Forty Nine: First Queen

3.2K 208 20
                                    

First Queen



Naunang maglakad sa'min si Cooper Pagkatapos niyang sabihin iyon sa kapatid niya. Bago kami umalis ay hindi nagpaawat si Ashanty at nginisihan ang nagngangalang Clive bago nito isaludo ang gitnang daliri.

Nailing na lang ako sa inasal niya. Ewan ko ba. She looks so immature on that scene.

Kasabay kong maglakad si Logan sa likod. Hindi siya kumikibo sa nasaksihan niyang usapan ni Cooper at Clive o kung usapan nga bang matatawag iyon.

Inakbayan ni Elias si Cooper para ikalma ito. Kahit pala palaging nagtatalo ang dalawang ito ay matibay pa rin ang samahan nila. I don't know... Their friendship is just so good to be true.

Si Hendrix ay medyo nauuna sa'min habang ang nasa unahan niya ay si Calypso na pinagsasabihan si Ashanty dahil sa ginawa niya kanina sa kapatid ni Clive. Nakangusong tumango-tango si Ashanty na parang tutang pinapagalitan ng amo.

"Alam mo ba ang tungkol sa buhay ni Cooper?" Kuryosong tanong ko dahil sa pagkakaalala ko ay palagi niyang sinasabi na halos alam niya ang lahat.

Nagkibit balikat si Logan. "Yes. But I didn't bother to tell him that I kniw his past because if he wants to tell us that... he will," pormal na wika niya.

Napatango-tango naman ako. "Eh ikaw?" I asked that out of the blue. I mean, hindi naman masamang kilalanin pa siya, right?

"What about me?" Balik niyang tanong sa'kin.

"Yung pamilya mo. Okay ba ang relasyon mo sa kanila?" Pagklaro ko sa'king tanong.

He formed an 'o' in his lips before slightly plastered a grin in his smile. "I'm not close with my parents but we're good." He clicked his tongue. "But I don't get along with my brothers, specially Frost."

Nangunot ang noo ko. "Why?"

"He's a two-faced bastard," simpleng sagot niya pero naging dahilan pa rin iyon para mas lalong nangunot ang noo ko but in a second ay dahan-dahan akong napatango.

"So that's his only facade? Being kinda kind?" I remember. Everytime he talk and smile to me, his eyes were cold.

Nagkibit-balikat si Logan. "I don't know." Kahit pa iyon lang ang sagot niya ay hindi ako nakumbinsi noon na hindi niya alam. Tiyak kong may alam siya sa ugali ng kapatid niya pero ayaw niya lang sabihin. Siguro dahil inaalala niya ang nararamdaman ni Eraia? Sadly. Eraia is not the one in this body.

"May kainan sa bandang timog, doon na lang tayo kumain." Nabaling ang atensyon namin nang magsalita si Cooper sa harapan.

Nagsitanguan naman kami at sinundan siya na papunta sa bahaging timog ng lugar na ito. Marami pa rin kaming nadadaanang mga tao. Mga nagtatakbuhan, nag-uusap at ang ilan sa kanila ay may mga nakikipag-away pa nga.

Nang makarating sa sinabi ni Cooper ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Pakiramdam ko kasing nasusuffocate ang katawang ito sa maraming tao. Katulad ng sinabi ni Gregoria dati ay hindi raw mahilig na makisalamuha at lumabas si Eraia. 

Walang masyadong tao sa kainan na pinili ni Cooper. Pagkapasok namin doon ay agad na bumungad sa'min ang malamig na temperatura ng kainan pero sapat na iyon para mas lalong guminhawa ang pakiramdaman ng katawang ito.

"Ano ang order niyo mga binibini at ginoo?" Nakangiting tanong saamin ng isa sigurong staff sa lugar na ito.

Si Cooper ang sumagot, tutal ay siya naman ang nagdala sa'min dito. Kami naman ay pumunts na sa bakanteng upuan kung saan kasya lang kami sa iisang table.

Ilang minuto lang ay nakiupo na rin sa'min si Cooper. "Gago, feeling ko nasuffocate ako kanina sa dami ng tao," reklamo ni Cooper sa'min na sinasabayan pa nito ng pagpaypay ng palad niya sa kaniyang leeg. "Tangina, sumabay pa yung Clive na 'yon. Nakakainit siya ng ulo tol," dagdag nito.

Natawa naman sina Ashanty at nakipag-apir kay Cooper ngunit ang binata naman ay umaktong nakikipagbato-pick ito at nag-gunting. Mayroon din palang larong gano'n dito.

"Pang-ilan mong kapatid yon?" Kuryosong tanong ni Calypso.

"Pangatlo." Kumuha ng baso si Cooper at sinalinan iyon ng tubig na nasa pitsel na nakahands na dito sa lamesang inokupa namin. Ininom niya iyon. "Inggit sa'kin yon eh. Palagi kasing kulelat," pagmamayabang niya.

Nanglolokong inungasan siya ni Elias. "Ulol," ani nito.

Napanguso si Cooper. "Oo nga! Mas magaling kaya ako sa lahat ng larangan kaysa sa kanila o sa Clive na 'yon. Nalamangan lang naman ako noon sa pagsipsip eh," aniya na naiinis pa. Hindi ko na napigilan ang mahinang pagtawa ko dahil sa nakikita kong ekspresyon sa mukha niya. He's handsome but his face looks so funny everytime he make face.

"Sayang kanina, 'di mo 'ko nakita kasi tumalikod ka na," pagkuwento ni Ashanty.

"Ginawa mo?" Nangunot ang noo ni Cooper.

Nakangitang tumingin si Ashanty sa kaniya at humalukipkip pa. "Sinaluduhan ko ng gitnang daliri." Proud pa.

Nanlaki ang mata ni Cooper, may patakip-takip pa iti ng bibig. "Proud ako sa'yo anak!" Waring naiiyak na pumalakpak si Cooper kay Ashanty.

We ended up laughing by that. Mas naging ease ang paligid namin dahil doon hanggang sa dumating ang pagkain namin.

Nangunot ang noo ko sa nakitang nakahain na pagkain. "What's that?" I curiously asked them.

Natigil sila sa pagkain at sabay-sabay akong nilingon pati ang pagkain na itinuro ko.

"Kwek-kwek, Eraia," sagot ni Calypso.

My mouth gaped. Kwek-kwek pero puti ang kulay? Walang food coloring?

Inabot ko ito para mapatunayang kung katulad lang ba iyon ng kwek-kwek na melayroon kami sa mundo ko. Hinati ko iyon at halos mapangiti ako nang itlog ang laman noon.

Saglit ko tuloy na namiss ang buhay ko sa mundong ginagalawan ko dati bilang si Brittany, ang totoong ako. Kwek-kwek ang palagi kong meryenda sa tuwing matatapos ang misyon ko ng maaga o hindi kaya ay wala akong ginagawa ko. Si Margie ang palagi kong sinasama noon.

Saglit akong napatanong sa isip ko. 

Kung sinunod ko kaya ang sermon sa'kin ni Margie noong araw na iyon ay nandito pa rin ako sa mundong ito? Malamang ay wala.

Natigil lang ako sa pagmumuni-muni habang kumakain nang may tumawag sa pangalan ni Cooper.

"Cooper?" Nakita ko kung paanong natigilan ang ginang, maging si Cooper nang magtama ang mata nila.

Bahagyang napamaang si Cooper bago siya tumayo at yumukod sa ginang na ngayo'y katapat niya na. "Greetings to the first queen of Synvenxia Palace," pagbati nito. 

Sabay-sabay naman kaming napatayo ng mga elites at yumukod din upang magbigay galang.

The Queen looks so soft and kind. Lalo na ang mga mata niyang kasing kinang at ganda ng buwan. 

Natigilan si Cooper nang basta na lamang siya niyakap ng Reyna. Pagkatapos noon ay hinawakan siya nito sa magkabilang pisnge na wari'y ito ang totoo niyang ina na matagal na siyang hindi nakita.

"You've grown up so well..." Mas lalong kumanang ang mga mata ng Reyna dahil sa nagbabadya nitong luha habang siya'y nakangiti. 

Ramdam na ramdam kong she's longing to Cooper like he is her real son when the fsct is anak lang naman ito ng asawa niya.

I don't know if she's mascohist or she's just really kind.

But neither the two. I can't believe that her presence is full of love and... just love.



Author's note: Cooper's initial name is C.R 😭

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon