Glistening Clover
Pinagmasdan ko ang papalayong pheros na hindi na gumawa pa ng lindol. Wala sa sariling napabuntong hininga ako matapos na muling maalala ang paglutang ng lupa sa kamay ko. Pinasadahan ko ng tingin si Blue na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan kanina. Maging ako rin naman ay hindi makapaniwala. Just where the hell did I know that music?
Lumipat naman ang paningin ko sa mga elites na mukhang bumalik sa reyalidad. Sabay-savay silang nagsipaglapit sa'kin. Mukhang magtatanong kung pano ko iyon nagawa kaya agad ko na silang sinegundahan. "I just read that on a book and if you're asking me where did I learn that sound... Hindi ko rin alam."
Nagsitanguan sila na para bang sinasabing naiintidihan nila ako hanggang sa si Hendrix ay nagsalita. "Nakakagulat lang dahil tanging mga matagal nang naninirahan sa mundong ito ang nakakaalam ng musikang iyon." Maging siya ay nalilito rin pero hindi ko na lang pinansin iyon at nagsimula ang maglakad.
Well... He's right but wrong at the same time. Talaga nga bang ang mga matagal lang na naninirahan sa mundong ito ang nakakaalam ng musikang iyon? Nilingon ko si Logan na nasa unahan ko na ngayon. I smirked. He can't hide it, he can't hide his secret forever.
"You're guessing, right?" Nilingon ko si Blue na nasa tabi ko na pala at bumulong sa'kin.
Isang ngisi lamang ang tinugon ko sa kaniya. I'm not guessing. Dahil sigurado ako sa mga namumuong isipin sa utak ko.
SA PAGLIPAS ng oras ay tanging ang mga yapak lang namin ang naririnig hanggang sa narinig na namin ang boses ni Dos.
He's waving his hand, plastered a wide smile in his lips. Mukhang tuwang-tuwa ito. Sa sobrang tuwa ay talagang tumakbo pa ito papalapit sa'min habang hila-hila si Summer na nakabusangot. She must be tired, waiting for us but she has no choice but to do so.
He was about to go to me but was stopped when he saw Blu who's beside me. Kumunot ang noo ni dos at ni Summer. "Sino naman yan?" takhang tanong ni Summer.
Bahagya kong nilingon si Blue na walang reaksyon pinagmamasdan ang mga ito. Bumuntong hininga ako para sagutan ang katanungan nila. "He's Blue," pormal na wika ko.
"Kaano-ano mo?" tanong ni Dos nang makita ang bahagyang paghawak ni Blue sa kamay ko. Tinaasan ko si Dos ng kilay.
"None of your business," pagtataray ko sa kaniya dahilan para ikanguso niya.
Nagtagpo naman ang paningin namin ni Summer na wari may ipinahihiwatig sa uri ng mga tingin niya. ISang tango lang ang ibinigay ko sa kaniya nang maintindihan kung ano ang ipinahihiwatig niya.
Hindi na namin pa inaksaya ang oras at agad nang nagpatuloy sa paglalakad. Bahagya pa 'kong nahiwagaan nang makita kung gaano kahaba ang tulay na lalakarin namin. Ayon kay Hendrix ay aabutin pa kami ng labing walong oras sa tulay at mukhang mas lalo pa kaming matatagalan dahil sa madulas at sira-sirang tulay na ito. Kinailangan naming bagalan ang paglalakad para hindi madulas at mahulog sa mga butas na kasya ang isang tao sa laki. Sa tuwing may madadaanan kaming mga butas ay inoobserbahan ko kung ano ang ibaba noon at doon napagtantong puro puno iyon ngunit walang lupa kun'di tubig ang nakapalibot. Malakas din ang daloy ng tubig sa ibaba pero ni hindi man lang namin naririnig iyon dito sa itaas.
Hawak ni Blue ang kamay ko para maalalayan ako sa paglalakad. Hindi niya rin magawang tumakbo ng mabilis dahil hindi niya pa gaanong gamay ang abilidad para makatakbo siya sa ganitong daan. May tiyansa kasing mahulog siya kapag biglang bumagal ang takbo niya dahil naaayon sa enerhiya niya ang abilidad niya sa pagtakbo na kapag napagod siya ay hindi niya na rin magagawang makatakbo.
"May nalaman akong sikretong napakainteresante." Nilingon ko si Summer na nasa tabi ko na pala at ngayon ay nakangisi sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa reaksyon niyang tila siya na ang taong nakakabasa ng isipan ng lahat.
"Hindi ako interesado," pormal na wika ko bago siya bahagyang nginisihan. "Alam ko na, Summer." I chukled.
Mahina siyang tumawa sa sinabi ko. "Hindi naman lahat ng alam mo ay totoo, Eraia," pang-uuyam nito na binalewala ko na lang.
Hindi rin naman lahat ng alam niya ay totoo. Kagaya ng tawag niya sa'kin. Hindi naman talaga ako si Eraia at nasisiguro kong hindi niya alam iyon.
Ikatlong Persona
Habang sila ay naglalakbay, muli nanamang kinukulit ni Ashanty si Elias na mas lalong ikinabugnot ng binata.
Nakangusong nagsalita si Ashanty. "Parang isasakay mo lang ako sa likod mo e, hindi naman mahirap yon!" angil ng dalaga.
Sinamaan naman siya ni Elias. Sa totoo lang ay kanina pa ubos ang pasensya niya para kay Ashanty pero hindi naman niya magawang magalit dito. Bumuntong hininga siya as he squat in front of Ashanty nang sa gayon ay hindi na ito mag-ingay pa. "Sakay," masungit na wika niya rito.
Lubos namang natuwa si Ashanty sa sinabi ni Elias at agad na sumakay sa likod ng binata. Kaya naman niyag maglakad at hindi pa naman siya pagod. Gusto niya lang talagang inisin ito dahil maloayo sa kaniya si Cooper na kadalasan niyang iniinis kapag wala siyang magawa o hindi kaya ay nabubugnot siya.
"Thank you!" Natutuwang ani ni Ashanty. Nagbibiro lang naman siya pero sineryoso ito ni Elias kaya dapat siyang magpasalamat dito. At isa pa ay alam niya sa sariling mabigat siya.
Hindi naman sumagot si Elias at tanging palatak lang ang tinugon nito. Mas lalo na lang nag-ingat ang binata sa paglalakad gayong hindi na lang ang sarili niya ang mapapahamak kapag natapakan niya ang hindi maayos na daan.
Pasalamat na lang talaga si Ashanty dahil kahit ubos na ubos na ang pasensya ni Elias ay hindi siya nito pinapatulan.
"Ang bango mo." Bahagyang nanigas si Elias dahil sa sinabi ni Ashanty at maging na rin sa ikinilos nitong pag-amoy-amoy sa leeg niya.
Malapit na talaga mapigtas ang kakarampot na pasensya niya. He bit his lower lip as he tilted his head, trying to move his neck on Ashanty's nose. "Tumigil ka, Ashanty." Dahil sa sinabi niya ay napanguso naman ang dalaga.
"Inaamoy ka lang eh! And I'm complimenting you! Ang bango mo kaya," turan ni Ashanty at sinubukan pang amoyin ang leeg ni Elias but was stop by Elias hand.
"Please, Ashanty... Makinig ka nalang." Nagtitimping wika nito.
Now, Elias really regret having Ashanty with him.
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasyHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...