Calm Of Felicity
Inside the arena, student really gave their best during the test that personally given by Master Claux. Marami ang nagtakha kung bakit hindi ako tinawag kahit ang lahat ay natawag na. Unti-unti na ring nawawala ang mga estudyante sa loob para magtungo sa kaniya-kaniya nilang klase while me, I just stay here since the Master said that we'll talk, right?
Dahan-dahang tumaas ang kilay ko nang makita ang Prinsipe Frost kasama ang kaibigan niya't nakasunod sina Damiana na patungo sa direksyon ko.
Nang makalapit sila sa'kin ay tumayo na'ko para magtungo sa guro pero hindi pa man tuluyang nakalilisan nang magsalita si Damiana. "Are you okay, sister?" Malambing nitong tanong na may himig ng pag-aalala pero hindi ko magawang madala doon dahil alam ko ang ikot ng bituka niya.
Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay bago ngumisi. "Why would I be not fine?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang saglit na pagdaan ng inis sa mga mata niya agad ring nawala.
"Dahil ikaw lang ang hindi natawag ni Master Claux kanina. Huwag kang mag-alala kakausapin ko—" pinutol ko ang kaplastikan niya.
"Hindi na kailangan," wika ko.
Sasabat na sana si Damiana pero bigla namang may nagsalita sa gilid ko. "Tama si Miss Eraia. Hindi mo na 'ko kailangang kausapin dahil sinadya kong hindi talaga siya tawagan dahil may one on one session kaming gaganapin ngayon," wika ng Guro sa tabi ko. Saglit na nangunot ang noo ko bago agad ding nawala. Naalala kong intiresado nga pala siya sa baril na hawak ko ngayon.
Nakita ko ang mga mukha nilang tila nagulat. "Ho?" tanong ng lalakeng kaibigan ni Prince Frost.
Nakangiting tumango naman si Master Claux. "Kung gusto niyong manood sa'min ay maaari kayong manatili muna rito basta ba't hindi makakasagabal sa oras niyo."
Huminga ako ng malalim nang mapagtantong hindi lang pala pagkausap ang balak ng gurpng ito sa'kin. Titingnan niya kung ano ang magiging kakayahan ko lalo na't hawak-hawak ko ngayon ang kanina lang nasa isip ko.
Narinig ko kung paanong magbulungan ang kasama ng prinsipe at Damiana. Napagdesisyunan nilang panoorin ako. Ang mga babae ay may nakapaskil na ngisi sa kani-kanilang mga labi na tila alam nila ang kapasilidad ng kakayahan ko samantalang ang mga lalakd naman ay kuryosong nakatingin sa'kin kahit na nakangisi rin ito. Of course, they'll belittle Eraia since they know her but too sad, this body is no longer Eraia but Brittany Cosai.
Nakaupo na sila sa harapan samantalang kami ni Master Claux ay sabay na naglakad patungo sa gitna ng arena. Nang huminto sa paglakad ay nagsalita ito,"Sigurado ka bang kaya mong makasakit ng isang nilalang, Miss Eraia?" nakangising tanong nito sa'kin. Batid kong rinig na rinig ang boses niya sa bawat paligid ng silid na ito dahil sa eco.
Mahina akong tumawa bago ngumisi rin sa kaniya.
Katulad nang dati kong ginawa ay mabilis kong kinasa ang baril ko at itinutok iyon sa kaniya. I pulled the trigger without any second thoughts or even blinking. Umugong ang tunog ng baril sa buong lugar. Sinadya kong patamaan siya sa kritikal na katawan at katulad ng inaasahan ay nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mata pero nawala rin agad. As I expected.
"Hindi ka mamamatay kung ang kapangyarihang ginamit laban sa'yo ay kapangyarihan mo, tama?" turan ko.
He slightly nodded bago magkibit-balikat. "You've change a lot, Miss Lavinia. Hindi ka na takot na makasakit ng iba," animo'y natutuwa nitong wika. Ngumiti ito sa'kin seryoso. "At nasisiguro kong handa ka nang makipaglaban," patuloy nito. Kung hindi lang ako likas na alerto ay magkakasugat na agad ang makinis na balat ni Eraia dahil sa pagbato ng tatlong dagger sa direksyon ko.
Parang hangin ko lang itong iniwasan bago magpaputok sa guro. Minabuti kong hindi ito patamaan para sa oras na umuwis siya ay agad kong mapaputukan ang palad niya. Every weapon summoner has only one weak spot on their body, and that's their palm since iyon ang ginagamit nila para makapagpalabas ng sandata.
I playfully smiled when I felt his aura weakened that moment it shoot his palm. Pero hindi siya doon agad sumuko. Ofcourse, he's a Master. Alam kong mas may ilalakas pa siya at ang ginagawa ko ngayon ay sinasagad siya.
Huminto siya sa pagbato sa'kin ng mga dagger at pinuntahan ako ng malapitan para kalabin ng hand to hand combat. Hindi ako nagpatalo dahil alam kong malakas ako doon, but fuckers, I suddenly remembered that I'm in Eraia's body na hindi pa fully trained!
In a swing move of Master Claux ay humalik ang likod ko sa lupa matapos niya 'kong buhatin gamit ang isang kamay niya lang.
Mahina akong dumaing but still manage to smirk nang makakita ng butas sa Guro. Agad kong sinipa ang tuhod nito habang nakahiga pa rin ako. Tulad ng inaasahan ay nawalan ito ng balanse kaya hinila ko siya pahiga sa'kin at binaliktad puwesto namin.
I sat on his tummy while holding his collar at nakangisi. Ang isa ko pang kamay ay nakahawak sa baril kong nakatutok na ngayon sa ulo ng guro.
I raised my brows to him when he gave up.
Tumayo na'ko para makatayo na rin si Master Claux. Hinihingal kong pinagpagan at inaayos ang dress ko bago nakipag-kamay sa guro.
Kulang pa. Kulang na kulang pa ang nalalaman ng gurong ito sa pakikipaglaban. Hindi man lang akong namangha sa pinakita niya.
"Maging ang teknik mo sa pakikipaglaban ay kakaiba, Miss Eraia," nakangiting puri niya sa'kin na binigyan ko lang ng isang simpleng ngiti. "Hindi ko akalaing matatalo mo 'ko. Pero dahil nga natalo mo 'ko ay tuluyan nang mapapasa'yo iyang sandatang hawak mo, hindi ko na tatanungin pa kung paano mo naisip iyan,"
Tinanguan ko siya. "Salamat, Master Claux," tugon ko.
Nakangiti niya rin akong tinanguan bago iminuwestra ang exit. "Puwede ka nang umalis," wika nito.
Maliit ko siyang nginitian at humakbang na patungong exit ngunit nakalimutan ko palang may nanonood sa'min. Nakita ko ang mgs mukha nilang lahat na wari'y hindi makapaniwala sa ginawa ko. Para silang nakakita ng bagay na hindi totoo at akala mo mga estatwa dahil pare-parehas nakahinto. Unang nakabawi sa kanila si Damiana na sinamaan ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay bago ngumisi at pinagpatuloy ang paglakad paalis ng arena.
While holding this gun... My gun, I feel calm and this is fucking more than enough.
Author's note: 11:58 wow yes, nakaabot siya this day omg!
BINABASA MO ANG
Anecdote of the Darkest Era (On-going)
FantasíaHappiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. The darkest era. Soul-transferred story of a young girl who is professionally trained of using gun...