Sixty Three: Childhood Friend

2.6K 170 1
                                    

Childhood Friend

Dahil sa pagkabigla ay hindi ko manlang magawang makapag-salita habang nakatingin sa taong hindi ko akalaing makikita ko ngayon... Sa mundong ito.

Hindi maiwasang mapakunot ang noo ko.

Paano? I mean paanong nandito siya? Sa harapan ko at nakatayo.

Ang matamis nitong ngiti katulad ng pinapakita niya sa'kin ay hindi man lang nagbago.

Guilt. Yes, the fucking guilt is consuming me while looking at her sweetest smile. Parang sirang plakang nag-uulit-ulit ang senaryo noon kung saan iniwan ko siya sa mga tao'ng iyon.

"Brittany, hindi mo kailangang makunsensya sa pag-iwan sa'kin noon. Atsaka ako naman ang may sabing iwanan mo 'ko, hindi ba?" malumanay na aniya.

Pero hindi nabawasan noon ang mga katanungan sa isip ko.

Huminga ng malalim si Kim nang hindi man lang ako nag-react sa sinabi niya. "Una, kung tatanungin mo kung nasa harapan mo 'ko... Dahil hindi naman ako namatay, Bri, Nakatakas din ako sa mga kidnapper na iyon pero hindi ko na sinubukan pang magpakita sa'yo dahil alam ilalayo rin ako ng Tito mo sa'yo. Atsaka ayaw mo rin na madamay pa'ko sa magulong buhay mo. Kung bakit nandito ako sa mundong ito?" She smiled slightly before she shake her head. "Hindi ko pa muna kayang sabihin 'yan pero nasisiguro ko sa'yong wala akong masamang intensyon."

Mariin kong pinikit ang aking mata habang pilit na prinoproseso ang bagay na ito. Nahihirapan akong ipasok sa utak ko ang mga impormasyong nalalaman ko pero wala naman kasing imposible sa lugar na ito.

Hindi rin ako bobo para hindi maintindihan ang nangyayari ngayon.  Tiyak kong may kumikilos pa sa ilalim namin habang naglalakbay kami para makuha ang libro. Isa sa suspetsa ko ang Headmaster... o 'di kaya ang Prinsipe Frost.

Iminulat ko ang mata ko bago huminga ng malalim upang ikalma ang sarili. "Ikaw ba yung humuhuni?" pormal na tanong ko.

Saglit siyang natawa at umiling. "Bri, alam mo namang sintonado ako!" aniya.

I tsked at her before rolling my eyes at humalukipkip. "So what's the point of this?" I asked. "I miss you, by the way," kunyari balewalang wika but she knows and I know that I mean it. I really miss this bitchesa. My one and only partner in crime when we're still a child.

Malambot na mga ngiting pinasadahan niya 'ko. "I miss you too." Tumaas ang kilay ko nang makita ang nagbabadyang mga luha niya. She's really best in acting. "Char." Bago nito pinahid ang nalaglag niyang luha at tumawa na para bang isa siyang may sira sa ulo.

Inilingan ko na lang siya at agad na nagseryoso na para sagutin niya ang tanong ko.

She pout her lips. "So ito nga... Magbibigay lang ako ng information sa'yo because you know." Binigyan niya 'ko ng isang makahulugang tingin. "That body you're using— Oo, aware ako sa nangyari sa'yo at kung tatanungin mo kung ako rin ba ang may gawa ng ilusyon ay yes or no— is Princess Celestina Eraia Lavinia, alam niya na ang libro bata pa lamang siya, when she was in 2 years old. Siya ang nagtago noon hanggang sa kunin muli iyon ng oracle niya para ipatago sa hesdmaster at ibigay muli ito kay Eraia sa oras na magtanong ito tungkol sa libro." May nilabas siyang isang kapiraso ng papel at hindi ako nagkakamaling iyon ang kapiraso ng pahina na inabot sa'kin ni Dos sa Clor.  "Unfortunately, nasa akin ito. And again, if you'll asked me kung paano'ng nasa'kin ito." She sighed at bumagsak pa ang balikat. "I don't know too."

Kinuha ko ang papel na iyon at agad na tiningnan kung may nakasulat ba. But unfortunately, isang letra lang ang nakalagay dito. Mabuti na rin ito dahil tiyak kong may silbi rin ang kapiraso ng pahinang ito.

I nodded at her. "It's still a long way to go..." I stated.

She carefree smiled at me. Hinawakan niya ang balikat ko at bahagyang hinaplos iyon. The warm of her palm ay tila ba lumipat sa balat ko. "Alam kong matibay ka, Bri, Hindi ka basta magigiba sa kahit ganoon'g katagal pa ang tatahakin mo." She gave me a nodded. "Just give me a heads up if you need help, okay?"

Saglit akong natigilan sa sinabi niya bago wala sa sariling napailing na lang.

Kahit talaga hindi ko sinasabi ang nararamdaman ko ay nalalaman niya pa rin ito. Kilalang-kilala niya pa rin ako kahit nasa ibang katawan na'ko. And that makes me feel happy and energize. That's the only thing I wanted in this complicated world, being known and love as the real me.

I can't help but to put a warm smile on my lips as I nodding my head to her. "Thanks, Kim," I softly said.

Tumango siya sa'kin bago mag-iwas ng tingin na tila may naalala. "Yung kasama mo nga palang lalake. Logan is his name, right?" she said.

Muntik ko nang makalimutan.

Tumango ako.

She chuckled. "He's still under an illusion," aniya bago tiningnan at kinindatan. "Balita ko may gusto raw sa'yo yon," may bahid na panunudyong wika niya.

I rolled my eyes at her. "Si Eraia ang gusto niya at hindi ako na si Brittany. And I don't care if he likes me being Eraia or even myself, Brittany. Hindi ko siya gusto," pormal na wika ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay ni Kim sa'kin. "Hangga't nasa katawan ka pa ni Eraia," dugtong niya pero tinarayan ko siya.

"Huwag mo 'kong pangunahan Kimberly. Wala talaga akong gusto sa kaniya at wala akong balak. Mamamatay akong dalaga," ani ko sa kaniya. Nagsimula akong maglakad patungo sa bench malapit sa'min dahil nababatid ko ang pangangalay ng aking paa.

Buti na lang talaga at nakakapagsalita na'ko. Nakakairita rin palang maging multo sa paningin ng iba.

Naramdaman kong sinundan ako ni Kim at umupo rin sa tabi ko. "Wala namang pumipigil sa'yong magmahal, Bri," malumanay na aniya sa'kin.

Pasiring ko siyang tiningnan. "Wala nga. But you know that admiring or loving someone is the last thing on my checklist," turan ko.

She just sighed at me. "Of course, I know that. I'm your childhood friend. But you can'y also deny to me that you still crave for someone's love and care. Hinding-hindi mo maitatago sa'kin iyon. May isang porsyento pa rin sa puso mo na gustong magmahal and 1 percent is not 0 percent, Bri."

Author's note: Kung nababagot na po kayo dito, hehe kakapalan ko muna mukha ko. Promote ko lang yung Seducing Mister Geek ko and may 'pampalipas boredom story' ko na SINderella. Parehas pong teenfiction and romance :)

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon