Chapter 44

421 3 0
                                    

I WAVE MY hand with a wide smile when Ate Rica's face popped in and Sally joined with us. Naging tatlo iyong frame, nasa ibaba nila akong dalawa. 

Kumakain si Sally ng oatmeal bar na ipinapakita pa niya mismo sa harap ng camera. Si ate naman ay nagtatali ng buhok at gabi na sa kanila. 

“Hindi ba magka-trabaho naman na kayong dalawa, hindi kayo magkikita?” kunot-noong tanong ni ate nang palakihin ko ang box-shaped frame para makita sila pareho.

“Mamaya pa naman nang kaunti. Join lang ako for moral support,” nakangiting sambit ni Sally at itinuloy ang pagkain.

“Moral support?” 

Tumango-tango si Sally at pilit na nilunok ang kinakain, nakataas pa ang palad niya, sinasabing hintayin namin siyang matapos. Mahina naman kaming nagpakawala ng tawa ni ate. 

“Ate Rics, ikaw na lang yata ang wala pang say.” 

Pagbukas ng kung anong container ang naririnig galing sa linya ni ate. “Say saan? Ano'ng mayroon at parang nahuhuli na ako sa balita?” tanong niya habang abala ito sa pagsara ng kung ano sa mesang kinaroroonan niya.

“Tungkol sa nalilitong nararamdaman ni Ru.” She pointed at me using her oatmeal bar.

Napatango si ate, kinapa ang dibdib sabay buga ng hangin na parang nakahinga siya nang maluwag. “Ah, tungkol doon. Akala ko kung ano na.”

“Updated ka pala, Ate Rics. Akala ko outdated ka na. Handa pa naman akong ikuwento sa 'yo,” sabi ni Sally at pinunasan niya ang gilid ng labi pagkatapos.

Naiiling na itinutok ang daliri sa camera at tumahimik na ang linya niya. “Huli ka rin sa balita. Sa akin muna ito dumadaan ngayon bago sa 'yo.” Sumubo siya ng popcorn.

“Nakapag-usap na kayo nila mama?” tanong niya sa akin nang hindi marinig ni Sally ang sinabi niya dahil nag-freeze ang nakangiting mukha nito sa screen ko.

“Oo, ate. Kahapon.”

Tumango-tango siyang sinulyapan ang kuwarto sa likuran. Sa tantiya ko, malamang nag-aaral si Frances o nakatulog na ito. 

Bumalik sa normal ang connection ni Sally dahil siya naman ang may maingay na background galing sa pagbababa niya ng wrapper sa kinakain. 

“Ito pala tanong ko. Bakit mo gustong ayusin para kay Rosette?”

“Hmm. . . good question, ate. Malamang natanong na rin nila tita at tito iyan.”

Inaasahan kong itatanong nila mama sa akin ito kahapon, pero nawala yata sa isip nila. 

“Gusto kong ayusin kasi mas kakaiba ang sayang mararamdaman niya kung magkasama kaming tatlo sa isang bahay. Gusto kong tuparin ang pangarap kong bigyan siya ng masaya at kumpletong pamilya,” mahabang sagot ko. Bahagya kong ipinakita ang pagsimangot. Sumeryoso naman ang titig nila sa akin. “Kaso parang hindi magiging masaya kasi wala na akong nararamdaman kay Aziel.”

Sally continued munching while giving me a slow nod after she heard what I said. Ate Rica, raise her one brow towards me, considering my answer. She looks at me, tilting her head a bit.

“Kung hindi mo iisipin si Rosette, babalikan mo pa ba?”

Marahan akong umiling. It's clearly for Rosette but I don't want her to find out that Aziel and I just forced ourselves to be together again for the sake of her. Mas lalo niyang iisipin na walang pure love at baka isipin niyang peke at pilit din ang ipinapakita namin sa kaniya.

“Dumaan ka na sa maraming tao, kaya ito ang sagutin mo bago ka pumunta sa kaniya,” sabi ni ate.

Lumapit si Sally pagkatapos itapon ang wrapper sa basurahang nasa gilid niya na nakuha pa ng camera. “Ako'y kinakabahan sa tanong ni Ate Rics. Feeling ko kasama mo akong sasagot, ah,” natatawang sambit ni Sally.

A Day at a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon