Completed Piece
"Magandang umaga!" Bumungad sa paglabas ko ang maamong mukha at naligayang mga ngiti ni Ione.
I nodded at her. "Goodmorning," I simply replied.
Nginitian niya 'ko ng matamis bago magpatuloy sa ginagawa niyang pagtutupi ng damit ng kaniyang kuya.
"Rea! Sabi ko huwag mo nang tupiin yan e," ani ni Cooper sa kapatid niya bago ako balingan at ngitian ako ng malaki. "Kamusta date niyo ni Boss?" mapanudyong wika niya.
Nailing na lamang ako at hindi na nagsalita.
Talagang naniwala siyang may date kami ng leader nila.
Hindi ko na sila pa inabala at nagtungo na lamang sa kusina kung saan naroroon si Calypso na nagtitimpla ng tsaa at nag-aayos ng kakainin.
"Good morning," Calypso greeted my while holding a cup of tea at binigay sa'kin iyon. "Nakausap ko na si Logan. Nalaman kong nahanap niyo na pala ang kapiraso ng pahina."
Tumango ako. "Yeah. Did you already see it?" I asked.
Calypso shake his head. "Mamaya na lang raw ipapakita ni Boss yon kapag na intindihan niya na kung anong ibigsabihin." Humigop siya sa sarili niyang tsaa. "Sa ngayon, babalik muna tayo ng palasyo para sa dalawang reyna at para na rin ihatid si Viorea."
Tahimik kong tinanguan si Calypso bago maupo sa isang upuan at kumuha ng tinapay para magkaroon kahit papaano ng laman ang tiyan ko.
"Hindi ko naman kasi kasalanan!" Napatingin ako sa entrada ng kusina nang makitang nagbabangayan si Elias at Ashanty. Mukhang naiinis na si Ashanty dahil sa tono ng boses niya.
"Anong hindi? Eh sarili mong kamay yan!" buwelta ni Elias.
Kumunot ang noo ko habang tinitingnan sila. Ito yata ang unang beses na makita ko silang magbangayan dahil sa pagkakaalala ko ay palagi silang magkasangga sa tuwing kokontrahin si Cooper.
"Bakit kayo nag-aaway?" kunot-noo'ng tanong ni Calypso matapos niyang ipatong ang tsaa niya sa lamesa.
"Ito kasi!" At sabay pa silang nagturuan. Sinamaan ng tingin ni Elias si Ashanty at ganoon din ang babae.
Bumuntong hininga si Calypso at naiiling dahil sa dalawa.
Sino nga namang hindi maiistress sa isang maingay at pikon.
"Anong nangyari?" muling tanong ni Calypso.
Agad na napanguso si Ashanty bago humalukipkip at nag-iwas ng tingin. Tumaas naman ang kilay ko nang makitang bahagyang namula ang tainga ni Elias.
"Hinawakan kasi ni Ashanty ang maselang parte ng katawan ko," wika niya bago nag-iwas din ng tingin sa'min.
"Eh hindi ko naman kasalanang nahawakan ko yan! Hindi ko rin sinasadya!" pasigaw na wika ni Ashanty.
Masama siyang tiningnan ni Elias. "Hindi sinadya pero piniga?" sarkastikong ani nito.
My mouth gaped before hiding a smirk on my lips as I saw how Ashanty's cheeks reddened.
Pinasadahan ko ng tingin si Calypso na wari hindi rin makapaniwala sa narinig. Pumikit muna ito bago huminga ng malalim at muling nagmulat. "Ginawa mo ba 'yon, Ashanty?" tanong ni Calypso sa dalaga.
Samantalang ang dalaga naman ay nag-iwas ng tingin bago marahang tumango. Humalukipkip pa ito. "Pero hindi ko naman kasalanan kung bakit nahawaka ko yan at... At piniga! I was just curious, okay? Bakit ba kasi ang laki niyan?!" inis na wika nito.
Sabay kaming napa-iling ni Calypso sa sinabi nito.
Hindi ko talaga minsan maintindihan ang ugali nito ni Ashanty, she's sometimes curious as fuck.
Tumayo na 'ko sa kinauupuan ko matapos na maubos ang tsaa. Hindi ko na gusto pang marinig ang ingay ng dalawa kaya mas mabuting lumabas na lang muna ako sa sala.
Matapos na lumabas ay nakita ko naman si Cooper na nakakunot ang noo habang pinagmamasdan ang kapatid niyang masayang nagtutupi ng gamit ng kuya niya.
Tahimik nalang akong lumabas ng bahay at naabutan si Hendrix na may binabasang kung ano. Nilapitan ko ito para makiusyoso sa ginagawa niya.
"What's that?" I asked him.
Saglit ako nitong nilingon bago agad ring nag-iwas tingin at pinakita ang libro niyang hawak-hawak. Its an erotic romace book na misan ko nang nakita sa silid-aklatan ni Eraia na mukhang hindi pa na bubuksan.
"Interesado ka sa mga ganiyan?" tanong ko sa kaniya dahil hindi halata sa kaniya.
Umiling siya. "Pinabasa lang sa'kin ni Cooper ito para raw magkaroon ako ng kaalaman sa mga ganito," pormal nitong wika bago mapatuloy sa pagbabasa na parang wala lang ang binabasa niya.
Napailing nalang ako. Goodness, this guy needs proper education about this topic.
PAALIS na sana kami para magtungo ng palasyo nang lumabas si Logan sa kuwarto niya. Hawak-hawak niya ang pahina na ngayon ay magkadikit niya.
"Follow me," simpling aniya bago nagtungo sa kusina. Nang makapasok kami ng kusina ay agad na naglagay ng barrier si Hendrix.
Nagsiupo kami sa mga upuan nag isenyas iyon ni Logan.
"I already know the meaning of this page but we can't do this," wika niya at dahil doon ay kumunot ang noo nila Ashanty.
"Bakit? Ano bang sabi diyan?" tanong ni Ashanty rito.
"It's about the shadow of Collosal," anito.
Ako naman ang nangunot ang noo dahil wala akong alam tungkol sa bagay na iyon.
"And we need someone who knows about the shadow," patuloy ni Logan.
Saglit na namayani ang katahimikan sa paligid namin. Hanggang sa nagsalita si Calypso.
"Ang ibigsabihin ba ay hahanapin natin si Aster?" tanong nito.
Saglit na napataas ang aking kilay nang marinig ang pangalang iyon.
Ang dating miyembro ng Elites.
Tumango si Logan bago ako lingunin. "Call Dos to find her, Eraia," utos niya sa'kin.
Saglit ko na lang siyang tinanguan.
"Alam ng Mama ko ang tungkol sa Shadow of Collosal na sinasabi ninyo. Maging ang ikaunang Reyna ay may alam din sa bagay na iyon dahil minsan na nilang natuklasan ang bagay na iyon," biglang ani ni Ionr kaya sa kaniya naman nabaling ang atensyon ko. "Puwede ko silang tanungin tungkol sa bagay na iyon... Maging ang hari ng Synvenxia ay may alam din doon sa bagay na iyon. Kung tutuusin ay ang hari ang may pinaka may alam sa bagay na iyon. Susubukan ko siyang pakiusapan para makatulong ako sainyo," marahan nitong wika kahit na may pag-aalinlangan ang boses niya.
Nakita ko ang pagtiim-bagang ni Cooper at tigas ang iling ang ginawa nito. "Hindi natin kailangan ang tulong niya, Rea. Huwag na huwag kang makikiusap sa kaniya."
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasiaHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...