Ninety One: Rascals

1.6K 97 9
                                    


Rascals


I sighed as I observed the Pheros looking at me, scared. Naiinis ako dahil sa pagkakataon pa na ito ay nakalimutan ko kung paanong paamuhin ang isan Pheros.


"Anong gagawin mo?" tanong ni Blue when I decided to walk near the Pheros.


I shrugged my shoulder. "Testing my luck, I guess?" ani ko bago napagdesisyunang mas lalong lapitan ang isang pheros. At dahil sa paglapit ko ay mas lalong naglikot ang Pheros dahilan para mas lalong lumakas ang lindol. Ang pagaspas ng mga dahon niya ay tila natatakot dahil sa pagiging agresibo nito.


I stop in the mid-way as I closed my eyes before heavily breathe in. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang marapat na gawin pero baka kasi sa oras na lapitan ko ang nilalang na ito ay atsaka ko lang maalala ang nabasa ko.


And when I open my eyes, the worries inside me were gone the moment I remember how to calm down the little pheros.


I slowly bend down dahilan para matigilan sa likod ko si Blue at susubukan sanang lapitan ako kung hindi ko lang siya sinenyasan na huwag akong lalapitan.


Gamit ang dalawang kamay ay kumuha ako ng lupa bago iangat iyon na parang ipinapakita sa isang pheros. Itinaas ko rin ang ulo ko para makita ang reaksyon ng pheros. Huminga ako ng malalim nang hindi pa rin humihinto ang paglindol at pagkatakot ng pheros na kaharap ko.


Out of nowhere, I found myself lips parted as there is a voice or a humming sound coming out of my mouth na para bang may sarili itong pag-iisip. Katulad ni Blue at ng Pheros ay maging ako ay nagulat sa lumabas sa labi ko pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paghuni.


Kasabay ng malamunay kong paghimig ay ang dahan-dahan ding pagkalma ng pheros.


Ang buong akala ko ay hanggang doon lang ang paghuni ko ng isang tono nang makita ko ang mga lupa sa kamay ko na dahan-dahang pag-angat nito na tila sumasabay sa ritmo ng awit. Ang mga lupa ay unti unting humuhulma ng isang salita na hindi ko maintindihan at tiyak kong miski si Blue ay wala ring kaalam-alam dito.


Ikatlong Persona


Dumaan ang kaba sa dibdib ng mga Elites nang maramdaman ang pagkawala ni Eraia, maging si Blue.


"Nakita niyo ba si Eraia?" nag-aalalang tanong ni Calypso sa mga kasama niya.


Maging sina Ashanty ay nag-alala na rin nang hindi masilayan sa paligid si Eraia. Lahat sila ay nag-aalala sa dalaga maliban kay Logan at Hendrix na nakita ang biglang pag-alis ng dalawa. May punto na rin sila kung saan magtutungo ang mga ito kaya hindi na sila nag-alala pa sa kapakanan ng dalaga lalo pa't alam naman nila na may dahilan si Eraia'ng mag-tungo doon. Maging ang pag-utos kasi ni Eraia kay Blue ay narinig ng mga ito.


"Nasaan na ang pheros?" Nagtatakhang tanong ni Cooper. Nararamdaman pa rin nila ang paglindol pero hindi ang presensya ng pheros. Kaya labis ang pagtatakha nila.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon