, only the comforting wind fascinates me. Medyo nabawasan nang kaunti iyong bigat sa  puso ko matapos kong iiyak buong magdamag hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko kaninang nakahiga sa sofa bed at may kumot ako. Sinusunod ko iyong mga payo niya at sinabi rin niya sa aking bibisita kami sa isang psychiatrist na kilala niya para sa counseling.

Iniisip kong baka maging effective rin sa akin ang paraan niya dati kaya bukal sa puso kong sundin siya. Tinanggap ko kasi alam kong kailangan ko nang gabay ng eksperto para sa paggaling ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya ang mag-isa na kahit kailangan kong matutunang tumayo nang ako lang. Someday, I can but in my situation, I still need guidance.

Kinalabit ni Rosette ang likod ng palad kong hawak-hawak niya. "Mommy, dito rin ako mag-school?" Itinuro niya ang school kung saan ang pagkakatanda ko ay dito nag-aaral si Frances nang makita ko ang nakaukit na mga letra sa itaas ng three-story building.

Saglit na tumagal ang tingin ko sa mga pawisang mga bata sa paghahabul-habulan habang lumalabas sa mga labi nila ang pagtawa at ngiting hindi maikukubli ang kasiyahan. Napansin ko pa ang pag-aagawan nang apat na bata sa soccer ball. Sa kabilang dako, sa kanan ay nakapila ang tatlong batang babae na magkakaiba ang tangkad nila sa slide.

"Yes, baby. Dito rin pumapasok si Ate Frances. May kasama ka na kahit hindi kayo magiging magkaklase," sagot kong dumako sa kaniya ang tingin ko. Ang mga mata ni Rosette ay napako sa mga batang nagkakasiyahan.

Liningon niya ako nang magsnk-in sa kaniya ang narinig galing sa 'kin. "Then you'll teach me too just like what you're doing with Kuya Caleb?"

Tumango ako. Kumikinang ang mata niya sa tuwa. Gustong-gusto niya talagang tutor-an ko siya. Naalala kong palagi siyang nasa tabi ko, tahimik lang din itong nakikinig sa akin habang kausap si Caleb. Lumapit sa akin si Frances nang mahagip ng pandinig niya ang pag-uusap namin.

"Can I join too?" Hinawakan niya ang likod ng kaliwang kamay kong tiningala ako.

"Yes, Frances. Your mommy told me that you're having a hard time in your mathematics subject. I'll help you with that," nakangiti kong sagot sabay akbay sa kaniya.

I'm glad that Ate Rica always had a schedule for video call to talk with them. It didn't get awkward for us to adjust and catch up a right moment to have a pleasant conversation.

"Thanks, Auntie Ruth. I'll bribe mommy to treat you a delicious food if I'll ace my quizzes for tomorrow," sabi niyang kinindatan ako dahilan para matawa ako.

Nahagip ng mata ko ang paglapit ni ate. Hinawakan ni Rosette ang kamay nito, maging si Frances ay humawak din sa kamay niya na ngayon ay nasa harap ko.

"What's quiz, Ate Frances?" kuryusong tanong ni Rosette habang nakakunot-noo.

Ibinuka ko ang labi para sana sumagot nang biglang yumakap galing sa likuran ko si Sally kaya nabitiwan ko ang kamay ni Rosette at nawala ang pagkakaakbay ko kay Frances. Napaatras ako sa ginawa niyang pagsabit sa likod ko at ipinulupot pa niya ang mga binti sa mga hita ko. Sunod-sunod ang pag-atras ko at bago pa kami matumbang dalawa ay kumalas siya. Dumapo ang mga paa niya sa lupa habang malakas ang pagtawa niyang umakbay sa akin.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon