Glorious Blood
I fixed the eyeglasses that I'm wearing after I received a smack in my head from Summer. Yes, this commoner.
Suminghap sina Ashanty sa nakita at handa na sanang sugudin si Summer jung hindi ko lang sila sinenyasan na tumigil.
I remain my smirk while looking at Summer who looks irritated at my presence. Gusto kong mailing sa inaasta niyang wari'y ayaw niya sa'kin kahit na nagkaayos naman na kami noong huling pagkikita namin.
"Galit ka pa rin?" hindi mapigilang tawa na tanong ko sa kaniya.
Mas lalong sumama ang tingin niya sa'kin. "Makita ko lang yang mukha mo ay naiirita na'ko," walang ka-apog-apog na wika niya.
I chuckled at her. "So you have power?" I asked her, binabalewala ang pagkairita niya sa'kin.
"Kilala mo siya, Eraia?" kunot-noo'ng tanong nina Calypso na sinuklian ko lamang ng isang tango nang hindi man lang pinuputol ang tingin kay Summer.
Bumuntong hininga si Summer bago bahagyang napangiwi habang iniinda ang may sugat niyang balikat dahil sa tama ko ng bala sa kaniya. "Just ability," maikling sagot niya sa'kin kasabay ng paghawak niya sa kaniyang balikat.
"Hindi ikaw ang gumawa ng illusion sa lugar na ito?" tanong ni Elias. Bahagya siyang tumingin sa kasamahan ko't binigyan din sila ng isang matlim na tingin, malamang ay dahil lahat ng pamilya nila'y nasa mataas na ranggo at iyon ang ayaw ni Summer.
"Ang mama ko ang may gawa nito," simpleng sagot niya kahit pa labag iyon sa loob, mukhang wala pa siyang balak na sagutin sila.
"Paano kami makakalabasa sa illusion na 'to? Nasaan ang Mama mo?" magkasunod na tanong ni Cooper.
Dahilan noon ay kung bakit natigilan si Summer. Ang talim ng mga mata niya ay dahan-dahang nawala. "Pinatay ng isang maharlika." Pagak itong tumawa. Hindi ko alam iyon dahil. Kaya siguro may galit siya sa may dugong maharlika dahil sa gjnawa nito sa Mama niya.
Ang mga ngisi ko sa labi ay dahan-dahang nawala.
"Kasapi ba ng Lavinia ang maharlikang pumatay sa ina mo?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Tinaasan niya 'ko ng kilay bago umiling. "Hindi matunog ang pangalan ng maharlika na iyon kaya wala akong masyadong alam. Hindi ko na rin binalak na maghigante dahil iyon ang huling habilin sa'kin ng Mama 'ko," kuwento niya pero agad ring natigilan bago ako muling bigyan ng isang matalim na tingin. "Bakit ba ako nagkukuwento?" Hindi makapaniwalang wika niya sa sarili.
Umiling ako sa kaniya bago kuhanin ang bag ko sa loob ng sasakyan para ilabas doon ang isang gamot na ginamit ko na noong sinugatan ko ang aking sarili gamit ang espada. Hinagis ko kay Summer ang maliit na bote na agad niya namang sinalo. "Patakan mo ang sugat mo na yan para agad na gumaling." Inayos ko ng salamin na suot ko. Tiningnan ko sina Elias na mukhang walang ka-ide-ideya kung sino ang nilalang na nasa harapan namin.
"She's Summer. Hindi ko alam ang apilyedo niya pero alam kong mapagkakatiwalaan siya," imporma ko sa kanila.
"At paano mo naman nasabing mapagkakatiwalaan ako?" sarkastikong tanong sa'kin ng babae.
Nagkibit-balikat ako bago itinuro ang nasa beywang niya na may nakalaylay na isang simbolo. Isang simbolo na halos kaparehas ng device chip na nakits ko sa kuwarto ni Eraia. "Siguro ay dahil diyan sa simbolo," naglalarong wika ko sa kaniya.
Kunot-noo niya iyong sinundan ng tingin hanggang sa makita kung ano ang tinutukoy ko. "Anong mayroon sa simbolong 'to?" nagtatakhang tanong niya. Mukhang wala talaga siyang ideya.
Huminga ako ng malalim at nagtanong muli. "Sino ang nagbigay sa'yo niyan?"
Ang mga elites naman ay tahimik lang kaming pinakikinggan. Na para bang alam na nilang hindi dapat sila manghimasok sa usapan naming dalawa ni Summer ngayon.
"Ang mama ko," seryoso niyang sagot sa'kin.
Taimtim ko pa siyang tiningnan bago huminga ng malalim at tumango na lang sa kaniya.
Pinatak na ni Summer ang gamot na ibinigay ko sa sugat niya't nagulat ang lahat nang bahagya iyong nagliwanag at ilang segundo lang kusang nawala ang sugat na wari ba'y hindi ito natamaan ng bala.
"Anong klaseng gamot yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Sshanty sa'kin.
Logan and Hendrix's face looks amused.
"Huwag mo sabihing ikaw ang gumawa niyan?" namamanghang tanong ni Cooper sa'kin matapos na makita ang ekspresyon sa mukha ko.
Sa halip na sila ay sagutin ay hindi ko nlang pinansin ang mga tanong nila't pinagmasdan si Hendrix at Logan na hindi man lang nagkumento sa nagawa kong gamot pero nakikita ko naman sa mukha nilang namangha sila sa imbento ko.
Nakangising nag-iwas ako ng tingin sa dalawa. Tingnan ko pa lang sila ay alam ko na ang tumatakbo sa utak nila. Si Logan ay nasisiguro kong hihingiin niya sa'kin ang formula ng gamot na iyon para sa mundong 'to, habang ito naman si Hendrix ay mukhang may balak siyang mas lalo pang palawakin ang naimbento kong gamot.
"Pinatakan mo itong gamot na 'to ng dugo mo, tama?" tanong sa'kin ni Summer. Bahagyang kumunot ang noo ko sa kaniya. "Naaamoy ko ang dugo mo rito. Masyadong mahalimuyak ang dugo mo," patuloy niya na mukha pang naiirita.
Mas lalong nangunot ang noo ko't inalala ang paggawa ko noong gamot.
Right, habang ginagawa ko iyon ay may sugat ako sa palad. Pumatak siguro ang dugo ko sa gamot na ginagawa ko. Hindi kaya dahil sa dugo ni Eraia ay mas lalong napabilis ang paghilom ng isang sugat? Hindi malabo iyon sa mundong ito.
"Bukod sa bilis ay ang abilidad mo rin ay umamoy ng mga dugo?" kuryosong tanong ni Cooper kay Summer.
Inayos ni Summer ang manggas ng damit niya. "Ang naaamoy ko lang ay ang dugong hindi pangkaraniwang sa mundong ito." Tiningnan ako ni Summer. "Na miski ang mga maharlika ay hindi nakakakuha ng ganoong dugo."
Sabay-sabay silang tumingin sa'kin na ikinataas ko ng aking kilay. They are looking at me like I did some crazy things! Fuckers.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit madaling naghilom ang sugat niya, Eraia?" tanong ni Calypso sa'kin.
I just shrugged him off as a reply. Miski rin naman ako ay walang ideya.
Mahinang tunawa si Summer matapos na makita ang sinagot ko. "Kung ako sa'yo ay alamin mo muna ang buong pagkatao mo bago mo alamin ang istorya ng mundong ito," makahulugang wika niya na para bang may alam siya na hindi ko alam. Nararamdaman kong pinapaalam niya sa'kin na dapat mas kilalanin ko pa ang sarili ko... o ang katawang ito.
But the thing is... I don't know where to start.
Trivia/Facts: Ang tinutukoy ni Summer na hindi pangkaraniwang dugo ay tinatawag na 'royal blood' or 'golden blood.
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasyHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...