Seventy Four: Another Quest

2.2K 171 11
                                    

Another Quest


Saglit muna kaming nagpahinga matapos ang biyahe na halos anim na oras. Hindi pa rin kami nakarating sa paroroonan namin kaya minabuti lang muna naming huminto para na rin kumain.

Sakto namang sa pinaghintuan namin ay may malapit na sapa na puwedeng pagliguan. Kaya agad naming napag-usapang maligo doon para gumaan kahit papaano ang pakiramdam namin.

"Ang lamig," nanginginig na wika ni Ashanty habang ang mga paa niya ay nakalubog na sa tubig. Nauna kasi siyang tumakbo sa sapa na sinundan na lang namin.

Si Elias naman ay naiiritang tinatapunan ng tingin si Cooper na agad ring tumungo sa tubig katulad ni Ashanty, na ngayon ay nagwawasik ng tubig kay Elias.

Di Calypso naman ay panay ang saway kay Cooper dahil maging siya ay nasasabuyan na rin ng tubig.

Gusto ko nga rin sanang maligo ngunit ang katawang ito ay mukhang wala sa kondisyon para makipag kumpetensya sa lamig ng tubig at simoy ng hangin.

Ang dalawang lalake na kasama ni Blue ay umiwas muna sa'min. Lahat talaga kami ay natigilan sa sinabi ni Hendrix kanina, I mean he perfectly can control his emotion pero parang hindi niya na kontrol ang emosyon niya't naging masungit siya. At dahil sa sinabi ni Hendrix ay muntik pang sumabog sa inis ang lalakeng singkit na nagsalita, buti na lang ay naawat agad ni Blue ang lalake'ng iyon.

zSi Logan naman ay tahimik ding naliligo sa gilid. Nakapikit ito na tila ninanamnam ang lamig ng tubig.

"Ano ba?! Huwag ka ngang yumakap sa'kin!" Napatingin ako sa gawi ni Elias at nakitang nakayakap na sa kaniya si Ashanty na nanginginig na sa lamig.

Mukhang mas lalo pang hinigpitan ni Ashanty ang pagyakap niya dahil nakita ko kung paanong mas nainis si Elias at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap ni Ashanty.

"Bitaw!" inis na wika ni Elias.

"Ang damot mo naman! Gusto ko lang yumakap eh! Ang init kaya ng katawan mo!" Buwelta ni Ashanty at mas lalo pang yumakap sa binata na parang unggoy dahil lumambitin pa ito.

Napailing na lang ako sa ginawa nito at hindi nalang pinansin ang dalawa.

"Would you like to talk somewhere?" Napatingin ako kay Blue na nasa tabi ko ngayon at hindi nakisama sa pagligo.

Seryoso ang pag-aaya niya sa'kin maging sa itsura niya kaya agad akong tumango. Saglit ko pa munang pasadahan ng tingin ang elites na naliligo at si Hendrix na nakasandal sa isang puno't natutulog. Bago kami nag-umpisang maglakad papalayo sa lugar. We need to talk somewhere private kaya marapat talaga na lumayo kami sa kanila.

Nang makalayo-layo ay agad na kaming huminto ni Blue.

Saktong pagharap pa lang nito sa'kin ay agad ko na siyang tinanong. "Bakit ka nandito? Paanong nandito ka? Gaano katagal ka pang nandito? Atsaka paano mo 'ko nakilala?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Huminga muna ng malalim si Blue bago ako sagutin. "Naalala mo noong huminto si Mama sa pagtatrabaho sa organisasyon para alagaan ako dahil sa sakit sa puso?" marahan nitong paalala sa'kin na agad ko namang tinanguan. His mom, my tita, who taught me about swordfighting and fencing, she quit in the organization where I worked before this thing happened because of him, Blue, who had been in a severe heart desease. "Ilang buwan lang noon ay may nakausap si Mama na kaya akong pagalingan basta't pumunta lang ako sa lugar na hindi ko alam kung saan. And you know Mom, she wants the best for me kaya sinugal niya lahat ng what if and risk na mangyayari just to make me better." He sighed.

"Yes, gumaling nga 'ko ng dinala niya 'ko sa lugar na iyon. But the consequence is, I need to go here. The guy who healed me also gave me power to see souls bago niya 'ko dalhin dito. Nagdalawang-isip si Mama kung papapuntahin niya ba 'ko dito but I insist because you know... I like to discover some things, right?" he humorlessly chuckled. "Pero nang makapasok ako sa lugar na ito ay hindi ko na alam ang daan pabalik, pauwi sa'tin. Although, I still keep seeing the guy who healed me and he always say that Mama and Papa are fine. I trusted his words. I need to trust his words."

Dahil sa kuwento niya ay hindi ko mapigilang mapakunot ang noo.  Ibigsabihin ay matagal na siyang nandito? Posibleng habang nasa organisasyon pa'ko ay nandito na siya. Like, what the fuck? Is it really possible? May portal kaya ang mundong kinagisnan namin patungo dito? Well, it's not fucking impossible because I already included that possibility in my mind.

"Who's the guy?" I curiously asked.

"Hindi ko siya gaanong kilala. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kulay dugo niyang mga mata. I just concluded that he is a guy because of his proportion," he said.

I sighed at mariing pumikit para mas inintidihin ang sitwasyon. Muli akobg nagmulat ng paningin para muli siyang tanungin. "Did you already see Kim?" Blangkong tanong ko sa kaniya.

Saglit na nangunot ang noo niya na para bang wala siyang alam sa tanong ko na ikinabuntong-hininga ko. "Your... Bestfriend? Your childhood friend?" he asked.

Tumango ako sa kaniya. "I've seen her here."

"Wait... What? I thought she was dead?" kunot-noo'ng tanong niya.

Bumuntong hininga ako. "I thought too. But then I saw her and talked to her."

Saglit na namuo ang katahimikan sa pagitan namin at ang tanging naririnig na lang namin ay ang paghampas ng hangin sa mga dahon hanggang sa muli akong nagsalita. "May inutos ba sa'yo ang lalake'ng sinasabi mo?"

Agad na umiling si Blue. "I actually have no idea why he wants me to go here... But when I saw you here, I think I already know now. Especially when he gave me the ability to see souls. Parang gusto niyang ipaalam sa'kin na nandito ka. Ewan ko, hindi ko alam," naguguluhang wika niya.

Tahimik na lang akong tumango bago siya marahang tapikin sa balikat. "It's okay. I'm just glad that you're here. Aren't you glad too?"

Saglit na natahimik si Blue pero nagkibit-balikat din matapos ang ilang segundo. "Well... Nang magkaroon ako ng ability to see souls ay nagkaroon din ako ng ability to run like a flash, like what the hell? Parang superhero na'ko," he enthusiasthically said na nakapagpailing sa'kin.

Ilang saglit lang ay napagdesisyunan naming bumalik na sa sapa kung saan naliligo ang mga Elites.

Habang naglalakad ay agad akong natigilan nang makita si Logan na papalapit sa'min. Iba na ang damit nito.

Pero hindi ako natigilan dahil sa presensya niya.

I just remembered something.

Logan, the first prince of Westland Palace and the heir of Roosevelt Mafia, owns a pair of bloody red eyes... right?



Author's note: HOYYY ANO BAAA😭 HINDI AKO MAKAPANIWALANG BINABASA TO NG AUTHOR NUNG STORY NA BINABASA KO😭 HALA PA'NO KUMALMA???? GRABE MISS. A. MIRMANA!!! THANK YOU 4 READING THIS STORY!!!

Trivia: May 29 po ang birthday ni Eraia!

Thank you guys for reading this story kahit minsan ay nagiging lame ang mga chapters!

ps. Hindi po ako magaling sa romance genre kaya sorry sa mga cringe part.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon