Twenty Three: Between Lavinias

5.7K 359 20
                                    

Between Lavinias


I put both of my palm in the back my head while resting. Nakaupo ako sa upuan ng study table habang nagkalat ang mga gamit ko sa lamesa. The device chip that I've found on my room is almost complete now. Ang tanging problema na lang ay electricity, unfortunately, the current of electricity in this world is not the same in my world. Nito ko lang napagtanto na ang mga ginamit sa paggawa ng device chip ay nanggaling lang sa mundo ko, but at the same time, puwedeng alternative ang mga ilagay kong iba pang parts nito. Madali lang akong nakakuha ng mga kagamitan dahil halos ang lahat ay nakita ko sa silid ni Eraia.

Now, I'm certain that I'm not the only one here in this world na nanggaling sa ibang mundo. All I need to do is to find him or her.

Bumuntong hininga ako before I decided to stood up on my seat at pumunta sa closet ni Eraia para maligo na at magpalit dahil ilang oras na lamang ay magsisimula na ang klase. I only slept for about three to four hours since mas ginugol ko ang buonh araw ko para makumpleto ang device chip. Hinahangad na sana ay may makuha akong importanteng impormasyon doon. The elites didn't bother to help me since they are not familliar with that thing, pabor naman sa'kin iyon dahil kapag may ginagawa akong mga bagay katulad ng ganoon ay ayaw kong may ibang tutulong sa'kin. The traits of being Brittany the stubborn sergeant.

Ang nakatakdang gagawin ko ngayong buong araw ay ang pagpunta sa training room. Master Claux decided to advance our monthly evaluation. Ang purpose raw nito ay para makita niya kung ano ang magiging improvement namin para sa itong buwan na'to. By the end of this month ay magkakaroon ulit ng monthly evaluation were in the rankings will be officially open.

Sinabi iyon sa'min ni Master Claux kahapon. Noong una ay wala naman akong pakialam sa rankings, I have no reason to top the rankings but when I heard the advantage of being included to the rank 10 ay pinilit ko ang sariling pagbutihin ang magiging monthly evaluation sa huling araw ng buwan'g ito.

Being part of the rank 10 means you have the power inside this school. The only disadvantage there is you need to maintain your rank and you also need to take the responsibility like the elites do everytime na may mga alitan sa loob ng paaralan.

I haven't seen the last school year rank 10 but some says Damiana is one of the rank 10, except the elites. Elites are the most advance students in this school, may sarili silang klase pero minsan ay nakakahalubilo din sila sa iba. I'm secretly attending those classes too, since I'm still a hidden member of them. Dahil doon ay pinayagan pa rin akong sumali sa monthly evaluation. I also insist to join the monthly evaluation since I don't want the other student knows that I'm one of the elites when I'm having no title in this school.

Ilang minuto matapos kumilos at maglakad patungo sa training room ay agad na'kong nakarating doon ng walang anumang anumalya. I'm certain that when I entered this room ay atsaka lang magkakaroon ng anumalya dahil sa pagkakaalala ko ay nandito rin sina Damiana.

Tahimik akong umupo sa pinakagilid at hindi masyadong kita ng mga tao, pero kahit nasa ganoon'g puwesto alo ay nakita ko ang marahang pagsulyap sa'kin ng Master Claux. Mukhang inaasahan niya ang pagdating ko sa lugar.

Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa dumapo ito sa itaas ng training room. Tila isang harang lang iyon pero iyon pala ang kuwarto ng nga elites kung saan sila madalas na nanonood para tingnan ang mga estudyante ni Master Claux. Hindi namin nakikita ang nasa likod ng dingding pero nakikita naman kami ng elites. They purposely made that incased na may mangyaring hindi maganda sa bawat sulok ng silid na ito, para mabilis na sumaklolo ang elites.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng bulungan matapos na tila may pinag-uusapan sila't tinitingnan ito. Blangko ang mga matang sinundan ko iyon hanggang sa mapagtanto ang enggrandeng pagpasok nina Damiana kasama ang mga kaibigan niya, nakalingkis si Damiana sa braso ng Prinsipe Frost na ngayon ay wala man lang kinakitaan ng emosyon sa mukha nito.

Huminga ako ng malalim bago umiwas nalang ng tingin dahil muli kong naramdaman ang pagpintig ng dibdib ko, hindi man ako pamilyar sa ganito ay sigurado akong sa katawan ni Eraia nanggaling ito. The body reacts the way Eraia used to feel before.

Kalauna'y nagsimula na ang monthly evaluation sa pangunguna ng Master Claux. Some ceremony happened before going to the main point of this event.

Lahat ng matatawag ng guro ay magkakaroon ng advantage sa araw na ito dahil sila mismo ang pipili ng mga makakalaban nila.

Ang mga unang natawag ng guro ay mukhang kumpyansa sa sarili, mayroong iba ay lugmok at ang iba naman ay hindi interesado.

Ako naman ay taimtim lang na nag-oobserba sa buong paligid at sa mga laban. I mentally jot down those students name na may potential when it comes to team fighting. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa iyon, pero hindi naman na masama para incase na may mangyari ay alam ko kung sino ang puwedeng puntahan.

Dahil sa medyo okupado kong isipan ay hindi ko masyadong narinig ang tawag ng Master Claux sa pangalan ko. Narinig ko nalang iyon ng malinaw when he called me for the third time. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid, nakita kong inaakala nilang wala ako ngayong araw dahil alam nilang ang dating Eraia ay hindi gusto ang ganitong bagay.

Atsaka lang ako tumayo after I've got satisfied on their expressions.

Kalmado akong lumapit patungo sa Guro.

Maliit ang ngiting sinalubong ako nito sa arena habang ako naman ay nagbigay lang ng isang tango sa kaniya.

"At dahil ikaw ang isa sa mga napili kong magkakaroon ng advantage ngayong araw, sino ang gusto mong makatunggali ngayon?" tanong niya. His voice automatically ecoed around the area.

Tahimik kong pinalibot ang aking paningin bago nag-isip kung sino ba ang magandang kalaban para sa araw na ito. Marami akong nakitang mukhang may potensyal sa pakikipaglaban base sa mga postura nila.

Pero natigilan ako nang dumapo ang aking tingin sa nakatatandang kapatid ni Eraia na si Damiana.

Smirk slowly crept onto my lips while strongly pointing my finger at her. Hindi ko inalis ang paningin sa kaniya. "I want Damiana to fight me," I playfully said.

Nakita ko kung paanong dahan-dahang kumunot ang noo ni Damiana sa'kin pero ilang saglit lang ay ngumisi rin siya habang tinititigan ako ng may pagmamaliit sa kaniyang mata.

I mentally laughed for degrading me with her looks.

Let's see, Damiana. Let's see who will win this game.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon