Untold Misery
Ikatlong Persona
Lady Eraia used to cry often. Specially when she feel lonely or when something triggers her emotions. She's very soft and fragile Lady as what Gregoria said.
Kaya hindi na nakakapagtakhang nanibago si Gregoria sa pagbabagong ugali ng dalaga lalo pa't siya ang parating kasama nito. Pero kahit ganoon ay masaya pa rin siya sa nakitang pagbabago ng kamahalan, katulad ngayon ay mayroon na siyang kaibigan. Kahit papaano ay natututo na rin itong makipag-usap sa iba.
NAGTAAS ang paningin ni Brittany matapos niyang marinig ang boses ng reyna. May paggalak itong pumasok sa loob ng dining kaya't agad ding napatayo ang mga elites habang pilit lamang na tumayo si Brittany na nasa katawan ni Eraia.
She bowed her head as the elites did it too.
Natutuwa ang mga matang pinagmasdan ng reyna ang elites bago haplusin sa balikat si Damiana na kaniya nitong katabi. "Naparito ba kayo para sa butihin kong anak na si Damiana?" galak nitong tanong. Punong-puno ng expectation ang boses niya, maging ang mukha ni Damiana.
Muling tumaas ang kilay ni Eraia bago lihim na ngumisi nang sumagot si Calypso. "We're actually here for Lady Eraia, not for Lady Damiana," may respetong sagot nito sa reyna.
Dahil doon ay tuluyang nasira ang expectation sa mukha ni Damiana habang nawala naman ang ngiti sa labi ng Reyna kasabay ng pagkunot ng noo. "Did she cause any trouble again?" tanong nito na may nababahidan ng pagkairita na pilit nitong hindi ipinahahalata.
Agad na umiling si Calypso bago nahihiyang ngumiti. "No, your highness. Lady Eraia is our friend and she had gone no trouble, she's actually one of the best student in our school," turan nito.
Mas lalong tumaas ang kilay ni Eraia at nang bahagya siyang nilingon ni Calypso ay kinunotan niya ito ng noo, but the latter shrugged it off.
Natahimik ang mahal na reyna matapos marinig ang sinabi ni Calypso. Bahagyang tiningnan ng reyna si Eraia na hindi man lang nililingon ang puwesto niya. Pero bahagyang natigilan ang reyna nang lumingon ito at magtama ang mata nila, Eraia's eyes seems no life. Blangko lang ang paningin nito at nagagawa pang makipagtitigan sa reyna ng matagal samantalang dati naman ay halos manginig na ito sa nerbyos sa tuwing magtatama ang paningin nila.
"Tapos na kaming kumain mahal na reyna," untag ni Eraia. Lahat naman sila ay napalingon dito, lalo na ang elites na natigilan sa tinawag nito sa sariling ina. "If you'll excuse us." Hindi na hinintay ni Eraia ang sagot ng reyna at yumukod na ito para magbigay paalam bago sinenyasa si Gregoria na sumunod sa kaniya at naglakad na papalabas.
The elites excuse theirselves too para masundan si Eraia, tutal ay tapos naman na talaga silang kumain nang dumating ang reyna at si Damiana.
Nakita nila si Eraia na mabilis na naglalakad kasunod si Gregoria. Sabay-sabay na nagtinginan ang elites bago sundan ang prinsesa. Hindi nila alam kung bakit ganoon ang trato ni Eraia sa ina at gano'n din ang reyna dito. Gusto man nilang alamin pero mas gusto nilang si Eraia ang magsabi sa kanila noon dahil personal na buhay iyon ng dalaga.
Nang makaakyat sila sunod na palapag ng palasyo ay ilang minuto lang, sunod-sunod na silang nagsipasok sa kuwarto ni Eraia na pinasukan nito.
Natigilan sila nang makita ang kuwarto nito. Napakalinis at halatang babae ang gumagamit.
Nilingon sila ni Eraia na may nilalagay na gamit sa tukador. "Puwede kayong maupo sa kama ko since I only have single chair here, unless gusto niyong umupo sa lapag," wika nito sa mga elites.
Tahimik lang na nagsiupo sina Ashanty samantalang nanatiling nakatayo lang si Logan na taimtim na tinititigan si Eraia. Pero kalaunan rin ay hindi nito napigilang lumapit.
Nagtatakha itong tiningnan ni Eraia pero ang lalake ay tumaas lang ang kilay bago mag-iwas ng tingin at kinuha ang libro na nasa tukador na katabi ni Eraia.
The book was the first thing who caught Logan's attention ever since he entered the Lady's room. Yes, the vibe of Eraia's room scream feminine but the book he's holding right now is really the opposite.
Sinong babae ang magbabalak na maglagay ng librong ang titulo ay "The hunters" sa loob ng kuwarto nila? Mukhang palagi pa itong binabasa dahil sa mga pahina ng libro.
"You like this kind of books?" nagtatakhang tanong ni Logan bago ipakita kay Eraia ang libro.
Tiningnan iyon ng mabuti ni Eraia bago dahan-dahang kumunot ang noo. "Wala akong librong ganiyan," wika nito bago nilingon si Gregoria na kuryosong nakatingin sa librong hawak ni Logan. Sinenyasan ni Eraia na lumapit si Gregoria sa puwesto nila, gumaya din ang mga elites para makita kung ano ang nilalaman ng libro. "May natatandaan ka bang may binili akong ganitong libro?" tanong ni Eraia kay Gregoria.
Kunot-noo'ng umiling si Gregoria. "Hindi po kayo mahilig sa ganiyang libro, Lady Eraia. At kung titingnan po ay mukhang dugo pa ho ng hayop ang ginamit diyan para lagdaan ang bawat pahina," turan nito na ikinasang-ayon naman nina Ashanty.
"Did someone enter my room while I'm away?" seryosong tanong ni Eraia kay Gregoria.
Agad na umiling si Gregoria sa biglaang pagkataranta. "Katulad po ng habilin ninyo ay sinarado ko po ang silid niyo at walang ibang hinayaang makapasok dito," kuwento nito.
Tumango na lamang ang dalaga bago palabasin na sa silid si Gregoria. Tahimik na napabuntong-hininga si Eraia bago tingnan muli ang librong hawak-hawak ni Logan. Saan ba nanggaling ang librong ito?
"Oh!" napalingon sila kay Elias matapos nitong magreact habang nakatingin sa libro. "Bawat huling salita ng paragraph ay nagtatapos sa Fantasy at Falls," wika nito bago buklatin pa ang ibang pages.
Tama nga ang pagkakaobserba niya. Naglalaro sa Fantasy at Falls ang bawat huling salita ng paragraph sa lahat ng pahina ng libro. Sabay-sabay kaming nagkatinginang lahat na wari'y isa lang ang iniisip.
"Hindi kaya sinadya talaga itong ipunta sa silid mo, Eraia? Para magsilbing clue natin sa pupuntahan?" tanong ni Ashanty bago ipinalibot ang paningin sa'min.
"Pero what if patibong lang yan ng mga taong nakakaalam ng hinahanap na'tin?" buwelta naman ni Cooper.
"May point naman si Ashanty. Pero kung iyon nga, ibigsabihin ay may tumutulong sa'tin?" gatong ni Elias.
Calypso added, "Hindi natin malalaman kung hindi natin aalamin kung sino ang may pakana nitong naglagay ng libro sa loob ng silid ni Eraia gayong ang sabi naman ng katulong niya ay pinasara raw ito."
"Alinman sa dalawang iyon, kailangan nating mas lalong mag-ingat," turan ni Eraia.
"Because someone knows about our mission," Logan added.
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantastikHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...