Chapter 48

507 4 0
                                    

CONSIDERING IT carefully makes my mind clearer than before. Nagtanong ako sa sarili ko at mas marami akong magandang sagot. Una, nakaramdam ako ng lungkot kasi alam kong naging malungkot si Aziel sa naging desisyon ko, lalo na si Rosette pero may ibang parte sa akin na para bang nakahinga ako nang maluwag sa ginawa ko. Para bang nawala iyong nakatali sa leeg ko—malaya na ’kong gawin ang gusto ko.
 
Ramdam ko ang pagpinat ng labi ko sa pagngiti habang nas atapat ako ng gate ng bahay nila. Medyo malakas ang pagkalabog ng puso ko dahil wala akong sinabing dadaan ako sa bahay nila. Hinawakan ko ang hugis posas na hawakan at dahan-dahang kumatok gamit n’on at sinabayan ko pa nang malakas na pagsabi ng tao po! 

Masigla akong kumaway pabalik sa pagkaway ni tita nang siya ang iluwa ng pinto ng kanilang bahay. Nagmamadaling binuksan ni tita ang gate at dinambahan ako nang mahigpit na yakap. Parang ’di kami nagkita nang matagal. 

“Tita Aira, kumusta ho? Nandito ba si Kalen?” tanong ko habang dahan-dahang humihiwalay sa yakap. 

Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papasok sa loob kaya napatianod ako. Pinunasan niya ang butil ng pawis sa noo gamit ang likod ng palad at hindi nawala ang malapad niyang kurba ng ngiti.

“Maayos lang naman kami. Si Kalen. . .” pamimitin ni tita at sinundan ko kung saan dumako ang paningin niya sa ikalawang palapag. Naagaw din ng atensyon ko ang pagbukas ng pinto galing doon kasama ang pamilyar na yabag habang nakatutok sa hawak niyang phone kaya hindi niya kami napansin.

Nakayuko itong nakatalikod sa amin, nakasilip pa rin siya sa kaniyang phone habang isinsara nang may kabagalan ang pinto. “Ma, sunduin ko muna si Caleb para magsabay-sabay na tayo kumain,” sambit niya at dahan-dahang pumihit paharap noong ilagay niya sa bulsa ng pantalon ang phone.

Sinikil naman ako ni tita sa braso at natatawang ibinato ang nakasampay na pamunas sa handrails ng hagdan sa tabi namin. Namulagat si Kalen at mukhang naestatwa pa.

Dali-dali siyang bumaba at agad ding napatigil nang makita si tita sa tabi ko kaya tumayo siya nang matuwid, ipinadaan ang kamay sa likod ng leeg na nakaamba sanang yayakap sa akin. 

“Ruth, it's good to see you here. Good morning,” masiglang pagbati niya sa paraang kaswal at sinamahan pa niya ng matamis na pagngiti.

Tumikhim si tita, naramdaman ko pa ang pagsundot niya sa likod  ko at marahang itinulak palapit kay Kalen. Mahina naman akong humagikgik dahil para kaming tin-edyer sa kilos naming dalawa, nagkakahiyaan pa sa harap ni tita kahit sanay kami sa presensya ng isa’t isa.

“Maiwan ko muna kayo para mag-usap,” paalam ni tita, kinuha ang pamunas na ibinato niya kanina kay Kalen at tumingkayad pa ito, may ibinulong sa kaniya.

Tumawa naman si Kalen, hinagod ang balikat ni Tita Aira at natatawang nanuway ito, “Mama, kalma lang.”

Sumulyap sa akin si tita. May malawak siyang ngisi na hindi ko mabata kung nangsusutil ba siya o sobrang natutuwa lang dahil parang may alam siya kung ano ang mayroon sa aming dalawa. 

Bago tuluyang maglaho sa paningin namin si tita para bumalik sa kusina, may pahabol pa siyang sinabi. “Saka tayo magkuwentuhan, Ruth, kapag natapos na kayong mag-usap.”

Tumango akong ngumiti. Namayani ang katahimikan, walang balak na mag-imikan at ramdam na ramdam ng balat ko ang pagtitig niya sa akin. Lumunok ako sabay dahan-dahang ipinihit ang ulo paharap sa kaniya.

He spread his arms widely. “Come here,” he commands.

Hindi naman ako nangpatumpik-tumpik pa dahil agad akong lumapit para salubungin ang bisig niyang kanina pa naghihintay gawin ito sa akin. I felt his chin at the top of my head and the more I squeezed myself in to fit on his embrace, the more he tightened his grip.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon