Rite Of Passage
In the end, the girl whom I talked to forgive me from what Eraia have done after I apologized. I also learned that her name is Summer, simula't sapul pa man ay may galit na raw talaga siya sa mga royalty pero hindi niya sinabi kung bakit.
Mabait naman si Summer, matapang nga lang. Kaya nagkasundo agad kami kahit na royalty ako. Dinala niya 'ko sa bahay-kubo na kanilang pinagpapahingahan at doon ay nakita ko ang mga trabahador na nagsisikain at nagpapahinga. They greeted me, noong una ay nagdadalawang isip pa sila na alukin ako dahil baka raw hindi ako kumakain noong kinakain nila but I shake that off on their mind when I joined them.
Marami akong natutunan sa kanila. They even taught me to plant. Nag-enjoy ako sa pakikisama sa kanila kahit na tinatrato pa rin nila akong mas mataas sa kanila.
Kaya nang mag-hapon na ay nagpaalam na'ko sa kanila't sinabihan silang babalik ako bukas.
I maybe be a stubborn lady, but I know how to communicate to people like them. I maybe look hostile but I'm kind... It depends.
Nang makapasok na'ko sa palasyo ay agad na sumalubong si Gregoria sa'kin ng may pag-aalala sa mukha nito.
Palagi nalang itong nag-aalala sa'kin.
"Bakit po marumi ang kasuotan niyo?" nag-aalala nitong tanong.
Nagkibit-balikat ako bago naglakad at sinundan naman niya 'ko. "Pumunta lang ako sa farm para matutong magtanim," sagot ko sa kaniya. "Kailangan ko bang ipaalam ang lahat ng gagawin ko sa'yo?" tanong ko sa kaniya.
Nahagip ng paningin ko ang napapahiyang ngiti niya. "Nag-aalala lamang po ako sa'yo. Dati po kasi ay takot kang lumabas o pumunta sa kung saan nang wala kang kasama, natatakot ka pong mag-isa," turan nito sa'kin na ikinatigil ko sa paglalakad.
Agad ko siyang nilingon ng may seryosong titig dahilan para unti-unting mawala ang ngiti niya. "Gregoria. Pakatandaan mo na hindi na ako yung dating natatakot na mag-isa sa kung saan man pumunta. I can do what ever I want without anyone's help. Hindi na'ko kasing hina ng Eraia'ng nakasama mo dati, maliwanag?" wika ko sa kaniya.
Dahan-dahan siyang tumango. Nakita ko kung paano nangilid ang luha niya na muli nanamang ikinakunot ng noo ko.
Wala naman akong ginawa!
"Bakit ka umiiyak?" takhang tanong ko.
Umiling-iling siya. "Natutuwa lang po ako sa'yo, Lady Eraia. Malaki na po ang pinagbago niyo sa dating ikaw. Matapang at malakas na po ang loob niyo."
I slightly smiled when I heard what she said. Tumango ako sa kaniya bago muling ipagpatuloy ang paglalakad.
Gregoria is such a crybaby. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil doon. She maybe cute but sometimes, she's over-acting. Kung titignan mo siya ay mukha siyang babasaging bagay, but I know what she's capable of. Life hit her so hard, and that's when she became strong.
Matapos kong makarating sa'king silid ay nilinisan ko na ang aking sarili bago nagpalit ng damit. Saglit ko ring nilibot ang damitan ni Eraia para maghanap kung mayroon ba siyang damit na pang modern ba ang stylo. Noong tinawag ako ng hari para sumalo sa kanila sa hapag-kainan ay nakita ko ang modernong kasuotan nila na may halong aristocratic.
Kaya ngayon ay tinitingnan ko kung mayroong nakatagong ganoon si Eraia but I gave up nang makitang ni isa sa mga ito ay wala.
Ngayon na ang simula ng klase kaya hinanda ko na at dinouble check ang mga gamit ko.
Sinabi sa'kin ni Gregoria na makakasabay ko sa sasakyan si Damiana pero wala naman akong pakialam sa kaniya kaya. Hindi rin daw puwedeng sumama sa'kin si Gregoria dahil tanging mga enrolled lang sa paaralan na iyon ang puwede pumasok. Nalaman ko rin na may dorm kami sa loob ng paaralan at tanging weekend lang puwede lumabas at magpunta sa kaniya-kaniyang tahanan.
Nang makasakay sa sasakyan ay ni hindi ko man lang tinapunan ng pansin si Damiana. Nakatingin ako kay Gregoria. Binigyan ko ito ng isang maliit na ngiti at kumaway sa kaniya, nakangiti rin siyang kumaway pabalik. Nang handa ko nang isara ang bintana ay natigil din agad dahil nahagip ng aking mata si Summer na tumatanaw sa'min. Tinaasan ko siya ng kilay at gayun din ang ginawa niya sa'kin dahilan para mapangisi ako sa inaasal niya. Kinawayan ko rin siya pero isang thumbs down lang ang binalik niya and mouthed, "Huwag ka nang babalik." I smirked at her before I closed the window of the car.
Kumportable akong sumandal sa backrest habang hindi inaalintana ang mga tingin ni Damiana.
"Nag-umagahan ka na ba, Eraia?" malambing nitong tanong kaya bahagya ko siyang tiningnan bago taasan ng kilay at ngumisi nang makita muli ang mga emosyon sa mata niya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa'king labi. "You know... You don't need to put a mask while facing me. Kasi kahit anong tago mo niyang masamang budhi mo ay makikita't makikita ko pa rin," wika ko sa kaniya.
I saw in my peripheral vision kung paanong nanlaki ang mata niya. "A-Ano bang sinasabi mo?" nauutal niyang tanong.
Mahina akong natawa. "Hindi ba't ikaw ang nag-uutos sa mga kaibigan mong bully-hin ako?" I asked, stating the fact. Nabasa ko iyon sa journal ni Eraia. Nalaman niyang si Damiana pala ang nag-uutos sa mga kaibigan nito para saktan at ipahiya siya sa paaralan.
Mula sa pagkagulat ay dahan-dahang sumama ang timpla ng mukha niya. At last. "Akala ko ba'y nawala ang mga ala-ala mo?" tanong nito sa'kin nang may naniningkit ang mga mata.
"Well sadly... Unti-unti nang bumabalik ang mga ala-ala ko." Tumawa ako. "Nakakatawa nga't ang una ko pang naalala ay ang mga tungkol sa'yo na nalaman ko," kuwento ko.
There's a glimpse of frightened plastered in her eyes. I want to laughed with her reaksyon.
Eraia, wherever you are. You should celebrate this day dahil nakumpronta ko na ang kaagaw mo sa lahat na hindi mo magawa-gawa dati.
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasiHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...