Eleven: Guilty Pleasure

7.2K 466 18
                                    

Guilty Pleasure

Sinabihan ko ang elites na kung pupuwede ay isikreto muna nila ang pagiging parte ko ng grupo nila dahil alam kong marami ang magtatakha at magugulat kung bakit ako nasali sa grupo.

Tinanong ko rin ang elites kung paano nila ako napanood gayong hindi naman sila nahagip ng mata ko't hindi ko rin naramdaman ang presensya nila. Yun pala ay nasa tuktok sila ng training room na nanonood. Ang balak lang talaga nila ay tumingin-tingin ngunit nakuha ko raw ang atensyon nila matapos akong tawagin ng Master Claux. Ashanty is the only girl among them that's why I don't really underestimate her capability in fighting. She wouldn't be here if she's not good.

May dati raw member na babae rito bukod pa kay Ashanty pero lumipat na ito ng paaralan.

I ended up not attending my classes because of them. They told me a lot of stories. Hindi naman ako nagreklamo roon dahil mas marami akong nakukuhang impormasyon sa mga pinagsasabi nila lalo pa't madalas nilang nababanggit ang Prinsipe Frost at sina Damiana. Alam din pala nito na dati na 'kong binubully ng mga iyon pero wala silang ginawa dahil iyon ang nais ng Headmaster. Ang dahilan ng Headmaster ay para baunin ko ang mga ala-alang iyon at maging inspirasyon ko sa pagpapalakas ng sarili. Aamin kong hindi ako satisfied sa dahilan ng headmaster kaya kanina ay sinimulan ko nang itatak sa isip ko na maaring siya rin ang nasa likod ng humabol kay Eraia sa gubat. Even the elites are listed in my mind dahil matagal na nilang minamatyagan ang Lady Eraia.

I stayed up all night in the library of the school. Sinusubukan kong hanapin ang history ng mga gubat sa lugar na ito. And I found none. Tinanong ko sa librarian kung may ganoon bang libro at sinabi niya'y oo't nasa Headmaster iyon.

Kaya ngayon ay balak kong puntahan ang opisina niya to ask further question about the book and also, persuade him to allow me borrow it.

"What do we have here, Miss Lavinia?" nakangiting tanong nito.

"About the book, Headmaster. The history of forests," wika ko sa kaniya. "Can I borrow that book?" tanong ko rito.

Ang ngiti niya ay dahan-dahang nawala bago kumunot ang noo. "I gave that you book a long month ago, Miss Lavinia," turan nito. "Tinatago mo iyon sa ilalim ng unan mo sa dorm. That's atleast you've said to me before you lost your memories."

Ako rin ay kumunot ang noo. "Pero nang maglinis ako ay wala doon," mahinang wika ko. "Iisa lang ba ang ganoong libro?"

"The book were created by the oracle, kaya oo, iisa lang iyon." sagot niya sa'kin.

Mas lalong nangunot ang noo ko. "Kung gayon ay bakit mo iyon binigay sa'kin?" nagtatakhang tanong ko.

He heavily sighed before massage his nape. "The book belongs to you, Miss Lavinia. Pinatago iyon sa'kin ng namayapang lola mo, an oracle, ipinapabigay iyon sa'yo sa oras na tanungin mo sa'kin kung may libro bang ganoon," wika niya.

Natigil ako sa sinabi niya. What the hell? The grandmother of Eraia was an oracle?

Panibagong isipin nanaman. Saan itinago ni Eraia ang librong iyon?

"Is the book really important?" tanong ko.

Agad na tumango ang Headmaster. "Very important. As what your grandmother said, It could save lives and also end lives," wika nito.

Napahinga ako ng malalim. Ang libro ba ang dahilan kung bakit hinabol si Eraia sa gubat?

"Ilan ang nakakaalam tungkol sa librong iyon?" isa ko pang tanong.

Dahan-dahan siyang umiling. "Hindi ko alam Miss Lavinia... Walang nakakaalam kung ilan na ang nakakaalam ukol sa libro," sagot nito sa'kin.

I'm getting frustrasted.

Hindi ko nabasa iyon sa journal ni Eraia. Miski sa iba pa niyang kuwaderno ay wala rin akong nabasang ganoon.

Nagpaalam na'kong lumabas sa Headmaster at hinayaan naman niya 'ko but he remind me to find the book as soon as possible.

Talagang hahanapin ko iyon dahil iyon ang pinakahigit na kailangan ko sa oras na ito. Gusto kong malaman kung bakit naging isa ang mundo namin ni Eraia sa oras na iyon sa gubat.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko napansing may nabangga na pala ako. "Careful," wika nito kaya agad ko itong nilingon matapos mabosesan.

He plastered a grin in his lips before chuckled a little bit. "You're pretty occupied, hidden," saad ni Logan.

Tinaasan ko siya ng kilay bago umikot ang mata sa kaniya. He started calling me that nickname after I suggest to be a hidden member. I don't actually care about that thing kaya hinayaan ko na lang.

"Yeah," hingang-malalim na wika ko.

"Keep thinking then, I'll get going. See you later, I guess?" aniya. Tinanguan ko siya bago muli nang maglakad.

Logan is obviously coquettish but I could care less, since he's not really hitting on me. Well, if he does, I don't care. My goal here is not to have a relationship with someone nang kay Eraia parin ang katawan na gamit ko. I simply ruined Lady Eraia's lovelife kaya okay na'ko roon.

Kung susuwertihin nga naman oh. Makakasalubong ko pa ngayon sina Damiana at ang Prinsipe. Mukhang kakatapos lang ng klase nila o 'di kaya'y pupunta sa panibagong klase, but neither the two, wala akong paki.

"Sister," mahinhing wika ni Damiana sa'kin.

Gusto ko sana siyang hindi pansinin pero naiistress na talaga ako sa buhay ni Eraia kaya sa ngayon ay kakausapin ko muna si Damiana.

Tinaasan ko ng kilay si Damiana bago ngitian ng peke pero hindi ko pinahalatang peke iyon. "Hi," mas mahinhing bati ko.

Bahagya siyang nagulat doon pero ngumiti rin kalaunan. "Saan ka pupunta?" nakangiti niyang tanong sa'kin.

"Pupunta ako ngayon sa unang klase ko," turan ko sa kaniya na para bang walang naging alitan sa'min. "Mauna na'ko ha?" wika ko bago lampasan sila. Pero nang saktong paglampas ay nakita ko ang pasimple niyang pagharang sa paa ko. Iniwasan ko 'yon pero nagkunwari pa 'rin akong natisod.

"Ahh!" daing ko matapos na sumalampak sa sahig. Kunwaring nagugulat kong pinagmasdan si Damiana, dahan-dahan ay nangilid ang mga luha ko nang makita ang nalilito at naiinis niyang reaksyon.

"Bakit bigla kang natumba, Celestina?" may bahid na pag-aalalang tanong ng Prinsipe na bahagya kong ikinangisi pero agad ding nawala para hindi mapansin nila.

Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha ko at dumaing ng sinubukan kong tumayo. Umiiyak kong tiningnan si Damiana. "Bakit mo ginawa iyon, Damiana?" may hinagpis na wika ko sa kaniya. "I'm being kind to you now like you wanted me to do. Pero bakit tinisod mo'ko? Bakit binubully mo pa rin ako hanggang ngayon?"

"What?" naguguluhang tanong ng prinsipe.

"A-Ano?" sabi rin ni Damiana. Animo'y nagulat sa sinabi ko.

"Bitch, Damiana is not bullying you!" turan ng isang babae na kaibigan nitong si Damiana.

Umiiyak akong nag-iwas ng tingin. "Si-siyempre'y hindi niyo aaminin ang  pinapagawa ng kaibigan niyo," mahinang wika ko bago kunwaring nahihirapang tumayo. "A-Alam ko ring walang maniniwala sa sinasabi ko dahil gano'n naman talaga kayo dati pa 'di ba?" I gave them a fainted smile bago yumuko. I cried even more kasabay ng iika-ikang umalis sa puwesto nila.

Nang alam kong na'ko sa paningin nila ay doon lang sumilay ang ngisi ko.

I know that the little scene I made will cause a damage to Damiana. Nalaman ko kasi sa mga Elites na ang Prinsipe Frost raw pala ay walang kinakampihang kunsino at inaalam muna ang totoo. And I know that I triggered Prince Frost to know better about Damiana, bullying me. He probably doesn't have any idea that Eraia was being bullied by his lover.

What a foolish guy.

Well, I'm not guilty about what happened and If I am, then It's gonna be a guilty pleasure.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon