Traps Before Clor
Just by watching Summer ay tiyak kong alam niya na ang pasikot-sikot nitong lugar na nasasailalim ng ilusyon na ginawa ng kaniyang ina. Nagtanong kanina sina Ashanty kung bakit ginawa ito ng ng Ina ni Summer. Ang sagot naman ni Summer ay para raw maprotektahan ang bayan ng Clorovantesadous o mas kilala bilang Town of Clor, laban sa mga mananakop ng lugar. Ang Clor ay isang mapayapang lugar noon pa man, walang hari at reyna ang namumuno roon kaya malaya ang lahat sa kinikilos sa loob ng lugar. Kumbaga, ang namumuno sa lugar na iyon ay ang mga taong nakatira doon, lahat ng mga proyekto't gawain ng isa sa mga tao doon ay kailangan munang aprubahan ng lahat ng nakatira roon bago isagawa ang proyekto o gawain.
Kung ngayon ay tumatagal nalang ng isang araw ang pagpuntang bayan ng Clor dahil sa ilusyong ito, ay dati pala'y tatagal muna ng mahigit isang taon ang pagtungo ng mga tao sa Clor dahil sa ilusyon. Walang ibang daan patungo sa Clor kun'di itong daan lamang.
"So where gonna stay here for awhile?" mahinang tanong ni Ashantysa sarili habang siya ay nakaupo sa loob ng sasakyan, ang pintuan ng sasakyan ay nakabukas. Kami naman nina Summer ay kung hindi nakasandal sa sasakyan ay nakaupo sa sahig at kumakain.
"Ano bang gagawin niyo't magtutungo kayo sa bayan ng Clor?" tanong ni Summer na nakasandal sa punong kaharap namin kung saan doon ay may nakalagay na stop sign.
Sasagutin na sana siya ni Calypso nang pangunahan ko itong magsalita. "Hahanapin ang libro," kaswal na turan ko.
Nanlaki ang mga mata ng Elites at si Logan naman ay kumunot ang noo. "Eraia..." Para bang nagbabantang boses iyon ni Logan pero hindi ko siya pinansin dahil alam ko naman ang mga sinasabi ko.
"Yung tungkol ba sa mga gubat?" naniniguradong tanong niya. Dahan-dahan akong ngumisi at hindi maiwasang matawa. Sinabi na nga ba't isa siya sa nakakaalam ng libro. Siya yung librarian na pinagtanungan ko noon, kakatuwa nga't nito ko lang siya nakilala dahil noong araw na hinanap ko ang libro ay napaka kapal ng Salamin niya, ang buhok niya noon ay bahagyang sabog, pangmanang na damit at parang ang taba-taba niya noon. Magkaibang-magkaiba sa totoong appearance niya na medyo tanned ang balat, matapang na mukha, dark brown na buhok at magandang hugis ng katawan ayon sa nakikita ko sa kaniya. Nakahubog kasi ang katawan niya sa damit niyang hapit sa kaniya. Kaya hindi ako makapaniwalang siya ang librarian na pinagtanungan ko noon.
Tumango ako sa kaniya bago umayos ng pagkakasandal sa sasakyan. "Dati ka na bang librarian doon?" tanong ko sa kaniya.
Mahina niya 'kong tinawanan at bahagyang umiling. "Walang permisong pumasok ako doon, Eraia. Hindi ako librarian doon o kung ano pa man," wika niya.
I raised an eyebrow. "At ano namang ginawa mo sa paaralan namin?"
She shrugged her shoulder. "May nag-utos sa'kin na magpanggap bilang librarian ng isang araw."
"Si Headmaster?" tanong ni Elias na nakikinig sa usapan namin.
Tigas ang iling ni Summer.
"Si Hendrix?" tanong ni Cooper sabay turo kay Hendrix na wala man lang ekspresyon matapos ang ginawa ni Cooper.
Umiling muli si Summer.
"Eh sino?" kunot-noo'ng tanong ni Cooper.
Bumuntong hininga si Summer kasabay ng pagkamot niya sa kaniyang noo na para bang naiirita siya sa mga tanong. "Ewan ko, basta!" naiiritang wika niya.
Ayaw niyang sabihin kung sino ang nag-utos sa kaniya pero alam kong alam niya kung sino iyon. Nararamdaman ko ring hindi lang pagpapanggap na maging librarian ang pinag-utos sa kaniya. Kung ang bibig ay kayang magsinungaling, ang mata naman ay hindi.
Makalipas ang ilang oras ay pinagpasyahan nina Cooper ba matulog muna kahit saglit matapos na makumpirma kay Summer na wala namang kahit anong mabangis na nilalang dito.
"Wala bang ibang paraan para makalabas sa ilusyong ito?" tanong ni Calypso kay Summee na ngayon ay siyang nakaupo sa sahig.
"Wala. Wala namang iniwang kahit anong bakas ang Mama ko rito para malaman kung paano makakalabas ng ilusyong ito. Ilang taon ko nang nililibot 'to pero wala man lang akong matagpuang kahit isang clue," sagot niya.
Tiningnan ako ni Summer at kasabay noon ay bahagyang pagniningkit ng mga mata nito. Sinenyasan niya 'kong lumapit pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang opisyal lang ang may kayang utos-utosan ako ng ganiyan. How dare she to command me?
Naiirita niya 'kong sinamaan ng tingin kaya sinuklian ko siya ng isang nang-aasar na ngiti at pagtaray sa kaniya.
Inis siyang tumayo at nilapitan ako. Pero agad ring nawala ang inis na iyon matapos lumingon sa katabi ko.
"Nobyo mo?" tanong ni Summer habang nakaturo ang hintuturo kay Logan na ngayon ay katabi ko.
Nangunot ang aking noo't tinampal ang daliri niyang nakaturo sa katabi ko. Inilingan ko siya. "Boss ko," sagot ko sa kaniya. Hindi naman talagang Boss si Logan pero siya naman kasi ang Leader ng elites na ngayo'y kinabibilangan ko na rin.
Nangingisi siyang tumango-tango na para bang hindi siya naniniwala. "Kung hindi pwede kay Prince Frost, doon tayo sa panganay," naglalarong wika niya na pinapatamaan ako.
Muli ko siyang tinarayan bago humalukipkip. "Wala akong balak." Ngumisi ako sa kaniya, bahagyang nilingon si Hendrix na medyo nasa malayo sa'min, binalik ko na sa kaniya ang pinahiram niyang salamin sa'kin kaya ngayon ay muli niya ulit iyong suot-suot. Muli kong tinitigan si Summer. "Bakit kanina ka pa tingin ng tingin sa Shield wielder na iyon?" pormal na tanong ko pero sa isip ko ay alam kong panunudyo iyon.
Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Anong paki mo sa mababang-uring katulad ko?"
Bahagya ko siyang tinawanan. "You mean, 'nagpapanggap na mababang-uri na tulad mo'," pagtatama ko sa sinabi niya.
Sinamaan niya 'ko ng tingin. "Ilang beses ko na yang nakasalamuha," sagot niya sa tanong ko, binabalewala na ang pang-iinis ko.
Sinulyapan niya si Hendrix na walang kaalam-alam sa pag-uusap namin. Si Logan naman na katabi ko ay alam kong naririnig niya ang pinag-uusapan namin pero hindi naman siya nagkukumento dahil hindi iyon ang nature niya.
"Saan?" I asked her. Hindi naman malabong magkasalamuha ang dalawa ngunit gusto kong malaman kung saan sila nagkakasalamuha.
Bahagyang ngumiti ang dalaga. "Sa lugar kung nasaan si Brittany," kaswal niyang turan.
Pero kahit kaswal iyon ay tila ba nanigas ako na para bang nagblangko ang isip ko dahil sa pangalang binanggit niya.
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasyHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...