ILANG MINUTO rin akong nakipagtalo sa isip ko hanggang sa makapagdesisyon ako. Sinunod ko ang gusto ng puso kong puntahan. Maiintindihan naman siguro ni Rosette kung wala pa ako sa bahay at saka nandoon naman si manang para bantayan muna siya sandali.
Pagkababa ko sa dyip, dire-diretso akong pumasok sa company ng Avondale Cosmetics Corporation. Bungad pala ng reception area ay hindi ko maitatangging isa sa kilang-kilalang cosmetic brand ang company nila Aziel-ang Capua family.
Dinaanan ko lang ang reception area dahil kilala naman ako rito bilang asawa ni Aziel. Ilang taon na rin akong hindi nakabisita rito, huling bisita ko ay iyong first wedding anniversary namin.
Hindi ako na-ban ni Tita Vivian, kaya nakakapasok pa rin ako kahit ayaw niya akong tumapak dito dahil wala naman daw akong alam sa cosmetics at negosyo, na totoo naman. Dapat inilagay niya ang pangalan ko sa ban list kung ayaw niya talaga sa akin.
Pagkabukas ng elevator, agad kong pinindot ang number five. Kada bukas ng elevator sa bawat palapag ay nahuhuli ko ang panlalaki ng mga mata nila kapag nagtatama ang paningin namin. Paraan pa lamang ng kanilang tinginan sa isa't isa ay alam kong may sinasabi na sila sa akin.
Pagkabukas ng elevator sa pinakahuling palapag na destinasyon ko ay mas lalo lang bumigat ang paligid. Tanging tunog ng calculator ang pumapasok sa pandinig ko at may mangilan-ngilang nag-uusap. Sa bawat lakad ko ay ramdam ko ang mga matang sinusundan ang bawat galaw ko kahit nasa kani-kaniya silang cubicle.
Nagliwanag ang mukha kong huminto sa iisang cubicle, malapit sa glass window at hallway patungo sa office ni Aziel. Agad akong lumapit sa kaniya, nawala sa isip ko ang atensyong nakukuha ko sa mga empleyado. Tamang-tama ang bisita ko, nandito ang secretary niya at paniguradong nasa office si Aziel.
Naramdaman niya ang presensya ko kaya kahit nakayuko ay nagsalita siya. "Good afternoon—" Huminto siyang namulagat ang mata nang makita ako. "Miss Ruth, ikaw pala iyan. Si Sir Aziel po ba sadya ninyo?" Tumayo siya agad.
Nahuli ko sa gilid ng mga mata ang pag-usog ng swivel chair ng babae palapit sa katapat ng katabi niyang cubicle. "Sis, iyan iyong asawa ni sir. Naalala ko kasi iyong picture na nasa hallway ng office niya. Nakasabit doon wedding picture nila."
"Sigurado kang asawa siya ni Sir Aziel?"
"Maganda rin pala, pero mas maganda si Miss Emily."
Humigpit ang hawak ko sa lunch box na dala ko at nilawakan ang ngiti kay Micah. Pinapadalhan ko ng mensahe ang sekretarya niya sa pamamagitan ng tingin ko, pero parang hindi siya marunong bumasa. Nanatili siyang nakatayo sa loob ng cubicle niya, mukhang hindi alam ang gagawin base sa mukha niyang may maliit na ngiti sa labi.
"Kaya pala turn on masyado si sir kay Miss Emily kasi napakasimple ng asawa niya."
Tumikhim ako para tanggalin ang nakabarang laway sa lalamunan. Hindi ko binawasan ang lapad ng peke kong ngiti. "Nasa office niya ba siya?" tanong ko kay Micah, na nahihiyang nakatingin sa akin.
"Ah. . ." nangangapang sabi ni Micah, napakamot sa kaniyang pisngi sabay lingon sa nakasarang pinto ng opisina ni Aziel sa kanan niya. "Miss Ruth, wala pa po. Nasa conference room po siya, may business meeting sa investor."
"Puwede ko ba siyang hintayin sa office niya?"
Kinagat niya ang ibabang labi sa pagtango. Tumalikod ako para puntahan ang opisina niya nang marinig ko ang tunog ng sandals ng kung sino na parang humahabol sa akin.
"Ay! Sandali lang, Miss Ruth," pagpigil ni Micah. Nahawakan niya ang braso ko.
Marahan kong inalis ang kamay niya sa braso, tinapik ko nang isang beses ang kaniyang balikat. "Huwag mo na akong ihatid, Micah. Malapit lang naman office niya at doon ko na lang siya hintayin."
BINABASA MO ANG
A Day at a Time
RomanceMahal na mahal ni Ruth ang asawa niyang si Aziel. Marami silang pangarap at nangako silang hindi nila iiwan ang isa't isa at bibigyan ng isang masaya at kumpletong pamilya ang kanilang mga supling. Subalit sa paglipas ng panahon, nagmistulang tag-la...