Thirty Three: Untold War

4K 268 6
                                    

Untold War

"Looks like we have visitor." Sabay-sabay kaming lumingon sa pintuan nang may magbukas noon at nagsalita. Sumandal sa hamba ng pintuan ang lalake bago ilibot ang tingin sa'min hanggang sa huminto ito. "Oh, the weak one," natutuwang wika nito na parang kilala ako.

Tiningnan ko siya mulo ulo hanggang paa. Base sa awrang binibigay nito ay mukha siyang malokong tao, hindi nagseseryoso at puro gulo lang ang alam. But I don't judge the book by its cover. Mukhang hindi ito kilala ni Eraia dahil wala naman akong nararamdamang kapamilyaran sa kaniya.

He smiled mishievously. "I'm Kai Aqua by the way," pakilala nito pero sa'kin lang nakatingin, wala itong pakialam sa mga taong nakatingin sa kaniya ngayon.

Tumaas ang kilay ko bago tumayo at bahagyang nagbigay galang sa kaniya. "Greetings to the Prince Kai of Atlantis Palace," walang emosyong wika ko. Nakisabay naman sa'kin ang iba maliban kay Logan na ni hindi man lang kumilos.

I heard him chuckled kaya pinasadahan ko siya ng tingin na ngayon ay nakatingin pa rin sa'kin. Those stares were deep. "Greetings to you too, my Lady," malumanay na wika niya na para bang hindi siya yung tao kaninang may mapaglarong tono ng boses.

Hindi niya pinutol ang pagtitinginan namin nang hindi na'ko nagsalita pa pero mga ilang minuto lang ay siya na rin ang pumutol noon. "Anyways..." He gave us a sly smile. "What brought you here guys?" tanong nito na para bang close namin siya.

"May inutos lang sa'min ang Headmaster," sagot ni Calypso.

He arched his eyebrow. "Really?" Nilingon ako nito. "Eh bakit kasama niyo siya?"

Si Logan ang sumagot sa tanong niyang iyon. "She's part of the elites. Got a problem with that?" Tumaas ang kilay ni Logan na tila ba hinahamon si Kai.

Nakangising nagtaas ng dalawang kamay si Kai bago umiling-iling. "Chill, I'm not doing anything. You're still judgemental dude," nang-aasar na wika nito.

Nakita ko kung paanong mag-igting ang panga ni Logan pero kasabay noon ang mapaglarong ngisi sa mga labi niya na kadalasan kong nakikita sa kaniya. "Did I judge you?" sarkastiko niyang tanong dito bago mahinang tumawa. "You're still assuming," pagbabalik-salita nito dito.

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Kai pero mukhang hindi ito madaling mapikon. He still remain his smirk.

"Anong pakay mo rito?" seryosong tanong ni Ashanty habang nakatingin kay Kai. I raised an eyebrow while looking at her, mukhang may dinadamdam ang babaeng ito sa lalake, yet she still greeted him earlier.

I hide my smirk when I saw Kai's face softened but it already concealed by his his playful smirked. "Hindi kita napansin, Ashanty," nanlolokong wika nito bago mahinang tumawa. "Sabagay, hindi naman talaga kapansin-pansin ang isang tulad mo," ani nito.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya kay Ashanty, wala akong ginawa. Bakit? Kasi alam kong hindi lang gulo ang abot nito kung papatulan ko itong Prinsipe.

"Hindi kapansin-pansin?" Tumawa ng sarkastiko si Logan. "But if I can still remember, he caught your attention in just a blink of an eye, right?" natatawang umiling-iling si Logan bago humakbang papalapit sa Prinsipe. Calypso and others was about to stop him but he signaled them. "You never change. You're still a liar." Matiim niyang tinitigan si Kai. Hindi ito nagpatalo at nakipagpalitan rin ng nakakamatay na tingin.

I rolled my eyes. Malinaw na sa'kin na may nakaraan itong tatlo, si Logan, Ashanty at ang Prinsipe Kai. Hindi ko alam kung clueless sina Calypso o talagang hindi lang nila idinadamay ang sarili sa mabigat na presensya.

Nilingon ko si Ashanty na tahimik lang ding nakatingin sa kanila. Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya ay agad niya 'kong nilingon. I raised my eyebrow on her. "Stop them. We don't have enough time." Bahagyang nangunot ang noo niya pero sinunod niya pa rin ako.

Tinulak niya sa dibdib si Kai papalayo kay Logan habang hinila naman niya ang braso ni Logan upang mapaglayo ang dalawa.

I stared at Hendrix who doesn't seem interested about the scene. Walang emosyon niya 'kong tiningnan din. "You feel that, right?" tanong ko kay Hendrix. Lahat naman ng atensyon nila ay nabaling sa'kin, wari'y walang kaide-ideya sa nangyayari.

Tumango si Hendrix. "Sa ilang minuto na lang ay papunta na sila rito," ani ni Hendrix.

I chuckled. "May nakapasok na," imporma ko sa kaniya bago tumingin sa pintuan. May kung anong pagkagalak sa dibdib ko sa mga oras na 'to. Thrill and excitement is surely plastered in my face right now. Dahil hindi ko inakalang ang abilidad kong makiramdam kahit sa pinakamalayo ay madadala ko pa rin pala rito.

Nilingon ko ang Prinsipe Kai. "Anong magiging reaksyon mo kapag sinabi kong nasa peligro ngayon ang kapatid mo?" may naglalarong tono sa aking boses na ani ko rito.

Kumunot ang noo niya.

Matamis ko siyang nginitian at dahilan iyon kung bakit wari'y natulala pa siya. "Your sister is in danger," wika ko sa kaniya.

Mas lalong kumunot ang noo niya't galit na tumingin sa'kin. "What do you mean?" Mukhang wala talaga siyang alam. How poor for a royalty like him.

Umiling-iling ako sa kaniya bago tumayo na lang at kinuha ang bag ko upang ilabas doon ang baril ko na binigay ng Master Claux. Tiningnan ko ang bestidang suot-suot ko at nang makitang sumasayad ito sa lapag ay marahas ko iyong pinunit sa harapan nila na hanggang tuhod.

"Anong nangyayari—" Hindi na naituloy ni Elias ang itatanong nang sabay-sabay silang napahinto. Mukhang naramdaman na ng elites ang presensya nila—niya.

I nodded at Hendrix. "Make an invisible shield sa kuwartong 'to," utos ko sa kaniya. Tumango agad ito at agad ko namang nilingon si Logan na ngayo'y nakahalukipkip na. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita ko ang ekspresyon niya, inaakala niya sigurong tutulong ako sa mga Aqua. "Relax. Hindi ko gagawin," imporma ko sa kaniya.

Hindi siya tumango at hindi rin siya sumagot. Nakatingin lang ito sa'kin bago bumuntong hininga at walang pasabing hinila si Kai papunta sa pintuan. "Help your parent defeating their opponent. Tell them that we're not going to help unless if its needed," turan ni Logan bago nito sinarado sa mukha ni Kai ang pinto.

"You're not doing anything, Eraia," mariin niyang utos sa'kin. Siguro ay dahil pinunit ko ang bestida ko't kinuha ang baril ko na animo'y handa na sa isang gyera. Nakahanda lang naman ako para sa kung sakaling may mangyaring hindi maganda ay makakilos agad ako.

Tumango ako sa kaniya bago pasadahan ng tingin si Ashanty at muling ibalik kay Logan.

I suddenly want to know their past... Or maybe, it's an untold war.

I stepped back when I felt the ground moved a little bit as we heard the large explosion near us.

War.

Author's note: Normal na ulit ang pag-update bukas but who knows? HAHAHAHA baka may double ud ako. Btw, I'm getting well and thank you po sa inyooo<3

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon