Uno
Nang sumikat ang araw ay agad na kaming nagsimulang bumiyahe na ngayon ay kasama na si Summer. Madali niyang nakasundo ang mga Elites, maliban lang kay Calypso na minsan lang kausapin ang dalaga.
Napapagitnaan ako ni Calypso at Summer kaya hindi ako naging kumportable sa pag-upo ko. Nais ko sanang mamahinga dahil hindi ko nagawang makatulog matapos na maalala ang isang memorya ni Eraia.
Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag doon pero hindi pa rin maiwasang kumunot ang noo. Eraia was close to having sex that time! Kung hindi lang dahil sa lalake'ng hindi ako pamilyar sa mukha ay maaring hindi na hawak ni Eraia ang v card niya.
Uminom noon si Eraia ng alak dahil kay Prince Frost at kina Damiana. She end up going to bar that time. Doon niya nakita ang Lalake na muntikan niya ng makatalik. Malinaw ang mukha ng lalake'ng iyon sa isip ko pero hindi ko talaga kilala kung sino iyon. Mukhang may kontrol siya sa sarili dahil nagawa pa rin niyang magpigil kahit na naging magaslaw na noon si Eraia. He took care of her until she fall asleep.
Sana all.
Huminga ako ng malalim bago ilibot ang paningin at muli nanamang nakita ang laruang lobo na iyon na basta na lamang umaalulong.
Kaya pala umalulong iyon kahit nagsabi ako ng totoo ay nasira ang bunganga noon matapos na ihagis sa'kin ni Logan ang gamit na 'yon.
Sinamaan ko ng tingin si Logan nang makitang nakangisi ito sa'kin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon pero batid ko ang pang-aasar ng mga tingin niya sa'kin. Nararamdaman ko rin ang panay na pagsulyap sa'kin ni Hendrix. Parehas silang hindi naniwala nang itanggi kong nakipagtalik ako sa kung kanino pero sa huli ay naniwala na rin naman.
Dahil sa larong iyon ay doon ko lang nalaman na medyo madaldal pala si Hendrix.
Lumipas ang ilang minuto ay ang paulit-ulit na daan ay nag-iba na. Mukhang nakawala na kami sa ilusyon dahil nakikita ko na ang kaibahan ng daan'g tinatahak namin ngayon. Binuksan ni Summer ang bintana dahilan para humampas sa'min ang isang malamug at masarap sa pakiramdam na simoy ng hangin.
Nakita ko kung paanong ngumiti si Summer. "Hindi talaga papalya ang hangin sa lugar na ito," bulong niya sa sarili na nakaabot naman sa pandinig ko. Gusto kong sumang-ayon sa kaniya dahil wari'y mas masarap nga ang simoy ng hangin dito keysa sa simoy ng hangin sa mga lugar na napuntahan ko na sa mundong ito.
Napakarami ring puno sa lugar pero ang bawat punong iyon ay nagkikislapan kahit maliwanag na ang daan.
"Hangga't maaari ay huwag kayong gumawa ng mga bagay na sa tingin niyo ay hindi tama. Ang mga tao kasi sa bayan ng Clor ay kunserbatibo, hindi sila katulad ng Aqua na may maayos na pagbati sainyo dahil nasa maharlika kayo o 'di kaya ay kasali sa angkan ng Mafia. Sa lugar na 'to ay pantay-pantay lang ang lahat," pormal na wika ni Hendrix kasabay ng pag-ayos niya ng kaniyang salamin.
Sabay-sabay silang tumango habang ako ay sumandal lang sa headrest. Inaantok na talaga ako at kaunti na lang ay babagsak na ang talukap ng mata ko. Napakahina ng stamina ng katawan ni Eraia! Hindi niya nagagawang tumagal na mulat ang mata sa isang araw!
Lumingon ako kay Calypso matapos niya 'kong kalabitin. "Isandal mo muna yung ulo mo sa balikat ko." Hindi na niya 'ko hinayaan pang sumagot at inalalayan na ang ulo ko patungo sa balikat niya. His lean shoulder help me to make me comfortable while resting my head on him. Hindi na'ko nagsalita pa at pinikit na lang ang mata dahil siya rin naman ang nag-suhestiyon niyon.
Naramdaman ko ang pag-aayos ni Calypso ng buhok ko para hindi matabunan ang mukha ko. He carefully caressed my hair too and that made me fall into deep sleep.
Nagising nalang sko nang maramdaman na huminto ang sinasakyan namin. Sunod-sunod kaming nagsibaba.
Inilibot ko ang paningin sa bayan ng clor. Maayos naman, may mga taong busy sa pagbebenta o 'di kaya ay sa paglalakad, ang iba ay may mga hawak pang mga lambat at balde-baldeng mga isda. May mga batang nagtatakbuhan at naglalaro, hindi ako pamilyar sa nilalaro nila dahil sa mundo ko dati ay hindi naman ako nagkaroon ng tiyansang makapaglaro sa lansangan, larong pambata ba. Hindi naman ipinagkait sa'kin 'yon. I just chose to train hard in building up my stamina, masyado kasi akong hanga sa magulang ko noon na ibinuwis pa nga ang sarili para lang na maglingkod sa bayan.
I stepped forward nang aksidenteng nabangga ako ng isang batang babae. Nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan niya ako bago agad na nagsalita. "Sorry po ate! Nagmamadali po kasi ako e," dahilan niya sa'kin bago nilingon ang gilid at sumama ang tingin niya. Sinundan ko naman ang tingin niyang iyon at nakita ang grupo ng batang mga kababaihan na pare-parehas na nakangisi sa kaniya. "Kahit ke'lan talaga ay hindi na sila nadala sa pangbubully sa'kin!" wala sa sariling inis na wika niya. Matinis ang boses niya dahil sa bata pa. Mukhang nasa walong taong gulang lang ito.
Hinawakan ko ang balikat ng batang babae bago ko iniluhod ang isang tuhod para magkapantay ang aming tingin. Sinenyasan ko ang mga babae na kanina'y nakangisi sa kaniya. "Binubully ka ng mga iyon?" pagtatanong ko sa kaniya.
Nangunot ang noo niya pero agad din siyang tumango bago muling tingnan ng masama ang mga nambubully sa kaniya. "Pasalamat lang talaga sila dahil mahaba ang pasensya ko para patulan sila," naiinis niyang wika. Magkasalubong ang brown niyang kilay at bahagya kong natuwa nang makitang mamula-mula ang pisnge niya.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya.
Muli niya 'kong tiningnan. "Uno ang pangalan ko ate," medyo nakangiti niya nang wika.
Mahina akong natawa sa inasta niya dahil alam kong peke ang ngiti na iyon. Hindi ko sigurado kung Uno ba talaga ang pangalan niya pero kung iyon nga ay napakagandang pangalan iyon para sa magandang bata katulad niya. Kadalasan sa mga nagpapangalan na Uno ay lalake at ngayon lang ako nakakitang may Babae palang ang pangalan ay Uno.
"Hi bebe!" Tinukod ni Ashanty ang palad niya sa mga tuhod niya upang pantayan ang bata. Matamis siyang ngumiti dito. "Ang cute mo naman," natutuwang wika nito sa bata.
Biglang sumimangot ang bata sa sinabi niya. "Maganda po ako ate, hindi cute."
Dahilan doon ay naiwang nakanganga si Ashanty kasabay ng pagtakbo papalayo sa'min noong bata.
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasiHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...