Fifty Four: Triumph

2.7K 207 13
                                    

Triumph

Inilibot ng unang reyna ang kaniyang paningin na tila siya ang pinaka-kalmado sa lahat ng taong nandito. The way she looked at those people, it was pure of kindness and love. How could she do that?

"Para sa kaalaman niyo. Walang kahit anong ginawang kasalanan si Cooper dahilan para kasama niya ang elites student ngayon. In fact, he's part of the elites," mahinahong paliwanag niya.

Tila naman natigilan ang lahat sa kaniyang sinabi na wari'y hindi makapaniwala sa sinabi ng ika-unang reyna.

I can't help but to smirk because of their reaction.

Talaga bang minamaliit nila si Cooper kaya't ganiyan na lamang ang reaksyon nila?

Nilingon ko si Cooper na wala man lang naging reaksyon sa sinabi ng Ikaunang reyna.

Kalaunan ay inaya kami ng Ikaunang reyna na lumabas sa silid na iyon na agad naman naming sinunod dahil pare-parehas ang nararamdaman naming ayaw nang manatili pa sa lugar.

I once again looked at the King na parang wala sa sarili. Ni hindi man lang ito kumikino kanina. Wala siyang ginawang kahit anong aksyon at pawang pinakatitigan niya lang ang eksena na wari isa itong pelikula.

Dinala kami ng reyna sa isang hardin na may isang pahingahan. Mukhang ito ang lugar niya sa palasyong ito dahil pamilyar na pamilyar siya sa lugar at mayroon din siyang sariling katulong na namamalagi sa lugar na ito.

Pinaghanda kami ng reyna ng pagkaing tulad ng mga matatamis na tinapay na hindi naman namin tinanggihan.

I'm patiently looking at Logan who's enjoying the sweets. Siya lang ang sunod-sunod na kumukuha ng matamis na tinapay habang si Elias naman na sumunod sa isang mahilig din sa matatamis ay hindi masyadong kumukuha.

Pare-parehas kaming nakaupo sa lapag habang ang mga tinapay naman ay nakapatong sa isang mababang lamesa.

Iniwas ko ang paningin kay Logan nang pasadahan niya rin ako ng tingin. My gaze went to the lady who called the second queen a 'mom'. Nakayuko lang ito at kinakalikot ang nga daliri.

"You're planning to leave this palace, aren't you?" ani ng ikalawang reyna sa ikaunang reyna.

Marahang tumango si Queen Klara. "Hinihintay ko lang talaga ang pagbalik ni Cooper dito," marahan niyang wika kaya naman sabay-sabay kaming napatingin kay Cooper na wari'y natitigilan ito.

Queen Klara softly smiled at Cooper bago ibaling ang paningin sa ikalawang Reyna. "Alam mo namang si Cooper na lang ang natitira sa'kin, Astrid."

Dahil doon ay sabay-sabay kaming natigilan at nangunot ang noo hanggang sa si Cooper na ang nagsalita. "Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtatakhang tanong ng binata.

Dahan-dahang naging malungkot ang pagngiti ng reyna bago ito nagbaba ng tingin. "Matagal nang nawawala ang kuya mo, Cooper," imporma nito.

Tila nabato sa kinalalagyan si Cooper at hindi ito nakapagsalita ang hindi. Nangunot ang noo niya. "Anong nawala? Bakit mawawala si Kuya?" bahagyang nanginginig na ang boses nito. At dahil kalapit ko lamang siya ay nakita kong pati ang kamay niyang nasa tuhod ay nanginginig na rin.

The first queen raised her head at she gracefully shrugged her shoulder. Nakita ko ang pangingilid ng kaniyang luha dahil sa pagkinang iyon na nasisilawan ng liwanag. "Inatasan siya ng isang misyon galing sa Hari... Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Miski ni isang balita ay wala kaming naririnig mula sa kaniya. Hanggang sa may nagpadalang isang sulat na katulad na  katulad ng sulat-kamay niya. The letter says, magpapakita na lang raw siya sa tamang panahon kung..." Huminga ito ng malalim upang pigilan ang pagpatak ng kaniyang luha. "Kung buhay pa siya. Base sa sulat-kamay niya ay nakikita kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon."

Natahimik kami sa kuwento niya.

"Pinahanap niyo na po ba siya? Inalam niyo ba kung saan nanggaling ang sulat? Paano kung nasa panganib si Kuya?" Nabahiran ng pag-aalala ang boses ni Cooper pero alam kong pilit niyang pinahihinahon ang sarili.

Tumango ang ikaunang reyna. "Pinahanap ko pero wala," aniya.

"Hindi niyo talaga mahahanap ang isang tao kung ayaw niyang magpakita sa inyo," biglang wika ni Hendrix na kanina pa tahimik sa isang gilid. "Tiyak kong nasa mabuting kalagayan siya ngayon."

Nangingiligid ang luhang tiningnan iya ng ikaunanh reyna. "How did you know that? Nagpapakita ba siya sa'yo?" mahinahong ani ng reyna but there's a hit of eagerness in her voice.

Umiling si Hendrix. "Aksidente lang kaming nagkita pero ikinalulungkot ko na hindi ko maaaring sabihin sa inyo kung saan ko siya nakita."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Cooper na para bang nakahinga na ito ng maluwag.

"Bakit hindi ko nakita ang Ina ko kanina?" Sa tanong ni Cooper ay agad na natigilan ang ikaunang reyna bago balingan ng tingin ang ikalawang reynang prente lamang nahinahaplos ang buhok ng anak na babae.

Nahihiya at alanganing ngumiti ang mahal na reyna kay Cooper. "Ang totoo niyan ay nasa parusahang-silid siya," sagot ni Queen Klara.

Cooper slowly nodded. "Hindi pa rin nagbago," nawawalang pag-asang ani nito.

Sandaling namuo ang katahimikan sa paligid nang muling magsalita ang mahal na reyna. "By the way. Ano nga palang ipinunta niyo rito?" maligayang ani nito na para bang hindi nangilid ang luha niya sa pagka-miss sa anak.

Sa pagkakataong ito ay si Calypso naman ang sumagot. "Pupuntahan po sa'min ang sikat na dagat sa lugar dito," pormal na pahayag nito.

Napatango naman reyna sa she clasped her both hand bago ipalibot ang paningin sa'min.

Huminto ang tingin niya sa'kin at nginitian ako. "You must be, Eraia?" nakangiting tanong nito.

I blinked thrice before I nodded. "Yes, your highness," I answered.

Her mouth formed an 'o' na agad ring nagbago sa matamis na ngiti. "Kamusta ka na?" marahan nitong tanong bago mahinang tumawa. "Hindi kita nakilala noong nakaraan dahil malaki ang pinagbago mo kumpara noong labing-pitong taon'g gulang ka palang," masayang ani nito.

Dahan-dahan namang nangunot ang noo ko. Ibigsabihin ay isa siya sa nakasalamuha ni Eraia dati.

"Ah... Wala na po siyang maalala sa nakaraan niya, Mahal na reyna," imporma ni Ashanty para sa'kin.

Natigilan naman ang ikaunang reyna habang ako naman ay bahagya na lang siyang inilingan at nginitian ng tipid. "But I'm slowly regaining my memories, Queen Klara."

Dahan-dahan siyang ngumiti at hindi na nagsalita pa.

Pero ang ikalawang reyna naman ang sumunod. "Your memories... Really?" As she left me her cunning smile that made me stop.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon