Forty Three: Terrified Tame

3.6K 238 14
                                    

Terrified Tame


Hindi sumagot si Logan sa sinabi ko. Alam kong pinag-iisipan niya iyon at naghahanap ng posibilidad kung saan itinago ni Eraia, ang katawan ko, ang libro.

"Hindi ba unti-unti nang bumabalik yung ala-ala mo?" tanong ni Cooper sa'kin. "Hindi mo ba naaalala kung saan mo itinago ang libro?"

"Paano naman kung wala na ang libro? Paano kung hindi talaga natago 'yon ni Eraia at nakuha ng mga gustong makakuha noon?" dugtong ni Ashanty.

Saglit akong napa-isip sa sinabi niya bago marahang umiling. "Imposible but it might happen. Kung nakuha na ang libro ay bakit pa natin nakita yung device chip?" Tiningnan ko si Cooper. "And yes. Wala pa rin akong naaalala tungkol sa libro."

"Maybe its a trap?" nag-aalangang saad ni Elias.

Bumuntong hininga ako bago tumayo para kuhanin ang gamit ko't ayusin iyon. "We will never know if we not find out. We're just thinking about the hypothesis at kung wala tayong gagawin, we will never find the conclusion. So what if someone already found the book, atleast nalaman natin." Nilabas ko ang journal ni Eraia bago ihagis kay Logan. Nasalo naman niya iyon, nais niya kasing basahin ang journal dahil may napansin daw siya doon. Hindi ko sinabing may ibang pinapahiwatig ang journal na iyon kay Logan dahil gusto kong makita ang reaksyon niya sa oras na malaman niya iyon. Those sign in Eraia's journal were like a code or password that are related to Elites... Somehow, I'm still unsure about that.

Kumunot ano noo nina Calypso na senyales na wala silang kaalam-alam sa journal na hinagis ko.

"Ano yon?" tanong ni Calypso sa'kin bago pasadahan ng tingin si Logan na binabasa na ang journal.

"Journal ko," simpleng sagot ko bago iginilid na ang gamit ko.

"Anong mayroon sa journal mo?" tanong niyang muli.

I shrugged my shoulder bago sumandal sa gilid ng meza na katabi ko. Humalukipkip ako. "List of names that I know before and some events or scenarios," ani ko. Nilingon ko si Logan nang umupo siya sa kama at ngayon ay nakakunot na ang noo. Nilingon din ako ng binata bago sinenyasan na lapitan ko siya.

I immediately followed him and went to his side.

Pinakita niya sa'kin ang journal. "It looks like a code," wika niya sa'kin.

Tumaas ang kilay ko, slightly impressed by him. Pangalawang beses pa lang niya iyon tiningnan, noong una ay yung sumunod siya sa'kin papuntang dorm, saglit niya lang na binasa iyon noon at ngayon naman ay saglit lang din.

I hide my smirk. "I know that," inporma ko sa kaniya.

That made him rolled his eyes to me pero hindi ako pinatulan. Instead, inutusan niya 'ko. "Get the arrow in my luggage."

Umawang ang labi ko sa pag-uutos niya sa'kin bago siya tiningnan ng matalim pero tila ba wala siyang pakialam doon dahil muli niya lang tinutok ang mata sa pagbabasa na para bang hindi niya nararamdaman ang presensya ng pagtingin ko sa kaniya ng masama. Wala na akong nagawa kun'di sundin siya at kinuha na lang ang arrow na tinutukoy niya, iyon yung nakita namin sa silid ko, ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin ng bintana doon.

Nangunot ang noo ng mga elites matapos na makita iyon pero dahan-dahan ding nanlaki ang mata matapos na may nakitang royalty symbol.

Hinagis ko iyon kay Hendrix na walang kamalay-malay sa paligid pero  nasalo naman niya iyon. Blangko niya 'kong pinasadahan ng tingin. "I want you to investigate about that arrow. Tinangka na ipana iyon sa mismong kuwarto ko dahilan para mabasag ang salamin ko. I don't care if its a threat or not, just find the owner of that arrow," wika ko.

Hindi na siya nagtanong pa at tumango na lang. Iyon ang pinlano namin ni Logan matapos na mangyari ang pagpapana sa kuwarto ko. We decided to let Logan investigate about the arrow.

Bakit dito ko lang sinabi? Because the school that we thought a safest place is actually the most dangerous place.




Ikatlong Persona

Damiana is walking in the corridor with her friends. She looks normal but deep inside ay naghihimutok siya dahil kay Eraia, sa kapatid niya. She can't believe that Eraia defeated her in just a snap, so she decided to have rematch with her. Gusto niyang patunayan sa lahat na nakatsamba lang doon si Eraia and she's still stronger than her weak sister.

Her pride matters all the time.

Nakadagdag pa sa inis niya ang pagiging mailap sa kaniya ni Frost nitong mga nakaraang araw. She wants to get mad at him but she can't... for some reason.

Simula nang magising si Eraia ay kitang-kita na agad ni Damiana ang malaking pagbabago nito na kung dati ay hindi siya nito pinapansin at hinahayaan siya sa mga kung ano-anong pinaggagawa niya ay ngayo'y hindi na. Natuto na itong lumaban sa kaniya.

Eraia can now play with fire... She can even add fuel. She thought.

Eraia is a peasant in Damiana's eyes before, kahit ngayon. Napapatanong si Damiana kung bakit ba ito nabilang sa maharlika at mafia na pamilya kung hindi naman ito magaling makipaglaban at tanging talino lang ang mayroon.

"Hi Lady Damiana!" She fakedly smiled at the fellow students who cheerfully greeting her. She's famous in the school for being friendly, kind, one of the most strong student and lastly, the second prince of westland palace, Prince Frost, is head over heals to her.

Nang makalabas sila ng mga kaibigan niya sa corridor ay doon lang nawala ang ngiti niya. Her friends was the only one who knows her true color. For Damiana, sila ang matuturing niyang tunay na kaibigan. But its the other way round in the two girl beside Damiana. Hindi nila ito tinuturing na kaibigan, they are just using her because she's currently on top. Being her friends will bring popularity to their own family.

Pity.

Naunang maglakad si Damiana. Balak niyang pumunta sa dorm niya para ayusin ang kaniyang mga gamit. "Bye girls," Kinaway niya na ng palad nang hindi man lang lumilingon sa mga kaibigan niya.

She confidently walking on her way to her dormitory room. She sometimes smiling and greeting back sa mga estudyanteng bumabati sa kaniya sa tuwing madadaanan niya.

Awtomatikong nawala ang ngiti sa labi niya nang makapasok sa kaniyang silid.

May nakita siyang isang kahon.

She smiled when she tought that Frost gave that to her because he is the only one who can enter her room.

Nilapitan niya iyon at binuksan sa pag-aakalang regalo iyon sa kaniya ng Prinsipe.

But her smiles shattered when she saw a letter inside it. Hindi siya nakapagsalita habang pinagmamasdan iyon. Tila ba nawalan siya ng hininga dahil sa sulat ns iyon.

It felt like a curse to her. A very strong curse that made her emotion mixed up.

Fear, nervous, anger and shock crept in her eyes as she read the letter.

Tila nawalan siya ng lakas at napaluhod sa sahig. Nanginginig ang mga kamay na nabitawan niya ang box at sulat. Hindi naalis ang tingin niya roon.

"It... It can't be..."


Author's note: Tuloy ko ba scene ni Damiana? Gusto ko malaman kung ano nasa letter HAHAHAHAHAHA char.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon