Forty Eight: The Walters

3.4K 202 10
                                    

The Walters

Tahimik kaming nagmamasid sa lugar habang tinutungo namin ang daan patungo sa palasyo nina Cooper. Mayroon raw kasing mga patibong bago makapunta roon kaya wala talagang mga dayo na pumupunta sa lugar maliban na lamang kung inimbitahan ka ng isa sa mga nakatira sa Synvenxia Palace.

Marami kaming mga nadadaanan na bato-bato. Sobrang lubak ng daan dito kaya mabagal lang ang patakbo ng sasakyan.

"Matatagtag na'ko," halos maiyak na wika ni Ashanty bago nilingon si Cooper na nasa tabi niya. "Wala bang ibang daan dito? Bakit hindi niyo niyo kasi ipaayos 'to?" 

Saglit siyang binalingan ni Cooper nang may pang-aasar na tingin. "Ikaw nakaisip 'di ba? E'di ikaw ang gumawa," pang-iinis na wika ni Cooper.

Napailing na lang ako dahil iyon na ang senyales na magsisimula nanaman sila sa pag-aaway nila.

Hindi namin kasama si Summer at Dos katulad ng sinabi ko bago kami umalis sa bayan ng Clor.

Hindi matao ang lugar na ito pero ang kuwento ni Cooper sa'min ay mas marami raw ang tao sa Synvenxia dahil isa ang palasyo nila sa may pinakamataas angg populasyon ng mga tao.  

Noong una ay alam kong wala siyang balak magkuwento tungkol sa buhay niya pero napilit lang siya  ni Ashanty. Masyadong nakuryoso ang dalaga kuwentong-buhay ni Cooper at hindi naman natiis ni Cooper ang pangungulit ni Ashanty sa kaniya.

Iwas siya noong una siyang nakuwento pero kalaunan ay nawalan na rin ang hiya niya. Nalaman namin na hindi lang iisa ang reyna ng Walter kun'di lima. At ang pinakahuling reyna ay ang ina ni Cooper. May mga nakakatandang kapatid si Cooper na hindi niya gaanong ka close, maliban nalang sa panganay niyang kuya. Ang unang reyna ay ang may pinakamabuting kalooban sa limang reyna. Sinabi rin ni Cooper na hindi niya gusto ang ugali ng sarili niyang ina dahil ang tanging hinangad lang nito ay ang trono at kayamanan. Hindi rin maganda ang ugnayan ng Hari kay Cooper dahil siya raw ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ng hari. He ended up running away from the palace even though the first queen and his oldest brother was protecting him from all the pain.

Gustong patunayan ni Cooper sa kanila, lalo na sa hari, na kaya niyang mabuhay ng mag-isa. And I think that was the best choice because look at him right now. He's one of the elites. Mayroon rin siyang business na napatayo iya dahil sa nakukuhang pera kada may misyon silang mga elites. And lastly, nagagawa niya ang mga gusto niya sa buhay ng walang kumukontrol sa kaniya.

Hanggang ngayon habang pinagmamasdan ko siya ay nakikita ko ang alangan sa mukha niya, warong kinakabahan siya sa anumang mangyayari kapag nagtungo na kami sa Synvenxia.

Mukhang hindi lang ako ang nakpansin noon dahil nakita ko kung aanong marahang hawakan ni Ashanty ang kamay ni Cooper para mapakalma ito, habang si Elias naman na isa pang katabi ni Cooper ay inaakbayan siya. Calypso gave him a warm smile like he always used to be. "Nandito lang kami tol," pampalubag-loob ni Elias.

Natigilan si Cooper dahil doon.

"We will never leave you there," ani ko.

"We're elites after all. we fight together, right?" napatingin naman kami kay Logan nang magsalita ito. Wala sa sarili akong napangiti. No wonder, he's the leader of this group.

Binalingan ko na muli ng tingin si Cooper. Nakita ko kung paanong nagkaroon ng masayang ngiti sa mga labi niya at maligayang tumango-tango."Oo naman Boss," aniya kay Logan bago kami lingunin. "Thank you," sinserong wika niya.

They respond a big smile on their lips while I just nodded and shrugged my shoulder before I looked away.

Si Hendrix ay walang kaalamalam sa pinag-uusapan namin dahil ito lang ang bukod tanging natutulog sa sasakyan





MAKALIPAS ang ilang oras ay agad na naming namataan ang entrada at arko na senyales na nasa Synvenxia na kami. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at doon ko lang narinig ang mga ingay ng tao na medyo malayo pa sa pandinig ko pero habang palapit kami ng palapit sa lugar ay mas lalong lumalakas ang ingay na animoý may piyesta.

"Kaarawan ngayon ng ikalawang reyna," imporma ni Cooper sa amin.

"Mabait ba yon sa iyo?" tanong ni Ashanty.

Nagkibit-balikat si Cooper. " Parang? Hindi kasi kami nagpapansinan noon. Pero binibigyan niya 'ko dati ng pagkain kapag hindi ako napapadalhan ng pagkain sa silid ko."

Napatango naman sila sa sinabi nito.

Nang makapasok na sa Synvenxia ay bumaba na kami sa bungad nito. Mas makabubuti raw kasing maglakad na lang kami sabi ni Hendrix nang magising na siya. Katulad ng dinala ko sa bayan ng Clor ay iyon lang din ang dala-dala ko ngayon. 

Hiniram ko ang salamin ni Hendrix dahil sa medyo maalikabok na hangin.

"Gusto niyo ba muna mamasyal? Madaming puwedeng puwedeng puntahan dito," pang-eengganyo ni Cooper sa'min habang nakikisiksik kami sa dami ng mga tao sa lugar.

"Hindi ba iyon ang bunsong prinsipe?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita habang nakaturo kay Cooper na hindi alintana na siya ang pinag-uusapan ng mga ito.

Bago ko pa man marinig ang iba pa nilang pinag-uusapan ay agad ko nang nilagyan ng pandong sa ulo si Cooper para hindi makita ang mukha niya. 

Nangunot ang noo niya sa ginawa ko pero nang isinenyas ko sa kaniya ang dahilan ay atsaka lang siya napatango't natutuwang ngumiti sa'kin.

Tahimik lang naming sinusundan si Cooper hanggang sa may nabangga si Ashanty na nasa tabi namin. Ashanty was about to say sorry but the guy spoke too soon. 

"Long time no see," pagbati nito, refferihg to Cooper.

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mga labi ni Cooper bago marahang tumango sa kumausap sa kaniya. "Clive," pagbati nito.

Marahang natawa ang tinawag ni Cooper na Clive. "Come on, hindi mo pa rin talaga ako tatawaging kuya?" natatawang ani nito.

Bahagyang nangunot ang noo ko't pinagmasdan ang lalake. Medyo nga may pagkakahawig kay Cooper pero 'di hamak na mas guwapo si Cooper dito.

"Hindi mo deserve na tawaging kuya, sa totoo lang," walang ganang pambuska ni Cooper dito.

I mentally laughed because of what he said. 

Parang biglang nagbago ang ugali ni Cooper matapos na pumasok siya o kami rito sa Sinvenxia.

The guy named Clive laughed. "Are you still bitter because father choose me over you?" Diniin pa nito ang salitang 'me' at 'you' na wari'y nangungutya.

Hindi namin binalak na sumabat sa usapan nila, tutal ay labas kami roon at alam naming kaya na 'to ni Cooper.

Sarkastikong natawa si Cooper. "Don't fuck with me Clive. You know that I've never been bitter because he's not choosing me. I don't fucking care about that because that was never my dream. It wasn't my dream to have his favor." Huminga ng malalim si Cooper, pinapakalma ang sarili. "Live your life, Clive. Don't waste your time on me."







Author's note: Another update later at 11 pm. See you!

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon