NADAANAN KO ang sasakyan niyang naka-park sa labas. Lumingon pa ako nang nasa tapat na ako ng gate. Bakit hindi niya ipinasok sa loob?
Nagkibit-balikat akong humarap at ilang lunok ang ginawa ko bago pindutin ang doorbell. Paulit-ulit ko ring itinaas at baba ang mga paa ko habang hihintay na bumukas ang gate.
Pinigilan ko ang paghinga sa pagbukas ng gate. “Ruth?”
Ang himig ng boses niya ay masaya, excited at hindi makapaniwala sa nakikita kahit patanong ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Nag-angat ako ng tingin kasama ang bitbit kong matipid na pagngiti. Sobrang lawak naman ang ngiti niya bilang ganti.
“Where's Rosette?” kunot-noong tanong niya, dumako ang tingin sa kotse niyang nakaparada sa kanan ko. Akala niya nagtatago lang si Rosette.
“Susunod siya maya-maya. Si papa ang maghahatid dito,” sagot ko pagkapasok.
Tumango-tango siyang hindi inalis ang malapad niyang pagngiti. “I'm pleased to see you here,” sabi niyang itinaas ang dalawang kamay sa ere. “Welcome home.”
“Wala akong choice,” ismid kong sagot, iginala sandali ang paningin. “Gusto ni Rosette na mag-family lunch tayong tatlo.”
Namatay na ang mga halamang inaalagaan ko dati, halos wala ng naiwan dahil sinakop ng buhay na buhay na mga damo ang buong garden.
Sinundan ko lang siya habang pasimpleng pinapansin ang kapiligiran, naghahanap ng pagbabago.
Bumukas ang pinto. “Come in.” Iginiya niya ang kamay sa loob at agad bumungad sa pang-amoy ko ang nagtatalong lansa at gata galing sa kusina, pero mas nangingibabaw ang lavender scent sa sala.
Kumunot ang ilong kong tinakpan nang bahagya dahil hindi nagugustuhan ang pagtatalo ng amoy.
Nakasabit pa sa sandalan ang puting tela, na tila ginamit pantakip sa mga kagamitan. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang hubad na wall, nawala ang mga wall decor paintings sa stairway. Dati ay may abstract painting na nasa frame pa at nakasabit sa posisyong pataas nang pataas hanggang sa marating ang hallway ng second floor.
Napansin ko rin sa nakabukas na pinto ng kuwarto sa second floor. May mga puting telang takip ang lahat ng gamit sa loob. Pagkaharap ko para maupo sana sa sofa ay wala na palang TV.
Dumako ang tingin ko sa mesang nasa tapat ko, nawala rin ang flower vase at magazines sa ilalim.
“Do you want or need something?”
Umiling lang ako at sumimple ng hakbang. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin patungo sa kusina.
Parang unti-unti niyang ibinabalik sa dating kinalalagyan ang mga gamit dahil halos naglaho lahat.
Nakataas pa ang mga upuan sa mesa, halatang walang tumatao. Sinundan ko ng tingin ang paglapit niya sa gas stove. Usok galing sa iniluluto niya ang lumabas noong buksan niya ang takip ng kaldero.
“Matutulog ba kayo rito?” tanong niyang sumulyap sandali.
“Manang cleaned Rosette's room and our room,” dugtong niyang hinalo-halo ang iniluluto. “Kahit sa guest room na ako matutulog kung magpapalipas kayo ng gabi rito.”Ipinatong ko ang dalawang kamay sa bar counter, sa tapat niya habang nakatalikod ito sa akin.
“We won't stay here for long. Uuwi rin kami agad,” simpleng sagot ko sabay gala ulit ng mata sa loob.
Maging ang vintage cabinet sa pinakadulong sulok ng kitchen table ay natatakpan pa ng tela.
“Matagal na walang tumirita rito kaya iyong ibang gamit may takip pa.”
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...