Fifty Two: Significance

3.1K 201 2
                                    

Significance

Our breakfast went a little more messy and loud because of three, Cooper, Elias and Ashanty. They keep on pestering me... us. But luckily, we survive the breakfaat without getting irritated.

Mga tanghalian nang ipinahayag sa'min ng isang maid na hinahanap raw ang aming presensya sa palasyo. Noong una ay hindi nais na sumama ni Cooper kahit na anong pilit nina Ashanty.

"Kailangan mong harapin ang problema mo, Cooper." I decided to interfere.

Wala na itong nagawa kun'di ang sundin ang sinabi ko. Kaya hinanda na lang niya ang kaniyang sarili kahit na labag iyon sa kalooban niya.

But I don't care though. Kahit mag-inarte pa siya sa harap ko ay kailangan niya pa rung harapin ang dati niya pang problema... Ang pamilya niya.

Tahimik kaming naglalakad sa pasilyo.

Ashanty clung my shoulder to me. "Eraia," tawag nito sa'kin. Saglit ko siyang nilingon. "Yung twist na sinasabi mo dati..."

Tinasaan ko siya ng kilay. I remember. Those advantages na makukuha nila habang tinutulungan ako. Hindi niya totally na sinabi sa'kin kung anong iturulong ko sa kaniya but she said, it was related to her family.

"Napagdesisyunan ko kasing tulungan mo ang kapatid ko, si Acleo, na makapagsalita." Huminga ito ng malalim. "Ang sabi kasi ng mga manggagamot dati ay hindi na kailanman makakapagsalita si Cleo pero hindi ako naniniwala doon. Alam kong makakapagsalita pa rin siya... Pero hindi ko lang alam kung paano," aniya. "Noong nakita ang gamot na ginawa mong madaling makapagpagaling ng sugat ng mga nilalang, napag-isip-isip ko noon na posibleng may magagawa ka sa kondisyon niya. Baka may magawa ka ring gamot para sa kaniya."

Tahimik ko siyang pinapakinggan habang inaalala kung ano ang mga naging kilos ng kapatid niya noong nakita ko siya. Dahan-dahan akong napailing kay Ashanty na ikinatigil niya. Akala siguro ay tatanggihan ko siya. "Puwedeng hindi na sumailalim pa sa medikasyon ang kapatid mo, Ashanty. Ang hindi niya pagsasalita ay dala ng trauma dahil sa nakaraan niya." Tinitigan ko siya na para bang sinasabi na marapat niya 'kong pakinggan ng mabuti. "Advice lang ang maitutulong ko sa'yo dahil ang kailangan ni Acleo ay ang taong palaging nasa tabi niya at handang ibigay ang balikat sa kaniya."

Natigilan siya before she sighed. Kinalikot niya ang kaniyang mga daliri bago napayuko. "Pero wala akong kilalang gano'n tao... Hindi ko rin kayang palaging nasa tabi niya." Sinalubong niya ang tingin ko pero agad niya rin iyong pinutol sa pag-iwas. "Even me... Is also suffering until now, Eraia. I still can't live peacefully because that night is still hunting me. Kung nandoon lang ako... Kung hindi lang kami umalis sa bahay ay hindi nangyari iyon," unti-unting nanginginig ang boses niya. She was close to giving up... I see. That's why I pulled her close to me. I'm way taller than her, hanggang tainga ko lang siya kaya madali kong isinandal ang ulo niya sa balikat ko as I gave her a hug.

I caressed her hair. "Don't think that way, Ashanty," mahinang bigkas ko. "Sa tingin mo ba ay nandito ka pa rin sa kinatatayuan mo kung nandoon ka ng pangyayaring iyon? Everything happens for a reason. Ang pagkalugmok mo ang hindi rason noon, the reason behind all of that is to make you way more stronger and braver than your old self. Isa iyon sa humulma sa'yo sa kung ano ka ngayon."

Sinuklian niya rin ang pagyakap ko't hindi na lang nagsalita. I could feel that she began crying. I didn't bother to say anything to make her stop crying.

Naramdaman kong bumalik sa puwesto namin sina Cooper.

"Bakit umiiyak?" nagtatakhang tanong ni Cooper pero may bahid iyon ng pag-aalala. He tapped Ashanty's back softly.

Si Calypso naman ay hinimas ang buhok ng dalaga. They are all concerned on her. Mukhang hindi sila sanay na umiiyak ng malala ang nag-iisa nilang babae sa grupo.

Hindi ko sila sinagot at huminga na lang malalim.

Kalaunan ay kumalma rin si Ashanty. She smiled widely na wari'y tila nakahinga na siya ng maluwag but there's still a sadness in her eyes.


Nang papasok na kami sa palasyo ay pailang-ulit munang tinanong ni Calypso si Ashanty kung gusto munang manatili ni Ashanty sa silid niya but the lady refused.

Agad na sumalubong sa'min ang katulong na may kung ano-anong ginagawa. Tumigil lang sila nang maramdaman ang presensya namin. Sabay-sabay silang yumuko. Habang mga nakayuko sila ay ipinalibot ko ang aking paningin sa lugar hanggang sa may nakitang isang katulong na nakayuko rin, malayo ito sa puwesto namin pero kitang-kita at agaw pansin ang porselanang kutis nito. Mukha siyang maharlika kung hindi lang siya nakasuot ng pangkatulong na damit.

Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya ay agad niyang hinanap iyon hanggang sa nagtama ang paningin namin. Nakita ko kung paanong bahagyang umawang ang labi niya habang ako naman ay blangkong pinagtuunan lang siya ng pansin. Agad iyang umiwas ng tingin sa'kin kasabay ng pag-angat na ng mga ulo ng katulong.

Hindi ko iniwas ang paningin sa babae'ng nakita ko. I twitched my lips to prevent myself smirking. That lady screams significance. I wonder why she ended up wearing maid's uniform. Or is she really a maid?

Muling nagtama ang paningin namin ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya na magawang maiwas pa ang paningin.

"Are you familliar with her?" Nabaling lang ang atensyon ko nang magsalita sa gilid ko si Logan, he's referring to the girl I'm staring to.

Umiling ako sa kaniya. "No."

Tumango na lang siya at sumunod na kina Cooper na nagsisimula nang maglakad.

I softly sighed bago sumabay na rin sa paglakad. Wala ni isa sa mga katulong ang pinag-tuunan ko ng pansin.

Ang mga kagamitan dito ay halatang mamahalin ngunit modernong tingnan. Ngunit kahit na maliwanag ang paligid ay may kung anong mabigat na presensya ang lugar na ito. Hindi ko mawari kung ano ito at saan galing but I care less. Kahit saan namang lugar ang puntahan namin ay mapanganib.

Nang madaanan ko ang babaeng nakatitigan ko ay bahagya ko siyang pinasadahan ng tingin. Hindi siya nakatingin sa'min at pinagtuunan lang ang sahig.

Napailing na lang ako as I smelled lavander in her.

She looks fragile.

Isn't she?

Author's note: Next update will be later at 11 pm! The next chapter's title will be that girl's name<3

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon