NAKANGITI KONG tinitigan ang suot niya. Handang-handa na siya at tamang-tama ang suot niya dahil nabanggit kagabi sa akin ni Kalen na magha-hiking kami.
Gusto rin daw suotin ni Rosette ang regalo ni Aziel sa paglabas namin ngayon. A black cargo pants at gustong-gusto niya dahil parang comfy, maging ang camisole niyang kulay blue na may white butterfly print sa gitna at lalo na iyong water shoes niyang para sa hiking, na ilang beses niyang inaapak-apak sa sahig at tumatalon-talon pa.
Sinabi niyang bibilhin niya ito kapag lumaki na si Rosette para isuot niya kapag magha-hiking kami. Iniregalo niya kay Rosette ito last year as birthday gift. Naalala pa rin pala niya iyong nakasulat sa bucket list namin.
“Yehey! Excited na ako makita si Kuya Caleb!” Naitukod pa ang kanang siko sa hita ko nang mawalan siya ng balanse sa pagtalon-talon.
Tumatawa siyang yumakap. “What time tayo aalis?”
“On the way na sila. Susunduin tayo ni Tito Kalen mo rito.” Maingat na isinuklay ang hintuturo ko sa bumukol na hibla ng buhok niya sa bandang tainga.
“Kumusta naman iyong pinasyalan ninyo ng Dad mo?”
“Pumunta kami sa beach resort kasama si Grandma. Kumain din kami ng crab, shrimp, fish, shells at marami pa,” masayang kuwento niya, nag-angat pa ng paningin na nakita ko pa ang kaniyang magandang ngiti.
“Kami umubos noong crab ni Grandma. Hindi daw puwede kumain si Dad kasi bawal daw.”
“May allergy ang Dad mo sa seafood, baby. Kapag kumain siya ng ganoon, maaari siyang mamatay,” paliwanag ko.
Palagi kaming naghahanap ng restaurant na walang seafood sa menu ng beach resort na pinupuntahan namin dati dahil hindi niya makakain.
Nandilat siyang ngumuso. “Scary mommy. Mabuti hindi kumain si Dad ng seafood.”
Sobrang nakakatakot talaga. There's one time na nakakain siya ng seafood. Akala ko kasi ayaw niya iyong iniluto ko kaya nagtampo ako. Wala siyang choice kundi kainin iyon, hindi man lang sinabi sa akin na may allergy pala siya. Todo paninisi tuloy si Tita Vivian sa akin niyon, nagbanta pa sa aking kakasuhan niya ako kapag namatay ang anak niya.
Imbes na magalit ako kay Aziel dahil hindi niya sinabi sa akin, buong araw akong humingi ng sorry sa kaniya. Tumawa lang siyang niyakap ako at nagpaliwanag.
“Tapos alam mo mommy, pumasok kaming dalawa ni Dad sa malaking ball.” Pinaikot-ikot niya ang kamay, iminumuwestra ang hugis bilog. “Basta iyong parang nasa loob kami ni Dad tapos naka-float sa tubig. Binunggo-bunggo kami ng iba at natumba kami habang tumatawa kasi hindi naman masakit.”
Naging malawak ang ukit ng ngiti niya habang inaalala ang ginawa nila.
“Ang saya, mommy. Sabi pa ni Dad mahilig ka daw sa ganoon. You love beach daw.”I smiled. Pangarap kong magkaroon ng bahay na beach view. Iba sa pakiramdam iyong gigising ako at tatambay sa veranda, nakatanaw sa dagat habang pinapakiramdaman ang preskong pagyakap ng hangin sa balat ko.
Sabi niya, maganda raw at tutuparin niya iyon kapag nagkabahay kami pero mas pinili niya ang city view dahil malapit daw sa company nila at ayaw niya ang maalat na simoy ng hangin galing sa dagat.
“Kailan ka puwede mommy para makapasyal tayo kasama si Dad?”
Sandali akong napatigil sa tanong niya. Patawarin pa sana niya ako kung tatanggihan ko ulit ang alok niyang pumasyal kami kasama si Aziel. I still can't face him now.
Natatakot akong baka bumalik bigla iyong sugat na dalawang taon kong pinaghirapang gamutin dahil sa mga kagagawan niya.
“Kapag available na si mommy, baby, ha? May inaasikaso pa kasi ako.” Ngumiti ako nang pilit, pinagmukhang totoo para hindi niya mahalatang nagpapalusot pa ako.
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...