Five: Scorching Summer

7.7K 443 3
                                    

Scorching Summer

Hindi ako lumabas sa aking kuwarto ng gabi dahil hindi naman ako pinatawag ng hari na sumabay sa hapag-kainan at isa pa'y hinatiran ako ng pagkain ng isang maid dito.

Ginamot ko na rin nag sugat na ginawa ko. Mabuti na lang ay nabasa ko sa libro kung paanong mabilis na maghilom ang isang minor na sugat. Sapat naman ang kasangkapan na nasa pali-paligid kaya hindi na'ko nag-atubili na gumawa ng gamot. Halos mamangha ako sa nakita kanina dahil sa napakabilis na paghilom ng sugat ko. Ang sabi sa libro na nabasa ko'y mga 2 o tatlong araw bago maghilom ang isang sugat sa oras na mapatakan ko iyon ng gamot na ginawa ko pero laking gulat ko nang ilang minuto lang ay naghilom na agad ito. Siguro ay may nahalo o may espesyal na sangkap akong nailagay doon.

Kaya wala na'kong nararamdaman na kirot, maging ang peklat nito ay wala rin na labis kong ikinatuwa.

"Lady Eraia!" Napalingon ako sa'king pintuan nang marinig ko ang pagtawag ni Gregoria matapos niyang buksan ng marahas ang pintuan ng silid ko.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa nakita kong pag-aalala sa kaniyang mukha. "Ayos ka lang po ba? Balita ko'y pumasok daw po kayo sa training ground at lumabas ng may sugat sa kamay," turan nito. "Nasaan po ang sugat niyo?"

"Wala na," sagot ko na ikinatigil niya.

"Ho? Pero sabi nila ay may sugat raw po kayo. Imposible namang mawala agad iyon," wika niya.

Nagkibit balikat ako before I pointed my index finger to the bottle na lalagyanan ng gamot na ginawa ko. "Thanks to that, nawala ng madalian ang sugat ko." Atsaka ipinakita sa kaniya ang palad ko.

Unti-unting nanlaki ang mata niya bago abutin ang bote na nasa side table ng kama ko. Namamangha niya itong tiningan bago ako balingan, "Ibigsabihin po ba ay natapos niyo na ang ginagawa niyong gamot simula pa man ng labing-limang taon ka?" natutuwa nitong tanong.

Dahan-dahang nangunot ang noo. "Ano?" nagtatakhang tanong ko dahil alam kong hindi ko iyon nabasa sa journal ni Lady Eraia.

"Ay oo nga pala, wala na po kayong maalala," wika nito bago mapakamot sa kaniyang batok. "Sabi niyo ho kasi sa'kin dati na gumagawa kayo ng gamot na mabilis na magpahilom ng sugat ng isang tao at ipagbigay alam iyon sa magulang mo para kahit papaano ay matuwa sila sa'yo," kuwento nito.

Eraia is still Eraia. Handang gawin ang lahat para lang mapansin ng magulang at ng taong minamahal niya. How poor.

Nag-iwas ako ng tingin kay Gregoria. "Well... It's good to finished that," wika ko.

Nakangiting tumango sa'kin si Gregoria bago muling inilagay ang bote sa kanina nitong pinaglagyanan. "Ay Lady Eraia. Kaya nga po pala ako pumunta rito ngayon ay para ipaalala sa'yong magsisimula na ang panibagong klase mo sa darating na lunes. Ako na po ba ang bahala sa susuotin niyo para sa araw na iyon?"

Napabuntong hininga ako ng marinig ang salitang klase. Ilang taon na ba 'tong si Eraia? At anong mga pag-aaralan doon? Pati ba naman dito ay may klase rin.

I hate my fucking life.

Umiling ako kay Gregoria. "Don't we have a uniform?" tanong ko rito pero isang ilang lang ang tinugon niya. "Then I'll be the one to choose my clothes," sagot ko.

Nakangiti niya 'king tinanguan at nagpaalam na aalis na. She said that she has a lot of things to work pa. Napag-alaman ko kasi sa kaniya na siya pala ang incharge sa mga halaman sa hardin at siya rin ang patuloy na naglilinis ng library ni Eraia. I know that she's younger than me, Brittany, and even Eraia but she's very hardworking.

The next day I just prepared my belongings for the upcoming classes at dahil wala akong alam sa mga nangyayari doon ay nagdala ako sa'king bag ng first aid kit na sarili kong gawa. May nakita akong first aid kit sa kuwarto ko pero labis ang pagtatakha ko ng walang mga gauze, medical tape at yung bandage. Does that mean na wala nito sa mundong 'to?

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon