Eighty Seven: The Moonlight Above

1.9K 109 10
                                    

The Moonlight Above


Dahan-dahang kumunot ang noo ko. "Paano?" Naguguluhang tanong ko. Dahil wala naman akong ideya na ako mismo ang nagpapaamoy ng iyon sa kanila.

Did I unconsciously let them smell my blood? How can I do that?

"Mukhang wala kang kaide-ideya sa katawan mo, Prinsesa. Maging ako ay hindi rin sigurado sa bagay na iyan kaya hindi ko masasagot ang katanungan mo ukol diyan," aniya. "Ano ba talaga ang sinadya mo dito?" tanong niya.

Nabalik ang mga ala-ala ko kung bakit ba ako pumunta dito at hinanap siya. I cleared my throat. "Sinabi ni Damiana na ikaw raw ang inutusan niya noon upang takutin ako sa kagubatang iyon. Can I know the name of that forest? May iba pa ba 'kong kasama noon bago ako mahulog sa bangin?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Teka teka... Nahulog ka sa bangin? Wala akong matandaang gano'n. Matapos kitang takutin ay nahimatay ka lang sa gitna ng kagubatan Aztaira, iniwan na kita doon dahil hindi ko naman balak na patayin ka."

Dahil sa sinabi niya ay maging ako ay napakunot na rin ang noo. Ang ibig ba niyang sabihin ay hindi siya ang tumulak sa'kin noong araw na iyon? Pero bakit? At kung hindi siya... Sino?

Oh Goodness. This is frustrating as fuck!

Napahilamos ako ng mukha ng wala sa sarili. "Fuck..." I cussed under my breathe.

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Sabu-sabunot ko ang buhok ko bago marahas na napatayo. "Thank you for answering me, by the way, I appreciate it," walang emosyong ani ko sa kaniya.

Tinanguan na lang niya ko kaya binaling ko na ang tingin sa bata na tinutukoy niyang pamangkin niya. Tinanguan ko lang din ito bago mauna na sa paglabas.

Nang makalabas ay matiwasay na sana akong naglakad papalayo sa bahay na iyon nang maramdaman ko namang hinabol ako ng bata dahil sa maliliit na hakbang nito. Tumigil ako sa kinatatayuan ko para balingan ito ng paningin.

He stopped infront of me saying, "You're the one who'll destroy the world," walang emosyong wika nito gamit ang maliit niyang boses pero sapat na iyon para muli nanamang lumikot ang pag-iisip ko. "I'm just one of the piece, but you're the hand."


NANG makabalik sa panuluyan ay buhat-buhat ko pa rin ang sinabi ng batang iyon. Yes, I find it mysterious but what it makes me more interested is about on how the words gave me chills na tila kunektado talaga iyon sa'kin.

Natigil saglit ang paglakad ko nang may humila sa kamay ko at doon lang napagtanto na mauuntog na pala ako sa pintuan. Nilingon ko ang humila sa'kin at doon nakita si Hendrix. "Marami pang minuto para pag-isipan yan." Binuksan niya ang pintuan bago ako igayak ng marahan papasok. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya as I closed the door.

Tinanguan ko siya habang inililibot ang paningin sa sala. Wala pang mga gising dahil wala pa'kong naririnig na ingay. "Can I know Cooper's brother whereabout?" Wala sa sariling usal ko. Nararamdaman ko kasing may konekta ang kapatid ni Cooper sa mga senaryo ngayon.

At isa pa ay siya rin ang suspetya kong tinutukoy ni Blue. Ofcourse, Logan is always the exception. Para kasing kilalang-kilala ko na siya kahit sa sandaling panahon palang kami nagkakausap. I don't know, I just feel this way towards him and also guts telling me to trust him.

Binitawan na ni Hendrix ang kamay ko nang maupo ako sa isa sa mga sofa. Nangalay din ako sa mahaba-habang paglalakad. Malayo-layo kasi ang bahay ni Remzel sa panuluyan na ito. Napansin ko rin sa lalake'ng iyon na hindi niya gusto ang magagarang bagay tulad ng panuluyang ito. Mas nanatili siya sa tinutuluyan niya ngayon.

"You've done a lot of travel, right?" I asked.

Nagkibit balikat si Hendrix. "Medyo. Nagtagal kasi ako sa Atlantis Palace. Bakit?"

I shrugged my shoulder too. "Nothing. I just wanna ask if the higher still have any concern on the low ranks? You know. Damiana is one of the low ranks, and her family happens to be one of the victim of the higher rank before, ang suspetya niya ay ang pamilya naming Lavinia ang may pakana noon. Paano bang inaalagaan ng taas ang mga nasa baba?"

Tahimik na nag-iwas ng tingin si Hendrix matapos niyang maupo sa halos katabi ko lang na sofa. "Wala silang ginawa, Lady Eraia. Alam kong malawak ang isipan mo kaya nais kobg sabihin sa'yo na halos lahat ng mga maharlika at mafioso ay mapangmataas sa sarili. Iyon ang isa sa mga nasaksihan ko habang naglilibot ako sa mundo." He unconsciously bit his lower lip. "At wala rin namang ginagawa ang mabababa para tumaas sila. Puro sila dahilan na, mahirap daw sila at hindi nila mapapantayan ang mga nasa taas pero hindi naman nila talagang sinusubukan kung hanggang saan ang maaabot nila."

I somehow understand what he mean for. I mean, ganoon din sa mundo namin. "Mayroong mapang-abuso ng kapangyarihan at mayroon din'g walang lakas ng loob..." I whispered.

He nodded as soon as our eyes met. Agad din itong nag-iwas ng tingin na tila ba may sore eyes ako kaya napailing na lang ako't napataray sa ginawa niya.

Why the fuck this guy started to like me in the middle of this journey? Hindi ba puwedeng pagkatapos na lang? Hadlang.

Tumayo na'ko nang makita si Blue na pupungas-pungas na lumabas sa kuwarto niya. I greeted him with a hug like how I used to do when we're still a kid. Kim and him are the ones whom I can show my soft side. Sila lang ang nakaranas ng pagiging malambing ko, hindi rin kasi ako naging malambing masyado sa Tito at Tita ko na Ina ni Blue. And ofcourse, hindi rin ako naging malambing sa magulang ko dahil bago ko pa man magawa iyon ay kinuha na agad sila sa'kin.

"Good morning!" masiglang wika ni Blue, just like the way he used to greet me back then.

Parang katulad lang din ng dati noong nasa mundo pa kami.

How I wish to bring back those time again. I want to make things right.

Fucking regrets.

Author's note: I'll be very busy this coming april 1 to may 1st since nasa pagudpud po ako noon and mag-work plus my classes pa po hehe, I'll try my best to update always.

Next update will be later at 11 pm.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon