Forty Five: Calm of Sea

3.5K 253 38
                                    

Calm of Sea

Hindi ko alam kung bakit nakumbinsi akong sumama nina Ashanty na pumunta sa dagat para mangisda.

Ang usapan lang kanina ay mamahinga muna saglit sa bahay-panuluyan para makaroon ng lakas. But look what we're doing right now.

Sanay naman na'ko sa pangingisda dahil isa rin ito sa itinuro sa'king organisasyon, in order to survive. But the thing is, Eraia's body is at disadvantage. Nakikita ko rin sa mga elites na hindi sila maalam sa ganitong buhay.

Dos was the one guiding them along with Summer. Sa nakikita ko ay mukhang hasang-hasa na sila sa ganitong bagay.

Dalawang bangka ang ginagamit namin, ang isang nagpapaandar noon ay si Hendrix at ang bangka naman kung saan kami naroroon ay si Dos ang nagpapaandar.

"Dito na magandang mangisda," ulat ni Dos kila Hendrix at Summer. They instructed us kung paano humawak at gamitin ang lambat. Hindi ko sila pinakinggan dahil alam ko naman kung anong gagawin.

Napabuntong-hininga ako bago ayusin ang palda ko. Nagsisi talaga akong bestida ang suot ko sa pangingisda. Pero wala naman akong magagawa dahil wala ni isang kamiseta at pambaba si Eraia na hindi palda o 'di kaya'y bestida.

"Bestida pa," pagpaparinig ni Dos. "Alam namang mangingisda tapos magbebestida." Pasiring ako nitong tiningnan dahilan para samaan ko siya ng tingin.

Kanina pa namumuro ang lalake'ng 'to sa'kin eh. Palaging pinag-iintresan ang buhay na mayroon ako.

This fucker. He doesn't know when to shut his mouth up.

"I don't have any clothes other than dresses." Tinaasan ko siya ng kilay. "What do you want me to wear? Nothing? You want me to be naked?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.

Napamaang siya sa sinabi ko. "Bibig mo naman," nakangusong aniya.

Hindi ko mapigilang tarayan siya. He's testing my patience and I didn't like it.

Hindi ko na lang siya pinansin at nangisda na lang din katulad nila. Gumawa pa sila ng bet na kung sino ang pinaka maraming may mahuhuli ay susundin daw lahat ng utos nito.

Wala naman akong balak sumali roon but again, Dos triggered me. So in the end, ako ang nakakuha ng pinakamaraming isda.

Pagkatapos noon ay nagsiligo na sa dagat sina Calypso, maliban lang sa'min nina Logan, Hendrix, Summer at ni Dos. Umabot kami ng takip-silim sa dalampasigan kaya doon na rin naming naisipang kumain, tutal ay malapit lang doon ang tirahan nina Dos, katulad ng kuwento niya sa'min.

Nagbabaga ng uling si Dos habang kami naman ni Logan ay parehas lang na nakaupo sa kahoy na nakalatag, isinadya para gawing upuan. Summer is assisting Dos.

Ang maalat na simoy ng hangin ay bahagyang dumadampi sa mukha ko, kasabay noon ang paglipad ng buhok ko.

"Kuya Dos!" Napalingon ako sa boses ng batang babae matapos na mapamilyaran iyon at nang makita kung kanino galing ang boses ay bahagya akong napangisi.

Siya yung batang nakabanggaan ko. As far as I remember, Uno is her name.

"Oh bakit?" tanong ni Dos dito.

"Anong bakit? Lagot ka kay Inang, hindi ka raw nagpaalam na lalayag ka!" pasigaw na wika nito bago humalukipkip sa gilid ni Dos. Inilibot ng bata ang paningin sa'min, maliit itong ngumiti. "Kapatid po ako ni Kuya," imporma nito.

Bahagya akong napatango. Dos at Uno. Cute.

"Nagpaalam ako sa kaniya. Baka 'di niya lang narinig," paliwanag naman ni Dos na hindi iniiwas ang paningin sa kaniyang ginagawa. Saka lang nito tiningnan ang kapatid matapos na maiayos ang uling. "Kumain ka na ba?" marahang tanong nito.

Napanguso ang bata bago umiling. "Hindi ko gusto ang luto ni Inang. Gusto ko ng luto mo Kuya," wika nito. Hindi ko maiwasang mapangiti matapos na makita ang isang ngiting bumalot sa labi ni Dos matapos na marinig iyon sa kapatid niya.

"Isumbong kita kay Inang," kunwari'y pagbabantang wika nito habang natatawa. Ginulo ni Dos ang buhok ng bata. "Sige, paglulutuan kita. Maghintay ka lang muna." Napamaang ako nang tumingin si Dos sa puwesto ko at tinuro ako. "Upo ka muna doon sa kalapit ng diyosang yon," rinig kong wika niya. Sinundan naman ni Uno ang tinuturo ng Kuya niya bago bahagyang napaawang ang bibig.

Nag-alangan pa siya kung susundin ang kuya niya pero bahagya siya nitong tinulak para maglakad papalapit sa'min.

Nahihiya siyang ngumiti nang nasa harapan ko na siya. "Mukha nga po kayong dyosa," parang natutuwang bigkas nito habang may hindi mawaring ekspresyon na nakikita sa kaniyang mata.

I slightly smiled at her. "Ikaw rin," pormal na wika ko.

"'di ba kayo ang nakabanggaan ko kanina?" tanong nito bago maupo sa pagitan namin ni Logan. Hindi man lang pinansin ng batang babae si Logan na pars bang isa lang siyang disenyo sa lugar na ito.

Tumango ako sa kaniya. Tinuro ko si Ashanty na papunta na sa puwesto namin, mga kakatapos lang magpalit. "At iyon naman ang tumawag sa'yong cute." Pagturo ko kay Ashanty.

Tumango naman si Uno bago lingunin na rin sa wakas si Logan na pinapanood lang kaming dalawa. "Nobya mo po ba itong si Ate Diyosa?" tanong ni Uno rito. "Hindi po kayo bagay," dugtong nito.

Napaawang ang aking labi sa sinabi ni Uno habang si Logan naman ay mahinang natawa. "And who do you think is suitable for that Goddess?" pagsasakay nito sa bata.

Kumunot ang noo ni Uno na mukhang  pinag-iisipan pa ang sasagutin niya. A second later ay parang nagliwanag ang mukha niya at natutuwang tinuro ang kuya niya. "Mas bagay sila ng Kuya ko. Bukod sa maalaga ang kuya ko, guwapo rin siya, mabait, mapagpasensya at maginoo!" Halatang pinagmamalaki niya ang kuya niya pero hindi ko maiwasang matawa sa huli niyang sinabi.

"Maginoong bastos," bulong ko. Buti na lang at walang nakarinig ng sinabi ko.

Logan nodded at the child. "I don't think so..." He paused at the moment. "No man deserve a Goddess like her, kiddo," turan nito.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Slightly satisfied by his response.

Tinaasan niya rin ako ng kilay before he rolled his eyes at me. Napailing na lang ako.

Nakakatuwang isipin na ganoon ang mindset niya pagdating sa pagkatao ko kahit ilang beses niya nang nakita kung paano'ng nagmahal ang katawang ito sa kapatid niya.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon