Chapter 49

509 5 1
                                    

LUMINGON AKO sa sumiko sa akin sa likod. Naabutan ko ang abot-langit niyang ngisi, kumindat-kindat pa sa akin. Sumandal siya sa dingding sabay dagan ng kamay sa balikat ko.

“Happy first wedding anniversary sa inyo ni Papi Kalen, Mrs. Ruth Obinque,” masayang sabi niya, sinamahan pa ng pagsundot sa pisngi ko.

“Grabe ka, bestie. Daang forever na tinatahak mo. Pabulong naman kung ano’ng sekreto sa daang ganiyan,” dagdag niyang naupo sa tabi ko matapos alisin ang kamay sa balikat ko at nilagay sa kanyang likod. Marahan niyang hinaplos ang tiyan at pumikit pang naisandal ang ulo sa dingding.

“Road to forever naman na kayo ni Chris, ah. Okay na yata kayo sa arrangement ninyo,” sagot kong pinigilan nang ilang segundo ang hininga dahil masakit sa ilong at bumaliktad ang sikmura ko sa kinakain niya.

Nabanggit niya sa aking pumayag na si Chris sa ganoong set-up nila, na mananatiling mag-live in kahit noong una ay pinag-awayan nilang dalawa.

“Gusto niyang ikasal kami pero ayaw ko pa.” Kumagat siya sa manggang sinasawsaw niya sa alamang. 

“Ayaw ko pa? Gusto mo kaya may chance na ikasal ka. Ako ang maid of honor, ah,” puna ko at suhestyon.

Inilayo niya ang mukha habang nakatingin ito sa akin na para bang may hindi kaaya-aya sa sinabi ko. Ininaba niya ang kakagatin sana niyang mangga para magsalita. “Wow! Kinontrata agad ang posisyon. Ayaw kitang maging maid of honor. Ninang na lang ng kasal namin, at si Ate Rics ang maid of honor.” Umirap siyang pinagtawanan ko nang mahina.

“Hindi naman ako ikakasal,” dagdag niya.

“Sa tamang panahon, ikakasal na rin kayo ni Chris.”

Hanggang ngayon at bitbit pa rin niya ang takot na baka magbago bigla si Chris sa kaniya kapag nagpakasal sila. Ang sabi naman namin ni Ate sa kaniya, hindi mangyayari iyon kung pareho silang mananatiling matapat at mahal na mahal ang isa't isa. Iyong walang magbabago sa kanila dahil nag-upgrade lang naman ang kanilang status of relationship.

“Kahit hindi na. Magkaka-baby na rin naman kami,” deklara niyang lumabi pagkatapos.

“Congratulations! Masaya ako sa inyo.”

Hindi na ako nagulat noong nalaman kong buntis siya dahil hindi pa niya sinasabi, nahalata ko na. Sa tuwing may kinakain ako, pinapaalis niya ako sa kaniyang tabi. Laging parang naduduwal ito saka naabutan kong nakaidlip kapag walang pasyente.

And now, she has a reason to get married because they will have a child and for me, marriage is like a security—an assurance that the person you choose to be with will accompany you for the rest of your life and he is there through ups and downs, sheltering love to each other.

“Spoil mo magiging anak ko, ha? Kapag hindi mo ginawa iyon, magkalimutan na tayo.” Binalingan niya ako nang masamang tingin dahilan para pagtawanan ko lang at sinabayan ng pag-iling. 

“Oo naman. Tratrauhin ko na para ko na ring anak.” Kumindat ako.

Itinaas niya ang hinlalaki na parang iyon ang pinakamagandang salitang narinig niya sa araw na ito, lalo na nang lumawak ang ngiti niya sabay himas sa tiyan.

“May balita ako,” biglang sabi niya. Napatungo naman ako habang pasimple kong idinapo ang palad sa noo. “Alam mo na ba ‘yong tungkol kay Ate Rics?”

Malapad ang pag-ukit ng ngisi ko sa narinig na pangalan. “Siyempre, alam na alam ko. May manliligaw na siya,” kinikilig kong sabi sinamahan pa ng pagbungisngis sa dulo.

Ipinakita niya sa akin ang picture ng manliligaw niya sa akin agad pagkatapos niyang payagan. Naalala ko pa iyong pang-aasar namin ni Kalen sa kaniya na may magiging katuwang na siya buhay kapag nagkataon, todo tanggi naman siyang malabo pa pero iyong ngiti at kislap ng mata niya habang binabanggit ang napag-usapan nila, ibang-iba sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon