Forgiveness
Mahinang tumango si Ione sa sinabi ng kapatid niya. Hindi na siya nagreklamo pa roon.
At tama rin naman si Cooper. Hindi namin kailangan ang tulong ng hari dahil ang sabi nga ni Ione ay may alam naman daw ang ikalawang reyna at ikauna.
"Nahanap mo na pala ang kapiraso?" wika ni Cooper, trying to divert the topic and make himself calm.
"Malamang! Nakita mo namang hawak-hawak eh. Common sense ba," buwelta ni Ashanty.
Inilingan ko na lang ang pagiging maingay nila at muling ibinaling ang tingin kay Logan na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa pahina. Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya ay nilingon niya iyon kaya nagtama ang paningin namin. He raised his eyebrows on me before smirking away.
"Mas okay na sigurong ang dalawang reyna na lang ang kausapin natin doon at huwag nang ipahanap si Aster," ani ni Calypso.
The ohter member's mouth gaped before giving a teasing smile on him.
Nag-iwas naman ng tingin si Calypso dahil doon. "Tiyak ko kasing kahit ipahanap pa natin siya ay hindi rin iyon sasama," dahilan niya pero mukhang hindi naniniwala ang elites.
"Huwag ka nang magdahilan Calypso. Alam naman naming nagtatampo ka kay Aster kasi hindi man lang nagpaalam ng maayos sa'yo," Ani ni Ashanty rito.
Tuluyang hindi naka-imik si Calypso at nag-iwas na lang ng tingin sa kanila. Mukha ngang may dinadamdam ito para sa dating miyembro ng Elites.
"Punta na ba tayo ng palasyo para matanong iyon sa dalawang reyna?" pagbabago ng topic ni Calypso na agad namang ikinatango ng lahat at nilingon si Logan.
"Yes. We need to go there right now and after that, let's pack up and head to the next place." Tumayo na ito kaya kami rin ay nagsitayuan na.
HABANG papasok ng palasyo ay nakita namin ang bahagyang pag-iiba ng lugar. Mukhang mas lalo itong naging buhay. Maging na rin ang mga katulong na nakangiti habang kaliwa't kanan ang gawain.
Nagtatakha man kami ay patuloy na lang kaming naglakad papasok sa loob hanggang sa may humintong katulong sa harapan namin at yumukod.
"Sumunod po kayo sa'kin." Nagkatinginan muna kaming lahat bago sundan ang katulong na nagsisimula nang maglakad.
Tahimik lang namin siyang sinusundan hanggang sa lumapit sa'kin si Ashanty at humawak sa braso. "May hindi maganda akong nararamdaman, Eraia," ani nito sa'kin.
Tahimik ko nalsng siyang tinanguan because I also feel the same way.
"Nasaan ang Ikauna't ikalawang Reyna?" tanong ni Elias sa katulong.
Nakita ko ang bahagyang pamumula ng katuling na wari ko'y kaedadarab lang ni Ashanty. "Hinihintay po kayo sa hardin at kasama rin po nila ang Hari," wika niya.
Sabay-sabay kaming natigilan at nagkatinginan. Sabay naming nilingon ang magkapatid na si Cooper at Viorea na parehas lang walang reaksyon sa narinig.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad patungong hardin at nang makapunta roon ay tama nga ang sinabi ng katulong na naroon ang Hari.
Umiinom ito ng tsaa habang katapat ang dalawang reyna na mukhang may malalim na pinag uusapan.
"Sigurado na kayong lilisanin niyo na ang palasyo?" at dahil malapit na kami ay narinig namin ang pormal ngunit seryosong tanong ng Hari sa dalawang reyna.
Kaagad na tumango ang dalawa habang ang Hari naman ay bahagyang nag-iwas ng tingin dito bago tumighim. "Kung gayon ay hindi ko kayo pipigilan pa ngunit habang prinoproseso ang pagtanggal sa inyo ng titulo ay nais kong dito muna kayo manirahan pansamantala," wika nito.
"Hindi namin kailangang mamalagi pa rito dahil may sarili naman kaming matitirahan," mahinahong ani ng ikaunang Reyna.
Saglit na huminga ng malalim ang mahal na hari. "Kung ganoon ay nais ko sanang ibalik sa puwesto si Viorea Ione sa pagiging prinsesa niya, maging si Cooper," wika nito.
Sabay-sabay naman kaming napatingin muli kina Cooper na parehas lang walang reaksyon.
Sinenyasan ko ang katulong na huwag iimporma na narito na kami at pinaalis na siya na agad naman nitong ginawa.
"Hindi kami ang may desisyon niyan, Mahal na Hari. Ang mga bata mismo ang may desisyon niyan," pormal na wika ng ikaunang reyna.
Dahan-dahang tumango ang mahal na hari at saglit na nanahimik na wari'y may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang maisatinig.
Huminga ito ng malalim ba wari'y naghanap ng lakas ng loob. "Nakita ko na ang Prinsipe Caden, Klara," marahang ani nito na ikinatigil ng Reyna. "Nagkita kami pero ninais niyang hindi muna ipagbigay alam saiyo ang lugar niya pero tinitiyak ko na maayos ang kalagayan niya," wika nito.
Marahang pumikit ang unang reyna bago dahan-dahang tumango na wari naiintindihan ang sinasabi ng Hari. "Ang nais ko lang naman ay seguridad niya."
"Iniwanan ko na rin siya ng bantay para makasigurong hindi siya mapapahamak," turan ng Hari.
"Maraming salamat mahal na Hari," pagpapasalamat nito.
Nakita ko ang paglambot ng mga tingin ng Hari habang nakatingin sa Reyna Klara. "Kung tutuusin ay kulang pa ang ginawa kong iyon kumpara sa mga kasalanang nagawa ko sa'yo, Klara."
Natigilan ang dalawang reyna dahil doon.
"Maging sa'yo, Astrid. I'm sorry for all I've done. I know that sorry isn't enough but still, patawad," lahat kami ay nabatid ang sinseridad sa boses ng Hari.
Yumuko ito at nakita namin ang dahan-dahang pangingilid ng mga luha nito. "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa inyo... Lalo na sa mga anak ko. Kay Cooper at Viorea Ione. Lubos akong nagsisisi nang muling makita si Cooper, lalo na nang tingnan niya 'ko ng walang kasigla-sigla ang mga mata. Maging kay Viorea Ione na alam kobg itinakwil na rin ako bilang ama niya." Natahimik kami sa sinabi nito.
Hanggang sa balingan namin ng tingin si Ione na naglakad patungo sa tapat ng Hari. "Pero hindi pa naman po huli, Mahal na Hari, na bumawi sa'min." Natitigilang nag-angat ng tingin ang mahal na hari sa puwesto namin at nakatingin kay Ione na hatak-hatak ang kuya niya. "Hangga't nabubuhay pa po kayo at hangga't buhay pa rin po kami ay puwedeng puwede pa po kayong bumawi sa'min." Marahan ang ngiting binigyan ni Ione ang kaniyang ama. "At kahit kailan po ay hindi kita itinatakwil bilang ama. Maging gano'n na rin po si Kuya..." Binalingan niya ng tingin si Cooper na tahimik lang. "Hindi ba?"
Saglit kaming natahimik habang hinihintay ang magiging sagot ni Cooper.
Nag-iwas ito ng tingin. "Hindi naman ako magagawa kung wala ang sperm mo," biglang ani ni Cooper na wsri hindi hari ang kausap niya.
Author's note: Next update will be lster at 11 pm.
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasyHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...