Seventeen: Surpass Expectation

6.4K 380 85
                                    

Surpass Expectation

The moment when the king was informed about the elites presence in his household, ay agad niya kaming pinapunta sa hapagkainan para ayaing kumain ng meryenda.

Gusto mang tumanggi nina Ashanty ay hindi na rin nila nagawa matapos makita ang mga nakahain sa hapag.

Luckily, Logan chose to sit beside me. Mas okay nang katabi ko si Logan, Imbis na si Damiana o 'di kaya ay ang reyna. Nasa host seat ang mahal na hari, samantalang nasa kanan niya ang reyna, ang katabi naman ng reyna ay si Elias na naglakas loob na tumabi rito, sunod namang tumabi kay Elias ay si Ashanty. Samantalang ang nasa kaliwang katabi ng Hari ay si Damiana, kasunod ay si Cooper, Logan, ako at si Calypso.

They were talking about their rankings so I didn't bother to say anything, maging si Logan na katabi ko. Calypso was politely speaking to the king and queen, ganoon din ang iba maliban kay Cooper na malakas talaga ang sapak sa ulo.

"Kamusta ang pagiging Clarke at Roosevelt, Prince Logan?" tanong ng Hari rito.

Gusto kong mapabuntong-hininga. Hindi bagay kay Logan na tinatawag siyang prinsipe. It's better than that.

Nagkibit-balikat ang katabi ko. "Fine. There's nothing to be stress about," sagot nito. "How about you, your highness? Kamusta ang pamamahala sa Veintorici?" Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakahimig na parang may pinapahiwatig ito sa hari.

Ngumiti ang hari sa kaniya. "Maayos naman. Sa katunayan nga'y mas lalo pang tumataas ang ekonomiya ng palasyo—" natigil sa pagsasalita ang hari matapos na putulin iyon ni Logan.

"How about being a good father to Lady Eraia? Are you doing great?" tanong nito. It feels like a sarcastic one but it's actually not since Logan manage to say it in his formal way.

Tumaas ang kilay ko habang ang iba namang nakarinig ay napamaang sa sinabi ni Logan. Natigilan din ang Hari, Reyna at Damiana.

Nang hindi magsalita ang hari ay muling nagkibit-balikat si Logan bago ako pasadahan ng tingin atsaka ngumisi. Mahirap pala talagang basahin ang utak ng isang ito. Hindi mo madidikta kung anong susunod niyang gagawin.

"Lady Eraia has been a good student in our school since then. And recently, we can say that she now excel in fighting. She's also smart. I bet that you did a great raising her well," biglang pagbabago ang boses na saad nito.

Nakita ko kung paanong ngumiti ang hari pero alam na alam kong pilit lang iyon. Even the Queen fakedly smiled.

Namuo ang katahimikan sa palagid pero agad ring nagbago when Ashanty tried to save the light atmospher. "Ahm, may request lang po sana kami, mahal na hari," magalang niyang wika. "Puwede po bang dito muna kami matulog para sa araw na'to? We actually want to spend more time with Eraia, since she's really busy with study at minsan nalang naming nakakausap," dagdag nito. Tumaas muli ng palihim ang aking kilat bago mapailing. Magagaling silang magsinungaling. Iyon siguro ang specialty nila.

Nakangiting tumango ang Hari sa pagpapaalam ni Ashanty. "Ofcourse, you can also roam around the palace," saad nito.

"Ah, Dad, I can accompany them," pagpresinta ni Damiana, trying to join the conversation.

Agad namang ngumiti ang hari and was about to say something but has been interrupt by Elias. "We're actually contented with Eraia. Sa kuwarto lang naman ni Eraia kami balak na mamalagi," wika nito.

"Kaya nga. Hindi mo ba narinig kanina na pumunta kami dito para makabonding si Eraia," buwelta ni Cooper na talagang hindi inilulugar ang ugali.

Pero okay na rin. Batid kong napapahiya ngayon si Damiana at masasabi kong deserve niya yon dahil sa mga aksyong ginagawa niya. Bida-bida.

Ilang sandali lang ay nakapunta na ulit kami sa kuwarto ko. Sa ngayon ay pinag-uusapan namin kung susundin ba namin ang librong nakita sa silid na ito, kung saan kami pupunta bukas.

We decided to went to fantasy falls, not to admire the view but to know the truth.

Nakahiga ang mga elites sa higaan ko samantalang nakaupo si Calypso sa single sofa at si Logan naman ay nakatayong binabasa ang nakita niyang libro. Habang ako ay nakaupo sa upuan ng study table.

"Hindi namin alam na ganoon pala ang trato sa'yo ng hari at reyna," untag ni Ashanty habang nakapangalumbaba. "Bakit sila gano'n sa'yo? I mean, ikaw ang tunay na anak 'di ba? at hindi si Damiana, pero mukhang baliktad ang pagtrato nila," patuloy nito.

Nagkibit balikat ako bago tinanggal ang pusod ko sa buhok dahilan para maglaylay ito. "I don't really have any idea at first when I wake up with no memories. But then I've realized that they don't love me because I'm not strong like Damiana. Para kasi sa kanila, si Damiana ang pinakaperpektong anak," turan ko. "They never spent me any affection. Ni hindi ko man lang nakikita sa kanila ang pag-aalala noong oras na magising ako."

"Kaya siguro palagi kang naghahabol kay Prince Frost. Kasi 'di ba, childhood friend mo 'yon? Sa kaniya mo siguro naramdaman yung pagmamahal na hinahanap mo sa magulang mo," turan ni Cooper.

Nag-iwas ako ng tingin dito. "Siguro. Pero ngayon, wala na'kong paki kung wala man akong maramdamang pagmamahal galing sa kanila. The only matters for me right now, is myself."

Nakangiting tumango naman si Calypso sa'kin.

"Their lost," biglang turan ni Logan na akin namang ikinalingon sa kaniya. "They didn't know that you surpass their expectation. Too bad for them, then." Bago ako nito nginitian.

"True," gatong ni Ashanty. "Para sa'king isa sa naging stalker mo. You've improved a lot, Eraia. At isa pa, alam kong dati man matapang ka na. Because all the problems, obstacle and strugles you've been through, nandito ka pa rin sa harap namin. Still alive and fighting," dagdag nito.

Natigilan ako sa sinabi niya. Kulang na lang ay mapailing ako. That would be heartwhelming for Eraia but not to me. I'm not the Eraia they stalked to, I'm Brittany na nanggaling sa ibang mundo.

"Enough for the drama, Ashanty. I think it's time for you to sleep," ani ko sa kaniya. She just pouted bago umayos ng higa sa higaan ko.

Napahikab naman si Elias, habang si Cooper ay tulog na, katabi si Ashanty.

Inilibot ko ang aking paningin bago napagpasyahang tumayo at magtungo sa lagayan ng damit ni Eraia. Pagkabukas ko ng pinto ay muling bumungad sa'kin ang salamin. Pero ngayon ay nangunot ang noo ko nang makitang umiilaw ang gilid nito na kulay berde.

Tiningnan ko iyon ng mabuti at nilapitan.

Ilang segundo lang ay bahagyang nanlaki ang mata ko matapos na mapagtanto kung ano ito.

A device chip.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon