Blinded by Darkness
Madilim.
Tanging itim lamang ang nakikita ko sa kahit saang sulok man ako lumingon. Miski ang katahimikan sa paligid ay masyadong nakakabingi. Nakakahinga man ako ng maayos ngunit hindi pa rin ako nakampante roon. I may be Brittany the sergeant, but I still have weaknesses and one of them are the deafening silence and darkness.
Minabuti kong ipikit na lang mga mata dahil wala naman pinagkaibahan kung magmulat pa'ko. Tanging ang pagtibok ng puso ko't aking paghinga ang naririnig ko, hindi ko rin nararamdaman kung nakalapat ba ang mga paa ko sa kung anong bagay dahil mukhang nakalutang ang sitwasyon ko ngayon.
Ito ba ang nasa likod ng napakagandang tanawin ng fantasy falls?
"A new visitor." Isang malamig ngunit malamyos na tinig ang yumakap sa pandinig ko. Kaagad akong nagmulat ngunit agad ding napapikit dahil sa napakaliwanag na bumungad sa'kin.
Nang maiadjust ko na ang paningin mula sa liwanag ay atsaka ko lang nakita ang isang binibini, maladiyosa sa ganda ang mukha at katawan nito ngunit kasing talim naman ng mata ng ahas ang mga paningin nito. Marahan itong lumapit sa'kin, atsaka ko lang napansin na siya pala ang nagsisilbing liwanag sa ganitong kadilim na lugar.
"Ako ang tagapagbantay ng talon na ito at ang nagpatuloy sa'yong pumunta rito," mahinhin niyang wika. "Ikaw lamang ang kauna-unahan kong pinapasok sa talon'g ito dahil sa napakainteresanteng buhay mo," natutuwang ani nito. "Hindi man lang kita kinakitaan ng kahit anong sikretong nakalimutan mo."
Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Pero nawala ang memorya ko," wika ko kahit hindi naman iyon ang totoo. Bilang si Brittany ay hindi talaga nawala ang memorya ko at kung kay Eraia naman, hindi naman ako nagkaroon ng memorya ng buhay niya.
Mahina itong tumawa't hinaplos ang balikat ko. Naramdaman ko ang lamig ng kaniyang balat na nagbigay ngilabot sa katawang ito.
"Ang isip mo lamang ang nakalimot Prinsesa, hindi ang puso mo." Sabay turo nito sa dibdib ko. "Katulad ng una 'kong sinabi sa iyo noon, hinding-hindi makakalimot ang puso mo dahil natatangi ito sa lahat ng tao sa mundong tinutuntungan natin ngayon," aniya.
Natigilan ako sa sinabi niya't saglit na prinoseso iyon. Bahagyang tumaas ang kilay ko. "Dati na ba 'kong pumunta rito?" tanong ko.
Tumango ako na mas lalo kong ikinalito.
Bahagya itong tumawa. "Ikaw lang natatanging nilalang sa mundo ang pinapasok ko dito noong una mong punta at ikaw lang din ang muli kong pinapasok ngayon dahil sabi ko nga'y ikaw lang ang natatangi," wika niya. Pumitik siya sa hangin ng isang beses at sa isang iglap lang ay biglang nagbago ang paligid. Kung kanina ay napakadilim, ngayon naman ay napakaliwanag at napakaganda ng mga nakikita. May mga kung ano-anong kagamitan na hango sa tubig.
Naglakad ang tagapagbantay patungo sa lamesang yari sa bato. "Kung itatanong ang dati mong ginawa sa pagpunta mo rito ay agad ko ring masasagot," mahinhin nitong ani bago muling humarap sa'kin na ngayo'y may hawak-hawak nang papel at iyon ang nakita ko kaninang sinabi ni Logan na isa sa pahina ng librong hinahanap namin.
Galak kong tinitingnan iyon hanggang sa maiabot niya sa'kin. "Iyan ang ginawa mo rito, Prinsesa. Sinadya mong iwanan ang piraso na iyan ng libro. Ang sinabi mo na noon ay kukunin mo ito sa susunod," kuwento niya. "Kakatuwa't kahit nawalan ka ng ala-ala ay binalikan mo pa rin ang pahina'ng 'yan."
Habang taimtim na nakikinig ay hindi ko mapigilang ang mapatanong kay Eraia. Parang unti-unti ko nang nakakain ang mga sinabi ko sa kaniyang isa siyang tangang babae dahil sa paghahabol niya sa mga tao. Mukhang nasobrahan yata siya sa talino dahil parang ang mga senaryong nangyayari ngayon sa kasalukuyan ay pinaghandaan niya noon. Katulad ngayon, bakit niya iiwanan ang isang pahina ng libro sa ganitong lugar?
Tiningnan ko ang nilalaman ng papel. May nakaguhit ditong isang bahay at sa ibaba nito ay isang pangalan at deskripsyon kung saan ito matatagpuan. Pagkatapos noon ay ang pinakaibaba ay may nakatarak na simbolo. Pamilyar ang simbolong ito kaya agad kong inisip kung anong ibig sabihin nito.
Ilang sandali lang ng mapagtanto kung anong ibig sabihin noon ay napabuntong hininga ako bago nilingon ang tagapagbantay.
"Ito lang ba ang iniwan ko noon?" tanong ko rito.
Marahan namang tumango ang kausap ko pero muli itong umalis para magtungo sa tukador at sa isang iglap lang ay muli nanaman siyang nasa harapan ko. Ngayon ay may hawak-hawak naman siyang isang kuwintas na ikinakunot ng noo ko. Matamis siyang ngumiti sa'kin. "Suotin mo ito sa paglalakbay mo upang mabigyan ka ng proteksyon galing sa mga ibon, lupa at tubig na bumubuhay ng lugar na ito." Sinuot niya ang kuwintas sa ulo ko kaya wala akong nagawa kun'di ang hayaan na lang siya. Isang perlas na kakaiba ang kulay ang pendant ng kuwintas, simple pero maganda sa paningin. "Palagi mong pakatandaan kung sino ka, Prinsesa," wika niya't tiningnan ako ng makahulugan.
Kumunot muli ang noo ko pero hindi na muli pang nagtanong. Kung ano man ang ibigsabihin niya'y hahayaan ko nalang muna sa ngayon at tatanungin na lang kapag nagkita ulit kami.
Huminga ako ng malalim bago siya tanungin. "Paano ako makakalabas dito?" tanong ko sa kaniya.
Ang mga matatamis niyang ngiti ay dahan-dahang napalitan ng ngisi pero hindi iyon nagsilbing dahilan para matakot ako sa kaniya kahit pa matalim ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.
"Alalahanin mo ang sikreto, Prinsesa," mahiwagang wika niya at kasabay noon ay ang biglang paglaho niya't ganoon din ang magandang kapaligiran kanina. Muli nanaman akong nabalik sa madilim at tahimik na lugar. Ramdam ko pa rin ang pagkakalutang ko kaya't mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa piraso ng libro.
Mariin akong pumikit at inalala ang sinabi ng tagapagbantay. I'm literally having a headache right now because of this! Fuck, libro lang naman ang hahanapin ko pero bakit sakit sa ulo yung nahanap ko?
Anong sikreto ba ang dapat kong alalahanin?
Paulit-ulit kong sinasabi sa isipan kong alalahanin ang mga senaryo na mayroon si Eraia noong wala pa'ko sa katawan niya. Pero ilang minuto na ang nakilapas ay wala pa ring pumapasok sa isipan ko.
Dahil sa nauubusang pasensya ay wala sa sarili akong napasinghal.
That fucking lake keeper!
Huminga ako ng malalim at nag-isip ng mabuti.
Sa isang iglap lang ay naalala ko ang sinabi ng tagapagbantay na iyon.
Hindi nakakalimot ang puso.
Muli akong pumikit at inisip ang damdamin ko. Sa isang mulat ko lang ay kusang pumasok sa isip ko ang dalawang salita na ikinangisi ko. At last.
"Secret Fantasy."
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasiaHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...