Thirty Five: Truth or Lie

3.9K 283 18
                                    

Truth or Lie



The war ended up until the morning came. Hindi kami nagbalak na tumulong sa kahit na kaninong panig dahil parehas silang may kasalanan sa digmaan na naganap.

Nito lang tinanggal ni Hendrix ang panangga at sabay-sabay kaming lumabas ng kuwarto para tingnan kung ano na ang sitwasyon ng lugar. Tama nga ang hinala kong sira-sira na ang ibang parte ng palasyo, ang mga kagamitan ay parang sinalanta ng isang malupit na bagyo, marami kaming nakitang sugatan pero may mga ngiti na sa labi.

I raised an eyebrow, nagtatakha sa mga reaksyon nila. Huminto kami nang makakita ng isang taong hindi ganoon napuruhan. "Where's the King and Queen?" Logan asked.

Tiningnan kami ng pinagtanungan ni Logan bago itinuro ang daan patungo sa dining room na pinagkainan namin kahapon.

Hindi na kami nagsalita pa't dumiretso na ng sabay-sabay roon. Hindo na namin inabala pang tumulong sa iba dahil marami namang manggagamot ang tumutulong sa kanila.

Nang makapasok sa dining room ay sabay-sabay kaming natigilan nang makita ang Hari, Reyna, Prinsipe Kai, babae'ng kahawig ng Prinsipe at tatlo pang taong hindi namin kilala ang nakaupo sa mga upuan. Ang hari ay may sugat sa kaliwang braso niya, katulad ng sa Prinsipe. Mukhang maayos naman ang kalagayan ng reyna ngunit ang wari ko'y ang Prinsesa Cordelia iyon, ay magulo ang kasuotan maging ang buhok nito at mukha na may uling pa. Ang tatlo namang tao na hindi ko pamilyar ang mukha ay may mga sugat din.

Sabay-sabay silang napatingin sa'min kaya bahagya kaming yumuko upang magbigay galang.

"Forgive us for not participating in the war, Your Highness. Ayaw lang naming pakialaman ang problema ng kaharian niyo," paghinging-patawad ni Calypsosa mga ito matapos naming magbigay-galang.

Marahang tumango naman ang Hari. "Wala namang problema iyon. Ang importante ngayon ay nagka-ayos na ang dalawang panig," marahang wika nito bago tingnan ang tatlong kasama nila sa hapag.

Doon ko naintindihan na isa ito sa mga tribo.

"Maupo kayo't sumalo sa'min," aya ng mahal ng reyna. Hindi naman namin iyon tinanggihan at nagsiupo na sa libre pang upuan. Ako ang huling nakakilos kaya ang natira nalang na upuan ay sa tabi noong Prinsesa Cordelia na may malambot na ngiti sa kaniyang labi.

Tahimik akong umupo sa tabi niya habang siya naman ay hindi pinuputol ang tingin sa'kin. Binalingan ko siya ng isang blangkong tingin at bahagyang yumuko sa kaniya. "Greetings to the princess of Atlantis Palace," pormal na wika ko sa kaniya.

Nakita ko ang malapad na ngiting pumaskil sa labi niya na wari'y nagustuhan ang pagbati ko. Kumikislap-kislap pa ang mga mata niyang pinagmamasdan ako. "You're beautiful," kumplimento niya sa'kin kasabay ng paghagod niya ng tingin sa katawan ni Eraia at muling tingnan ang mukha.

I blinked twice, sensing that something isn't right. "Ikaw rin, Prinsesa," pormal na turan ko.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya para naman salubungin ang tingin ni Logan na malayo sa'kin. May pinapahiwatig siyang kung ano pero sa pagkakataong ito ay hindi ko iyon naintindihan.

Hindi pa rin tinatanggal ng prinsesa ang paningin niya sa'kin kaya muli ko itong tiningnan at hindi na maiwasang taasan ng kilay, bahagya na'kong naalibadbaran sa paninitig niya. She smiling widely at me.

"Is there something wrong?" tanong ko rito.

Hindi ako nito sinagot at tinitigan lang ako na para bang isa akong bagay na ngayon niya lamang nakita.

"Cordelia!" mariin siyang tinawag ng ina dahilan para mawala na ang tingin niya sa'kin at lumipat ang tingin sa reyna. "Huwag mong ipangalandakan ang pagkagusto mo sa mga babae. Hindi na'ko natutuwa sa'yo," matigas nitong wika na may halong pagbabanta. Parang hindi siya ang taong nakausap namin kahapon na kasing hinahon ng dagat ang boses.

Nakita ko kung paanong natigilan ang Prinsesa, maging ang malungkot na emosyon na nagdaan sa mata niya ay nakita ko rin.

"Sorry, Mama," mahinang wika nito.

Nagkakagusto siya sa babae. Samantalang sa libro ay babae'ng babae raw ang Prinsesa.

I mentally sighed.

Big deal sa mundong ito ang ganitong kasarian. Paglabag sa batas kung kanila itong maituturing.

"May problema ho bang magkagusto sa kaparehas na kasarian, mahal na reyna?" seryosong tanong ko rito. Naramdaman ko ang sabay-sabay nilang pagtingin sa'kin.

Sinalubong ko ang tingin ng mahal na reyna. Gulat ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko. "A-Ano?" hindi makapaniwalang wika niya.

"Eraia..." Hinawakan ako sa braso ni Elias na katabi ko pero hindi ko iyon pinansin.

"Uulitin ko. May problema ho bang magkagusto sa kapareho mong kasarian?" pag-uulit ko sa tanong ko.

Saglit siyang hindi nakasagot pero ilang sandali lang ay mahina siyang suminghal bago tingnan ako ng matalim. "Ang akala ko ba ay matalino ka? Ha! Alam mong nakasaad iyon sa libro—"

"Alam ko," pagputol ko sa sinasabi niya't pinantayan ang mga tingin niya. "Pero hindi lahat ng mga nakasulat o dinidikta ng nasa libro ay totoo. Katulad ng pamilya niyo, ang nakasaad sa libro ay kayo raw ang pinakamabuting tao rito. Iyon pala ay mas masahol pa kayo sa mamamatay tao." Sarkastiko akong tumawa bago dahan-dahang sumeryoso. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nila maliban sa mahal na hari at ng mga elites. "Walang masamang magkagusto sa kaparehong kasarian, mahal na reyna. Kung matalino ka ay tiyak kong maiintindihan mo iyon." Umayos ako ng upo. "Walang masamang humanga, walang masamang magkagusto sa isang tao hangga't wala kang naaapakang tao."

Namayani ang sandaling katahimikan sa kanila. Ang mahal na reyna ay matalim pa ring nakatingin sa'kin. Ang mahal na hari naman ay walang reaksyon samantalang ang magkapatid ay parehong natitigilan. Ang tatlong galing sa tribo ay may ekspresyong hindi ko alam kung ano iyon habang ang Elites ay mga walang reaksyon tinititigan ako.

"At ano namang alam mo? Isa ka lang hamak na dalaga, Eraia," wika nito. Sarkastiko itong tumawa. "Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw sa'yo ng magulang mo't mas pinili si Damiana."

"Mama!" suway ng Prinsipe Kai pero hind nito ito pinansin.

Walang ginagawa ang hari at hinahayaan lang ang asawa niya samantalang tahimik naman ng iba.

Binalewala ko ang sinabi ng reyna't hindi nagpa-apekto roon. Pero ang katawang ito ay parang na-apektuhan sa sinabi niya dahil sa biglaang pagpintig ng dibdib ko.

"We're free to love just like we are free to hate others. Hindi tao ang makakadikta kung ano ba dapat ang gawin ng isang dalaga o binata na ang nais lang ay magmahal. Hindi niyo madidiktahan kung sino o ano ba talaga ang para sa kanila dahil ang diyos lang ang may kaya no'n," mariing wika ko, tila pinapaintindi sa reyna ang punto ko.

"Kung lahat pala ng nasa libro ay tama, bakit may diyos pa?" Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko sinasabi 'to para sumang-ayon kayo. Ang nais ko lang ay magbigay kayo ng respeto sa damdamin ng isang tao."

Tiningnan ko si Cordelia at handa na sanang magsalita nang maagaw naman ng aking pansin si Logan biglang ring nagsalita. "My member is right." Tiningnan nito ang mahal na hari at reyna. "And you can't be called a good leader of your kingdom if you can't be a good parent to your kids." Tumayo si Logan at sinenyasan kaming tumayo na. Ni hindi man lang nag-init ang pang-upo namin sa upuan. "We're going now. Thanks for welcoming us here," pormal nitong wika.

Huminga ako ng malalim bago walang emosyong yumuko sa kanila.

Sabay-sabay kaming nagsilakad papalabas nang mapahinto ako dahil sa sinabi ng isa sa mga tribo.

"Ikaw ang tunay na prinsesa ng Veintorici, tama ba?" wika nito. Dahan-dahan ko itong nilingon at doon nakitang isang may katandaan na na babae ang nagsabi noon. Walang reaksyon ko siyang tinanguan.

She plastered a small smile in her lips. "Mag-ingat ka," tanging saad niya pero alam kong may iba pang ibig-sabihin iyon. I raised my eyebrows to her before smirking at her ay hindi na pinatulan pa ang sinabi niya.

Sila ang mag-ingat sa'kin... Lalo pa't unti-unti ko nang nalalaman kung sino ba talaga ang kakampi at hindi.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon