Twenty: Unveiled by Light

6K 412 21
                                    

Unveiled by Light

Ikatlong Persona

Natitigilang nakatitig lamang si Logan sa tubig kung saan lumublob ang dalagang si Eraia. Matapos nitong tumalon ay bigla na lamang nagkulay itim ang tubig na ito.

May pag-aalalang naramdaman si Logan ng mga oras na iyon.

"Nasaan si Eraia?" sulpot nina Ashanty sa tabi ni Logan. Sabay-sabay silang napasinghap matapos na makita ang nangyari sa tubig.

Kumunot ang noo ni Calypso matapos na hindi sumagot ang leader nila na si Logan. When they are aout toask him again ay kusa na lamang itong nagsalita. "She jump off," turan nito at tinuro ang puwesto kung saan tumalon ang dalaga.

Nanlaki ang mga mata nila. "What?" nagugulumihanang turan ni Elias. Samantalang sina Ashanty naman ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Logan.

"Hindi mo man lang pinigilan?" tanong ni Ashanty na may himig ng inis sa boses nito.

"I was about to stop her but she already jumped off. I can't follow her because the invisible shield is stopping me,"  ani ni Logan.

Agad na napabuntong hininga si Cooper. "Ano nang gagawin natin? Paano kung hindi na makabalik dito si Eraia? Atsaka bakit kasi siya tumalon diyan eh may signboard na ngang bawal na lumublob diyan."

"At kung may invisible shield, bakit nakatalon pa rin si Ereia?" kunot-noo'ng dagdag ni Elias.

"Dahil siya lang ang pinapasok ng tagabantay ng lugar na'to," sagot naman ni Calypso.

Sabay-sabay silang napabuntong-hininga na tila nawawalan ng pag-asa.

"What should we do?" tanong ni Ashanty.

Sabay na nagkibit-balikat si Logan at Calypso.

"Wait for her," turan ni Logan. "Eraia is a smart and brave lady. So trust her," ani na lang nito kahit na miski siya ay nag-aalala sa dalaga.

Katulad ng sinabi ng lider nila ay hinintay nila si Eraia kahit na umabot pa ng takipsilim ay hindi nila lilisanin ang lugar.

To lessen their worries for Eraia, Cooper decided to talk. "Ang laki ng pinagbago ni Eraia simula ng magising siya ulit... Para bang ibang tao na siya at hindi na si Eraia yon. Gano'n siguro kapag nakalimutan yung mga ala-ala niya 'no?"

Tiningnan siya ni Ashanty na nakaupo't nakasandal lang sa puno. "It's for the better naman. Mas kaya niya nang ipaglaban yung sarili niya mula sa mga nananakit sa kaniya," wika ni Ashanty.

"Pero napapansin ko lang," biglang wika naman ni Cooper bago bigyan ng isang makahulugang tingin si Logan na mukhang hindi interesado sa pinag-uusapan nila. "This past few days, napapansin kong palaging nakatingin si Boss kay Eraia tapos bigla-bigla nalang ngingisi. May tinamaan na ba ng pana?" nanlolokong wika nito bago nagtaas-baba ang kilay.

Doon lang siya binalingan ng tingin ni Logan. Tinaasan siya ng kilay ng lalake. "I'm also looking at Ashanty then smirk afterwards. Bakit yung kay Eraia lang yung napapansin mo?" sarkastiko nitong saad.

Sumimangot si Cooper bago ngumuso. "Minsan lang naman yung kay Ashanty tapos yung kay Eraia araw-araw."

Hindi sumagot si Logan doon kaya muling naghari ang katahimikan sa paligid. Tanging ang pagaspas lamang ng hangin ang naririnig nila at ilang mga huni ng ibon.

Nang magdilim na nga ay hindi pa rin talaga nila iniiwan ang lugar kahit na ramdam nila ang gutom at uhaw.

Ang pagod sa paghihintay at gutom na nararamdaman ay dinaan na lang nila sa tulog gayong nagpresinta si Logan na siya ang maghihintay kay Eraia.

Tumayo si Logan sa kinauupuan niya't naglakad papalapig sa anyong tubig at pinakatitigan iyon. Habang tumatagal ang oras ay hindi niya maitatangging mas lalo siyang nag-aalala sa dalaga.

Wala sa sarili siyang pumikit nang biglang humangin sa paligid at tinangay ang buhok niya't kamiseta.

Ang akala niya'y isang normal na hangin lang ay agad siyang natigilan nang tila may binulong ito sa kaniya.

Kunot-noo niyang sinalita ang narinig niya, "Secret fantasy..." mahinang bigkas niya.

Sa isang iglap lang ay mas lalo siyang natigilan nang pagmulat ng mga mata niya ay agad na sumalubong sa kaniya ang tubig na kanina'y itim, ngayon naman ay naging kasing tingkad ng liwanag ng buwan sa langit.

Kahit pa sanay na siya sa mundong kinagisnan ay hindi pa rin niya maiwasang humanga matapos na biglang nagkaroon ng butas sa gitna ng tubig at lumabas doon si Eraia ng nakalutang at nakapikit. Maayos naman ang hitsura ng dalaga't wari'y hindi man lang nabasa. Ang pinagkaibahan lang ay tila mas lalo yatang nagliwanag si Eraia sa paningin ni Logan.

Naibsan ang pag-aalala ni Logan matapos makita ang dalaga at tila ba gumaan ang pakiramdam niya. "At last." Bago ngumiti ng maliit.

NAGMULAT ng mata si Eraia after the light consumed her. At sa pagmulat niya ay ang binatang si Logan agad ang nakita niya at madilim na kapaligiran.

Ramdam niya pa rin ngayong nakalutang siya hanggang sa unti-unti siyang binaba ng kung anong puwersa patungo sa lupa kung saan malapit lang kay Logan.

Nakahinga na ng maluwag si Eraia matapos na maramdaman ang lupa at damo sa mga paa niyang nakakapaghatid ng mahinang kiliti sa kaniya.

Nakita niya kung paanong maliit na ngumiti ang binata bago bumulong ng salitang hindi niya narinig.

Nilapitan niya si Logan kahit pa man nararamdaman niyang tila nanlalambot ang tuhod niya. Dahan-dahang ngumisi si Eraia sa leader ng Elites bago ipakita rito ang pahina ng libro na kanina lang ay tinuro niya rito.

"Good job, Hidden," wika ni Logan bago siya lapitan at bigla nalang siyang akayin na wari'y alam nito ang panghihina ng dalaga. "You did a great job so you deserve a rest, Eraia," patuloy nito habang inaalalayan ang dalaga patungo kina Ashanty.

Eraia haustily chuckled after hearing Logan at nagpaubaya na lang dito since she felt like her energy was drained.

Nang makaupo sa kaninang kinupupuwestuhan ni Logan ay huminga ng malalim si Eraia bago ibigay rito ang pahina na kaniyang nakuha.

"I think that's our next destination," turan nito.

Tiningnan iyon ni Logan at saglit na natigilan matapos na makita ang sulat at guhit sa papel. Bumuntong hininga ang lalake na bahagya namang ikinakunot ng noo ni Eraia.

"Is there any problem?" she asked.

Tiningnan siya ni Logan ng taimtim. Saglit pa silang nagpalitan ng tingin bago siya sagutin ng binata. "This place was already vanished in this world, Eraia."

Author's note: Bago ang lahat, thank you for reading, voting and commenting this story hehehe. So eto nga, nakasanayan ko na kasing magtingin-tingin ng mga profile ng mga nagvovote sa story ko tapos kanina nung nagtingin-tingin ako, may nakita akong cover photo yung Bangtan😭😭😭 Wala lang, naexcite lang ako kasi adik din ako sa bangtan. Btw, read Chakho in wattpad and webtoon! Pati na rin yung The Star Seeker and Dark Moon. Incase sa mga hindi nakakaalam noon, it's a collaboration between the Hybe Labels, Wattpad and Webtoon. Wala langHAHAHAHAHA

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon