Twenty Five: Modern Sync

5.2K 304 8
                                    

Modern Sync

Tahimik kaming nagtungo lahat sa Headmaster's office at doon naabutan si Hendrix na mukhang hinihintay kami sa tapat ng pintuan.

Nang mamataan niya kami ay agad niyang binuksan ang pintuan bago kami paunahing pumasok atsaka siya sumunod.

Bumungad sa'min ang Headmaster na nakatayo sa tapat ng lamesa niya. He gave us a warm smile before his gaze went on me. "You did well, Lady Eraia," he compliment me. Since I have nothing to say ay tinanguan ko na lang siya, therefore the conversation will not take long.

Isa-isa niya kaming pinasadahan ng tingin bago umayos ng tayo. "Follow me," utos niya bago pumasok sa pintuan na nasa pinakagilid na hindi masyadong nakikita. Saglit muna kaming nagpalitan ng tingin ng mga elites bago napagdesisyunang sundan ang Headmaster.

Natigilan ako nang pagpasok sa pintuan ay bubungad sa'kin ang steel na dingding. I roamed my eyes around the small space but was enough na magkasya kami. Kusang nagsara ang pintuang nasa likod ko at agad akong natigilan nang biglang parang bumaba ang inaapakan namin.

An elevator?

Nakita ko ang alertong mukhang ng mga kasama ko maliban kina Hendrix at Headmaster while Logan seems to be confuse and interested.

Nang maramdaman ko na ang paghinto ay inikot ko ang aking paningin sa aking likod at doon nakita ang tila ba modernong lugar.

Natitigilan akong naunang bumaba sa elevator bago nilibot ang paningin, hindi makapaniwalang may ganito sa opisina ng Headmaster. All the equipments and even the lights were advance.

"Modern, right?" Napalingon ako sa'king gilid nang marinig na magsalita ang Hesdmaster. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paglibot ng elites sa lugar. The room was really spacious. "Ikaw ang nakaisip ng lugar na ito Lady Eraia," aniya.

I blinked twice before slowly furrowing my eyebrows. Si Eraia? Ganito ba siya katalino para makaimbento ng ganitong lugar sa mundong ito?

Ngumiti ang Headmaster matapos na makita ang reaksyon ko. "Ikaw ang pinakamatalinong estudyante sa paaralang ito. Ang akala ng iba ay ikaw ang pinakamahina pero hindi nila alam na ikaw ang pinaka may pakinabang sa paaralang ito," kuwento niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya bago mariin na pumikit. I massage my temple, trying to process these things.

Sunod-sunod nanaman ang mga katanungang pumasok sa isip ko. Sa sobrang dami ay hindi ko na maisatinig isa-isa ang mga iyon.

Huminga ako ng malalim bago mapagdesisyunan na magtanong sa Headmaster. "Kailan ko naimbento 'to?" tanong ko.

Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya patungo sa isang lamesa at may pinindot doong kung ano para magbukas ang compartment. May kinuha siyang sandamakmak na mga papelas doon bago ilapag sa mesa.

Sjnenyasan niya 'kong lumapit kaya iyon ang ginawa ko. There's a different sketches and instruction na nakikita ko sa mga papeles. Kinuha ko ang isa sa mga roon. Bahagyang nanlaki ang mata ko. Kagayang-kagaya ito ng sasakyan na ginamit namin patungong Fantasy Falls.

Does that mean na si Eraia ang may imbemto noon? Dahil nababasa ko ngayon ang pangalan niyang katibayan na siya ang nakaisip ng sasakyan.

"Oo, Lady Eraia. Ikaw ang nakaisip ng lahat ng ito." He handed me another papers na naglalaman kung kailan ito ginawa ni Eraia. She made this when she's 17 years old!

Paano? Paano niya naisipang gumawa ng mga ganitong bagay? Gaano ba siya katalino? She surpass my expectation.

I mentally laughed. This Goddess is really unbelievable. Hindi na'ko magtatakha kung may iba pa siyang pa-surpresa sa'kin.

The Headmaster says that we can use the room na pinangalanan ng Headmaster na Modern ground dahil sa mga advance na kagamitan dito. He decided to let us take care of that place since Eraia was the one who created it.

Bago kami umalis ay kinuha ko ang battery na ginawa din ni Eraia. The battery has power kaya alam kong magagamit ko ito... ngayon.

Kinuha ko ang device chip na nilagay ko sa ilalim ng kama. Pinatong ko iyon sa lamesa bago kinalikot para makuha ang wire na ididikit ko sa dulo ng battery at sa oras na gumana iyon ay malalaman ko na kung anong nilalaman noon.

I spend my two hours for this device. I'm close to giving up dahil hindi gumagana, hindi ko alam kung yung battery ang hindi gumagana o mali ang pag-ayos ko nito? But I can'y be wrong since I know how to make this.

Out of frustration ay wala sa sariling naihampas ko ang device chip. Napakurap ako nang may biglang lumabas na ilaw sa device chip at naghulma ito ng parang screen. Hologram.

The screen contains a small map and directions. I don't know where is this but I can't help but to admire what I'm looking at right now.

This thing where cool. I tried to swipe my finger in the air. I smirked when the screen change.

There's a letter.

Dahan-dahang nangunot ang noo ko.

A sign for you to find the right place. That's the only letter. Panibago nanaman ba 'tong clue? Ang mapa ba na iyon ay magsisilbing direksyon namin para mahanap ang nawawalang lugar?

Tumayo ako at agad na kumuha ng makapal na damit panlamig upang magtungo sa opisina ng Headmaster kahit dis-oras na ng gabi.

Hindi na'ko nagdalawang isip na tumakbo pagkatapos isara ang pintuan ng dorm ko.

I felt the cold wind slapped my face. Marahas ang hangin ngayon kaya hinawakan ko na ang laylayan ng aking damit para maging madali ang aking pagtakbo.

Malayo ang opisina ng Headmaster sa Dormitoryo that's why it takes me a minute to come there.

Kahit hinihingal ay agad na'kong kumatok sa pintuan at kahit hindi pa sumasagot ang Headmaster aya binuksan ko na iyon para makapasok.

Bumungad sa'kin ang Headmaster na bahagyang natigilan sa presensya ko.

"Good evening, Lady Eraia. May importante ka bang kailangan? Oras na ng itutulog ng mga estudyante ngayon," pormal na tanong niya.

I closed the door went infront of him. Saglit ko pang pinasadahan ng tingin si Hendrix na nakatingin sa'kin ng walang ekspresyon.

I immediately looked away to talk the Headmaster about the device chip.

"Ikaw rin ba ang naglagay ng device chip sa kuwarto ko?" I eagerly asked. Puwedeng-puwedeng siya ang may gawa noon, 'di ba? Because he learns some modern equipment from Eraia.

Dahan-dahang nangunot ang noo niya. "Device chip? Wala akong pinalagay na ganoon sa kuwarto mo, Lady Eraia."

Author's note: Hi guys! Thank you for your love and support dito sa AOTDE!

Hindi ko po alam kung makakapag-update ako tomorrow. May sakit po kasi ako ngayon, hehe. Anemic kasi😭

Edited: Happy 8k reads<3 date: 01|26|22

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon