Chapter 43

412 4 0
                                    

MAAYOS ANG pag-uusap namin pero hindi ko akalain na may bibitiwan siya sa dulo. Nakasandal ang ulo ko sa dingding habang matuwid nakaupo sa mahabang bakal na upuan sa labas ng birthing center. Pumikit ako para alisin sa isip ko ang huling pag-uusap namin pero mas naging malinaw lang.

"Mas maganda siguro kung bawas-bawasan muna natin ang pagkikita."

Nilingon ko siyang nakaawang ang labi, nakakunot ang noo at dahan-dahan kong inilingan. Ibinaba ko ang kinakaing tinapay sa loob ng supot.

"Huh? Bakit?"

Hindi ko maintindihan kung bakit babawasan namin ang aming pagkikita.

"Para hindi ka mas maguluhan sa nararamdaman. I don't want to see you more confused." Ngumiti siya, ibinaling sa mga dumadaang sasakyan ang paningin.

"Hindi naman. . ." mahinang sagot ko, sandaling natahimik.

Hindi ko itatago sa sarili kong mas naguguluhan ako kapag kasama siya, pero gusto kong nasa tabi ko lang siya. Gumagaan lahat kapag nandito siya, kinakausap ako sa kung ano-anong mga bagay at pinapakinggan ako kapag marami na ang nagsulputan sa isip ko.

Panatag na ngiti ang umukit sa labi niya. Dumapo ang kamay niya sa kandungan nito, nagpakawala nang mahinang hangin.

"I won't avoid you, we're still friends and we can still talk. I'm just giving you enough time to think about it alone. My feelings won't help you and it will just cause more burden."

"I see. . ."

Iyon ang dahilan niya. Tama naman siya roon, pero. . . ayaw ko talagang mawalay sa kaniya kahit isang araw. Kahit sabihin niyang mag-uusap pa rin kami, na magkaibigan pa rin kaming dalawa, alam ko kasing may ibang ibig sabihin iyon. May komunikasyon kami pero may limitasyon.

"Alam mo naman kung saan ako lalapitan. Nasa bahay lang ako o tawagan mo lang ako."

Tumango akong nilingon siya, subalit wala sa akin ang mga mata niya. Nasa kalsada pa rin nakatuon ang buong atensyon.

"Kapag nakapili na ako, hindi magbabago ang pagkakaibigan natin?"

Nahila ko ang atensyon niya dahil sumaglit siya ng tingin, tinapik pa ang balikat ko na parang sinasabing huwag kong alalahanin masyado kung ano ang mayroon kami.

Ipinagtutulakan niya akong buuin ang sa amin ni Aziel, imbes na ipagtulakan niya ang sarili sa aking siya na lang ang piliin ko dahil mas sasaya ako sa piling niya.

Habang tinititigan ko siya, wala akong makitang pagsisisi sa ginagawa niya sa mga sandaling ito. Natutuwa siyang gawin. Bukal sa puso kumbaga.

"Walang magbabago. Ako pa rin iyong Kalen na kilala mo," ngumiti siyang kumindat kaya natawa ako bigla.

Agad din akong huminto nang ma-realize kong ako lang ang nawala sa linya. He didn't cross the line, he treats me as a friend with care because that's the thing we should be. Nagkaaminan nga kami, pero alam niya ang kaniyang limitasyon, kahit na madalas nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang pag-usapan ang tungkol sa amin.

Kapag iyon na ang gusto kong pag-usapan, iniiwas niya dahil alam niyang bawal pa. Samantalang ako, may halo ang intensyon ko sa tuwing kasama siya.

"Pasensya ka na kung magulo akong tao." Nahilamos ko ang palad sa mukha.

"Don't ever think that. Normal lang maguluhan. Kung ako rin ang nasa posisyon mo, siguradong magiging ganiyan din ako."

Umihip ang hangin, nilipad ang nakaipon kong buhok sa harap kaya nakikiliti ako.

"Just trust yourself and don't rush things. If you can't still decide, gawin mo iyong dati mong ginagawa," nakangiti niyang sabi.

"Bestie Ru, ano namang gumugulo sa isipan mo?"

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon