Thirty Two: The Aquas

4.3K 264 15
                                    

The Aquas

Who wouldn't have thought that the Aquas also know about the book? The oracle itself, Eraia's grandmother, was the one who told them about the book. Aksidente lang nilang naikuwento iyon sa amin dahil sa pagmamanipula ni Cooper ng mga salita.

Magaling magmanipula si Cooper lalo na dahil sa ugali niya. He looks like a carefree one, inosente at wala sa hitsurang gano'n ang ugali niya. I'm actually impressed earlier, they way he talked to them like an innocent child, kung paanong napaikot niya sa kaniyang kamay ang hari at reyna. No wonder, he's part in Elites. Hindi mo malalamang niloloko ka na pala niya unless he revealed himself.

Sure, each of them, the elites, have different skills but I think Cooper's skill is the one I like the most. I suddenly remember someone like him. Innocent but deadly.

Tumayo sa kinauupuan ko rito sa guest room ng palasyo, sa isang kuwarto ay kaming dalawa ni Ashanty ang magkasama, samantalang sa isa namang katabi ng kuwarto ay nandoon ang mga lalake. Magkadugtong ang kuwarto namin at nila, ayon sa request ni Hendrix sa hari at reyna. Mas maganda iyon para anumang oras ay puwede naming puntahan ang isa't isa.

Napatingin sa'kin si Ashanty na nakahiga sa kama pero hindi makatulog. Kanina niya pa sinasabi sa'kin na kahit saan naman raw ay nakakatulog siya, maliban na lang kung may masamang mangyari. She adopt that when the massacre happen. That massacre was never announced in the public for the sake of her brother, Acleo. Ayaw nilang gambalain sila ng mga tao para mas lalo pang malaman ang nangyari.

"I really had a bad feeling tonight..." She sighed bago bumangon sa kama niya.

Hindi ko siya pinansin at pumunta lang sa tapat ng painting dito sa guestroom. It's a flower, hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak ito but the unique thing in this painting is... The petal. Tila naglalabas ito ng dugo and some of the blood were dripping to the ground.

I slowly touched the blood, sinusundan ang bawat patak nito. Tila ba nahihipnotismo ako sa tuwing nararamdaman ko ang gaspang ng painting.

"What are you doing?" natigil lang ang paghawak ko noon nang marinig ang boses ni Logan na ngayon ay nasa tabi ko na't hinawakan ang palapulsuhan ko para ibaba ang aking kamay. Saglit niyang pinasadahan ang painting bago muling bumalik sa'kin. "Eraia-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang kusang bumuka ang labi ng katawang ito, sa oras na iyon ay alam ko sa sariling hindi ako ang nagkontrol ng katawang ito. "Digmaan..." Kusang lumabas na salita sa bibig ni Eraia, ang katawang ito. Dahan-dahan kong nilingon si Ashanty. Mukhang may dahilan talaga kung bakit hindi siya makatulog. "May digmaan na paparating," ulat ko sa kanila. Ang tinitingnan kong si Ashanty ay ngayo'y tahimik na, na tila may malalim na iniisip.

Inilibot ko ang aking paningin at doon nakitang pare-parehas nagtatakha ang kanilang mukha. Bumuntong hininga ako bago lumayo sa painting at umupo sa kamang katabi ni Ashanty.

Nilingon ko si Hendrix na wala man lang karea-reaksyon sa sinabi ko. "Tell me, bakit ka nga ba kinailangan noon ng Aqua?" tanong ko sa kaniya, alam kong may mali at hindi ako kumbinsido sa sinabi niya kanina bago pa man kami pumasok ng bayan na ito. Maaaring tama ang sinabi niya pero alam kong may kulang. "Bakit gano'n nalang ang trato sa'yo ng hari at reyna na tila ba may nagawa kang isang malaking tulong sa kanila?"

Saglit munang nakipagtitigan ito sa'kin bago ako sagutin. "There was an untold war before, sa pagitan ng Aqua at isang tribo na gustong pagharian ang atlantis dahil raw sa maling pamamahala ng Aqua sa lugar. They were outnumbered noon, pero hindi nagsilbing dahilan iyon para agad na mapuksa sila. Lahat ng mga taong iyon ay may kakayahang labanin ang isang grupo ng mga tagabantay ng lugar nito kaya kinailangan nila, ng Aqua, ang tulong ng isang katulad ko para maprotektahan ang lugar ng Atlantis," aniya.

"Bakit hindi pinaalam ng mga Aqua iyon sa mga ibang royalty o 'di kaya'y sa mga Mafias?" tanong sa kaniya ni Elias na wari'y hindi naiintindihan ang sitwasyon.

"Mautak ang mga Mafia, Elias, dapat alam mo yan," bigla namang turan ni Logan. "Ang kahinaan mo ang puntirya nila. Hindi magkikiming humingi ng tulong ang mga Aquas lalo pa't purong maharlika sila. Kung ikaw ba ang nasa sitwasyon ng Aqua, ipagbibigay alam mo ba ang labanang iyon sa mga kapwa mong maharlika na alam mong mapanganib din at anumang oras ay puwede kang pagtaksilan?" pagpapaintindi nito.

The first time he spoke tagalog like that long.

Saglit namang tumahimik si Elias bago dahan-dahang napatango na wari'y naintindihan na nito ang sitwasyon.

"Kung gano'n... Anong digmaan ang sinasabi mo, Eraia?" kunot-noo namang baling sa'kin ni Calypso.

Bumuntong-hininga ako bago magkibit-balikat, miski ako ay nalilito kung bakit sinabi iyon ng katawang ito pero may ideya ako. "Katulad ng sinabi ni Hendrix, hindi napuksa ang mga iyon. Maaaring ngayon sila gumawa ng hakbang para muling magdeklara ng laban dahil base sa pagkakaintindi ko sa kaniya..." Pinasadahan ko ng tingin si Hendrix. "Matagal-tagal na ang digmaang iyon at wari ko'y mukhang nakaahon na muli ang tribong 'yon."

Namuo ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa nagsalita si Cooper. "So tutulungan natin sila? Ang Aqua? Ngayon ba magaganap ang digmaan?"

"You tell me," sarkastikong wika sa kaniya ni Ashanty bago ito tumaray. "Walang manghuhula dito, bobo," dagdag ng dalaga.

Sumama ang mukha ni Cooper. "Malay ko ba? Atsaka kung walang manghuhula rito, bakit nahulaan ni Eraia yung digmaan na 'yon?" hindi pagpapatalo nito.

Sinamaan siya ng tingin ni Ashanty. "Nakalimutan mo na ata kung saan nagmula si Eraia?" tinaasan niya ng kilay si Cooper. "Oracle ang lola niya, malamang ay kahit anong oras ay puwede niyang madikta ang mangyayari pero hindi niya kayang hulaan kung ke'lan. Napaka-bobo, elites ka niyan?" sarkastikong turan nito.

Napanguso si Cooper na tila inapi ito ng kung sino at palihim pang sinamaan ng tingin si Ashanty.

"Tanga ka kasi," gatong ni Elias habang nakatingin kay Cooper na tila nang-aasar pa ito. Mas lalong sumama ang mukha ni Cooper dahil pinagtulungan siya ng dalawa.

"Tumigil na kayo," buntong-hiningang suway ni Calypso. "Tutulungan ba natin ang Aquas sa oras ng digmaan?" ulit na tanong niya na tinanong kanina ni Cooper.

Tigas ang iling ni Logan. "No." Tumaas ang kilay ko sa kaniya at humalukipkip habang nakaupo sa kama.

"Bakit hindi?" nanghahamong tanong ko.

Binalingan niya 'ko ng tingin bago taasan ng kilay. "Why do we need to help them? That's their problem, not ours," sagot nito sa'kin.

May punto naman siya... Pero hindi maalis sa katawan ko ang ugali ko noon bilan si Brittany na kung sino ang may kailangan ng tulong, tutulungan. Mabait pa naman ako kahit na kasama ako sa isang alyansa, kumbaga, mabait ako sa mga tao'ng wala namang ginawang mali sa mundo.

"Pero wala namang masama kung tumulong. At isa pa, pinahintulutan nila tayong dito muna mamalagi at binigyan ng isang maayos na pagsalubong," katwiran ko.

"Because we're with him." Tinuro niya si Hendrix. "Kung wala siya rito ay batid kong hindi ganoon ang pagbati nila sa'tin." Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Tila ba pinapahiwatig niyang walang katutuhanan ang sinabi ng libro sa mga Aquas.

Bumuntong hininga ako bago itinukod ang parehas na palad sa kama. Nginisihan ko siya. "Bakit nga ba?" makahulugang tanong ko sa kaniya.

And its time to furrowed his eyebrow. "What?"

I plastered a grin in my lips. "You know something, don't you?" mapaglarong tanong ko sa kaniya.

Ang kunot sa kaniyang noo ay dahan-dahang nawala bago bigyan ako ng isng makahulugang ngisi. I chuckled.

I change my mind.

Author's note: The next update will be later at 11 pm, I think?

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon