Seventy Eight: Found Out

2K 139 6
                                    

Found Out


Habang nag-aayos ng gamit ay ramdam ko ang tingin ng mga elites sa'kin. Si Blue naman ay nakahalumbaba sa lamesang maliit habang nakatingin din.

"Sigurado ka bang kaya mo?" may bahid ng pag-aalalang tanong ni Ashanty.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. "Akala ko ba, napanood niyo ang laban namin ni Master Claux?" Nilingon ko sila.

Tumango naman si Cooper. "Pero iba naman kasi si Master Claux doon sa lalake'ng iyon. I'm sure na walang sinasantong lalake'ng iyon," wika nito na ikinasang-ayon nina Elias.

Hinarap ko sila bago humalukipkip. "Don't you trust me for this?" Huminga ako ng malalim. "Kung wala siyang sinasanto. Ako rin. Patas lang kami," dagdag ko.

Natahimik naman sila doon hanggang sa tumawa naman si Blue dahilan para mapalingon sa kaniya ang lahat, miski ako. "Just trust her. Okay? She may be look fragile but she's not."

"May tiwala naman kami sa kaniya pero hindi lang naming maiwasang mag-alala," marahang ani ni Calypso.

Blue's lips formed an 'o' before smiling slightly. Nilingon ako nito. "I thought they were just your groupmate. Are they your new found friend?" tanong nito.

Natugilan ako saglit sa sinabi niya.

Kaibigan ko na nga ba ang mga ito? Ang Elites?

"Winaglit ko na lang ang tinanong niya sa'kin bago magpatuloy na lang sa pag-aayos ng gamit. I know what he mean about he said. Alam kong hindi ako puwedemg magkaroon ng malalim na relasyon sa kahit sinong nilalang dito lalo pa't hindi ako si Eraia. Hindi ako ang katawang ito. And I never wish to be Eraia.



NANG mapagdesisyunan ng elites na matulog ay minabuti naming dalawa ni ni Blue na lumabas muna sa tinutuluyan pero hindi na namin pang sinubukan pang lumayo dahil baka maligaw kami dito.

"Gaano ka na katagal dito?" tanong sa'kin ni Blue habang nagmumuni-muni kami sa isang gilid.

"Hindi ko alam. Hindi ko binibilang," I said as I chuckled. Totoo naman iyon. Hindi ko binibilang kung gaano na'ko katagal dito dahil hindi ko rin alam. Parang kapag binilang ko ang mga araw na narito ako sa mundong ito ay mas lalong babagal ang panahon. Sa totoo lang ay natatakot din akong hindi makabalik sa dati naming mundo. Natatakot akong wala na'kong babalikan sa mundong iyon. Na kapag bumalik ako sa mundo at sa katawan ko ay wala na'ko sa organisasyon na ginawa ko nang buhay ko.

Oo, nagrereklamo ako sa mga utos nilang sunod-sunod but I never and I will never get tired of serving the organization.

Wala sa sariling sumandal ako sa balikat ng pinsan ko. "Paano kung wala na tayong babalikan sa mundo natin kapag nakabalik na tayo?"

"At kailan ka pa naging overthinker?" natatawang tanong niya.

I sighed. "Nito lang," pagsasakay ko sa biro niya na sabay din naming ikinatawa.

"Pero sinasabi ko sa'yo Bri... May babalikan tayo. Hinihintay tayo ni Mama at Papa, hindi puwedeng hindi," malumanay niyang wika.

Natahimik ako sa sinabi niya bago marahang tumango.

Tama siya. Hinihintay kami ni Tita at Tito. Kaya hindi puwedeng mawalan ako ng pag-asa dito.

"What did you do after you realized that you're here in this world?" tanong ko sa kaniya.

He chuckled. "Ofcourse, I freaked out. Pero na-adapt ko rin naman ang lugar, especially when the guy with bloody red eyes provide everything to me," ani nito.

"Oh e'di kilig ka?" pang-aasar ko. He's a bisexual.

Nilingon ko siya at nakitang umasim ang mukha. "Fuck off," he disgustingly said na ikinatawa ko na lang.

Blue Cosai. He's my cousin on my father's side because my Father and his father were brothers. Ang love story ng dalawang iyon ay parehong pareho lang because they both met Tita and Mom at organization. Ang kaibihan lang ay ang kuwento sa'kin ni Tita, laki siya sa hirap, samantalang ang Ina ko naman ay hindi.

Blue suffered from heart desease kaya  tinutukan siya ni Tita dahilan para hindi na'ko nakahawak pa ng espada. I'm older than him for about one and a half year pero kung minsan ay mas matanda pa siya kumilos sa'kin. Since he has a weak heart ay hindi man lang siya pinapalayo ng magulang niya. Mabuti na lang at naturuan siya ng mga ito kung paanong lumaban bago pa man madiagnose ito sa isang desease. That's why he's craving for thrill and adventure. I also like his blue orbs na kumikinang lalo nang kapag tatapat siya sa liwanag buwan at magkukulay gray naman kapag itatapat niya ang mata sa sinag ng araw.

"Kaibigan na ang turing mo sa kanila 'no?" pagputol ni Blue sa katahimikang namagitan sa'min ng oanadalian.

Nilingon ko siya bago nagkibit-balikat
"Ang totoo ay hindi ko alam. But I just found myself caring for them... Ewan. I felt like I'm longing for affection the moment they showed theirselves on me." Bumuga ako ng hangin. "Maybe this is just Eraia's feeling," mahina kong turan.

Napatango na rin siya sa sinabi ko bago ako akbayan at bahagya akong niyakap. "Okay lang yan, Bri. Hindi naman masamang makipagkaibigan ka sa lugar na ito e. I think it's time for you to have friends in this world kasi hindi mo iyon nagawa noong nasa mundo ka pa natin." He smiled at me. "Just know your limit," dagdag niya.

Mahina akong natawa bago siya tanguan.

He has a point though. Bukod kay Kim ay hindi na 'ko nagkaroon ng talagang kaibigan sa mundo namin. Mas ginawa kong priority ang organisasyon at mga misyon.

Ito na nga ba ang panahon para magkaroon ako ng kaibigan muli? I don't know. Wala akong makuhang sagot or maybe may sagot na'ko pero hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko.

"Saka na... Kapag kaya ko nang sabihin ang totoo, Blue," marahan kong wika.

Gusto kong ituring silang talagang kaibigan ko kapag nasabi ko na ang totoong ako, bilang si Brittany. Gusto ko ring ituring nila akong kaibigan nang alam nilang ako na si Brittany ang kakaibiganin nila at hindi si Eraia.

"May point ka. Sana masabi mo na sa kanila yung totoo soon. Kasi I know na nahihirapan ka na rin sa sitwasyon mo," he softly said. "You must thank be because you're lucky that I'm here," mahanging dagdag niya na ikinatawa ko.

Muli pa sana akong magsasalita nang may nauna nang nagsalita.

I frozed on my place.

"What truth?" The voice of the first prince of Westland Palace echoed on my ears.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon