Ninety Five: Coating Words

1.5K 99 4
                                    


Coating words


Ikatlong Persona



Nang lumabas sa silid sina Logan at Summer ay atsaka lang na nagpakawala ng buntong hininga ang mga elites. Hindi pa rin talaga nag sisink-in sa kanila ang pangyayaring nasaksihan nila ngayon. Nilingon nila si Eraia na tahimik lang na nakaupo sa hinihigaan niya na para bang hindi ito nangangamba sa sitwasyon nila ngayon. 


Nilapitan ni Blue ang pinsan niya na nananahimik lang.  Sigurado siyang nag-iisip ito ngayon. At sigurado siyang hindi maganda ang iniisip nito sapagkat kitang-kita niya ang pagkakakuyom ng kamao nito. "Kalma," bulong niya rito para balingan siya nito ng tingin.


Namutla si Blue nang makita niya ang matalim na tingin sa kaniya ni Brittany. 


"Paano ako kakalma when that fucking Logan is with some girl while he just confessed his feelings to me?" sarkastiko niyang ani sa pinsan.


 Natigilan tuloy si Blue at napaawang ang labi. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito. Anong nangyari sa pinsan niya?



Brittany's POV


Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin kay Blue nang hindi ito nakapagsalita sa sinabi ko. 


Muli ko na nanamang naisip si Logan bago wala sa sariling tumalim muli ag aking tingin. Naiinis ako sa binigay niyang tingin sa'kin na para bang hindi niya sinabing gusto niya 'ko!


That fucker.


Wala akong paki sa kung ano man ang binabalak niya ngayon. Ang akin lang, bakit kailangan niya 'kong tingnan ng ganoon? Summer was also testing my patience earlier. 


"Is that the reason why you're pissed? And not about the reason why we're here?" nag-aalangang tanong ni Blue.


I looked at him, still glaring. "Yes." Tiga tangong ani ko.


Muli akong napairip. Mukha ba 'kong bobo para sa kanila? 


I'm Brittany Cosai, hindi ako basta-bastang mapapaikot ng kung sino kaya hindi ako nangangamba ngayon because i know their purpose. I just can't help to get pissed because... Nothing. Just nothing.


Nilibot ko ang paningin sa mga elites at kay dos na nakatingin pala sa'kin ngayon. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila na mukhang nakita ang naiirita kong ekspresyon.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon