Sixty Four: The Wolf's Motive

2.7K 171 13
                                    

The Wolf's Motive

The little boy named, Logan Roosevelt, the first prince of the westland palace and the heir of Roosevelt Mafia, was called by an oracle.

The little Logan wasn't even confused about why he was called, alam niya na agad na may ipapagawa sa kaniya ang oracle. Logan was aware from his surroundings even though he's still a child, her Mom, the Roosevelts rather, taught him to be more eyes open for the future's sake.

Tahimik na naglakad papasok sa isang pribadong bahay si Logan na kung saan namamalagi ang oracle. Bilang unang prinsipe ng westland at tagapagmana ng Roosevelt ay natuto siyang maging prim and proper na isang maharlikang lalake. He's getting sick of those but he doesn't want to be burden in his Mom.

Nang makapasok ay bumungad sa kaniya ang isang babae na wari'y hindi man lang nadadagdagan ng edad dahil sa panlabas nitong kaanyuan.

Nginitian siya ng babae na wari'y niyang ito na ang oracle. "Pagbati para sa unang prinsipe ng westland," anito.

Isang tango lang ang tugon ni Logan at hindi na nagawa pang magsalita.

"Alam kong alam mo na na bibigyan kita ng isang misyon, hindi ba? Isa iyon sa pinaghandaan mo nang mamulat ka sa mundong ito," wika ng oracle. "Gusto kong bantayan at proteksyunan mo ang prinsesang nagngangalang Celestina Eraia Lavinia."

Dahan-dahang nangunot ang noo ni Logan. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang proteksyunan ang matalik na kaibigan ng ikalawang kapatid niya sa Ama.

"What's the deal about that princess?" kunot-noo'ng tanong niya.

Bahagya namang natawa ang Oracle dahil ang inaakala niya'y matino ang unang prinsipe ng Westland ngunit sa tingin niya ay may tinatago ring pag-kaarogante ang prinsipe. "Dahil siya ang nakatakda sa libro," wika niya.

Doon ay natigilan si Logan, tila may malalim na naiisip.

Hindi naglaon ay ginampanan na ni Logan ang tungkulin niyang bantayan at proteksyunan ang Prinsesa Eraia. Palagi niya itong sinusundan sa malayo, hindi niya binalak na magpakita rito at hindi niya talaga babalakin pang magpakita.

Isang maliksing Prinsesa si Eraia ayon sa mga nakikita niya, masayahin ito at bibo, ni hindi nga ito nawawalan ng enerhiya. She's the bubbly princess he knew. Ang mga ngiti nito at mga mata na kasing kislap ng araw, hindi niya alam kung bakit gumagaan ang pakiramdam niya doon.

Crush. Iyon ang matatawag sa nararamdaman niya.

Pero naglaho rin iyon nang makilala si Ashanty, anak ng duke. Masayahin din ito pero hindi kasing babae tulad ni Eraia kung kumilos. Ashanty has a chill vibe. But it was disappeard when they became friends.

"Sigurado ka ba talagang walang gusto kay Lady Eraia?" tanong ni Calypso.

Agad namang umiling si Logan sa tinanong sa kaniya ng matalik niyang kaibigan.

Pinanonood nila sa malayo ang dalaga na nakikipaglaro sa mga halaman. Hindi katulad ng dati na masayahin ay naging tahimik na ito, madalas umiwas sa mga tao at kung ngumiti at pilit na lamang.

Alam ni Logan lahat dahil saksi siya sa naging pagbabago ni Eraia.

"Eh bakit nakikita kong halos araw-araw mo siyang pinagmamasdan?" kuryosong tanong ni Calypso.

Logan sighed. Hindi niya puwedeng ipagsabi ang misyon niya galing sa Oracle.

"Atsaka ang layo-layo ng palasyo niyo rito sa palasyo nila. Hindi mo puwedeng idahilan sa'kin na pumupunta ka lang rito para maggala," patuloy ni Calypso.

Nagkibit-balikat si Logan. "I can't exactly explain everything to you, sorry," aniya sa kaibigan. "I'm here because of Eraia. That's the only reason I can give you for now," he continued.



LOGAN stayed in his room for the whole week. He was disappointed for himself. He felt guilty. Iisang trabaho lang ang binigay sa kaniya pero hindi niya pa rin nagawa ng maayos, paano pa kaya kapag binigay na sa kaniya ang malaking nakaatang na responsibilidad sa kaniya.

Hindi siya makapaniwalang hindi niya man lang naprotektahan si Eraia.

Kung kumilos lang siya e'di sana'y gising ngayon si Eraia. Hindi sana nag-aagaw-buhay ang dalaga.

Labis niyang sinisi ang sarili dahil sa nangyari sa prinsesa kaya ang ginawa niya'y pinahirapan niya ang sarili. Hindi siya kumain ng isang linggo na labis na ikinaalala ng kaniyang ina.

He just stopped turtoring his self when his mother decided to barged in his room. His mother comfort him. Inulit-ulit sabihin sa kaniya ng kaniyang ina na hindi niya kasalanan.

He believes on her mother's word. Kaya matapos noon ay agad na siyang nag-ayos at kumilos.

Kung sa una ay hindi niya nagawang proteksyunan ang dalaga, sa pangalawang pagkakataon naman ay pagbubutihin niyang maging ligtas ito.

Hinding-hindi niya hahayaang masaktan ito ng kahit ano o sino man.


HE OPENED his eyes after reminiscing the scene in his head. Wari'y pumasok siya sa isang ilusyon na hindi siya ang may kontrol dahil tanging pili lang ang mga senaryo ang mga pumasok sa utak niya pero ang lahat ng iyon ay tandang-tanda niya.

Logan looked at the mirror as his eyes glowing while the moon is showing outside the window. The eyes showing its real bloody red color, screaming power and dominance like an alpha.

Hindi niya maiwasang pakatitigan ang sarili niyang mata. Kulay dugong pula talaga ang mata niya pero nakontrol niyang baguhin iyon sa hindi niya malamang paraan. It was like a switch on and off.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa isang silid na hindi niya kilala. Saglit niya pang pinakiramdaman ang lugar upang malaman kung may mga presensya ba sa lugar but he sense none.

Pumikit siya ng mariin nang muling maalala ang huling ala-alang kasama niya si Eraia.

Sa bangka kung saan kinain sila ng malakas na alon. Bahagya siyang kinakabahan para sa kaligtasan ng Prinsesa. Ayaw niya nang maulit ang nakaraan ay hinding-hindi niya na hahayaan pang maulit iyon.

Wala sa sarili siyang umupo sa isang puting kama na katapat ng salamin na kaharap niya.

Inalala niya kung paanong nag-iba ang ugali nito matapos na hindi ito naging ng ilang buwan. Marami itong mga ala-ala na nawala pero laking pasasalamat niya nang unti-unti na itong bumabalik.

Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa dalaga.

"I still like her the way I use to," wala sa sariling aniya.

Author's note: AT DITO NA PO NAG-EEND ANG AOTDE. TINATAMAD NA PO KASI AKONG TAPUSIN TO, KAYO NA LANG PO BAHALA MAGTAPOSHAHAAHAHAHAHAHA CHAR.

thank you so much for reading!

ps. Echos lang yung Capslock

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon