Seventy Two: Blue Flow

2.2K 175 37
                                    

Blue Flow

Ikatlong Persona

Nang mag-umaga na ay minabuti kumilos na ng mga elites at muling bumiyahe patungo sa kanilang paroroonan. Natulog muna kasi sila matapos na mag-stop over at kumain. Presko kasi ang hangin doon at nakakaginhawa sa damdamin ang dulot noon. Isabay pa ang pagiging tahimik nina Ashanty, Cooper at Elias na mukhang wala sa mood magsisalita dahil sa pagod na kanilang nadarama kahit bumiyahe lang naman sila.

Tahimik lang ang dinadaan nila pero nanatiling alerto ang katawan ni Brittany, isa ito sa nadala ng kaluluwa niya. Ang pagkakaroon ng malakas na sensasyon.

Kahit kasi tahimik ang daan ay iba ang naaamoy niya sa hangin. Lalo na't nakabukas ngayon ang bintanang sinasakyan nila't nasa mismong katabi niya.

She smells danger.

Tahimik siyang huminga ng malalim at pumikit hindi para mamahinga kun'di para makiramdam. Sinubukan niyang pakiramdaman ang paligid para matunton ang mga tumatakbong nararamdaman niya.

Kasabay ng pagmulat niya ng kaniyang mata ay ang pagkakaroon din ng baril sa kanang kamay niya't kaagad niya iyong kinasa. "Stop the car," she command.

And as if on cue, the car stopped. Agad niyang binuksan ang pintuan at lumabas nang wala man lang katakot-takot.

Sumunod sa kaniya ang lahat ng nasa loob ng sasakyan na ngayon ay may hawak-hawak na ring mga sandata.

Agad na tinantya ni Brittany ang pagbaril when an aggressive wind flowed beside her.

Tatlong putok ang ginawa niya and it was enough to stop the three anonymous person from running. Pare-parehas na may tama ng bala sa iba't ibang parte ang katawan nila.

Natigilan siya when she saw their intense gaze on her.

But what froze her is the guy who's glaring at her in the middle. The intense blue eyes glistened as their eyes met.

Ngunit ang matalim nitong tingin ay tila nawala at napalitan ng gulat. Katulad katulad ni Brittany na hindi makapaniwala sa nakikita.

"Bri..." He whispered like he wasn't expecting to see her, her soul.

Maging si Brittany ay hindi rin nakakilos sa kintatayuan niya. Unti-unting bumaba ang ang kamay niya na may hawak-hawak na baril at nakatutok sa dito. Tila nawala siya sa sarili nang makita kung gaano kapamilyar ang mukha nito, lalo na ang mga mata nito.

Dahan-dahang nangilid ang luha ni Brittany dahil sa halo-halong nararamdaman niya. Bumibigat ang nakadag-an sa dibdib nito at nahihirapan na rin siya sa paghinga dahil dito.

Fuck.

What is he doing here? She asked herself.

"Why... Why are you here?" naguguluhang tanong niya.

At dahil naguguluhan si Ashanty sa ikinikilos ni Eraia ay hindi niya maiwasang mapatanong. "Kilala mo siya?"

But Brittany just ignored Ashanty's question. "Paanong nandito ka?" tanong niya muli sa lalakeng nasa harapan niya na may asul na kulay ng mata.

"Bri—" Hindi natuloy ng lalake ang pagtawag sa pangalan niya ng hindi niya mapigilang sumigaw dahil sa bugso ng damdamin.

"Don't fucking call me that!" she screamed. Pati siya na sarili niya ay nagulat sa ginawa niya na para bang isa niya iyong defense mechanism.

"Bakit nandito ka? Paanong... Fuck, why are you here?" naguguluhang tanong niya.

But the guy took a step closer to her and hugged her tightly but still soft and gentle.

Tuluyang nagiba ang sistema ni Brittany at tila nanghina siya dahil sa yakap nito. She hugged him back at tila hindi na ininda ang sugat ng lalake.

"I'm sorry... I miss you..." The guy with intense blue eyes, caressed her hair.

Tuluyan nang bumagsak ang luha ni Brittany at hinampas ang lalake sa likod. "Fucker!" naiinis na bigkas niya dito.

Natawa na lang ang lalake bago inilayo sa kaniya si Brittany upang tingnan ang mukha nito. The guy smiled. "Still beautiful." He chuckled.

Agad na sinamaan ni Brittany ng tingin ang lalake dahil sa sinabi nito. Hindi niya maiwasang mapatanong kung bakit nakilala siya ng lalake pero hindi iyon ang tamang lugar para magtanong siya.

"Stop crying," he softly said as wiped her tears.

Nag-iwas ng tingin si Brittany dito. "Bakit ka nandito? At bakit... Fuck... Nabaril tuloy kita!" may pagsisising wika ni Brittany habang nakatingin sa sugat nito sa balikat na kaniyang nabaril.

ANG mga elites naman ay tulalang nakatingin kay Eraia. Hindi nila maiwasang mapatanong kung bakit ito umiyak? Gaano ba kaimportante ang taong may asul na kulay ng mata para tuluyan itong umiyak?

Habang si Calypso naman ay napatingin kay Hendrix na wala man lang bahid ng emosyon sa mukha nito bago niya balingan si Logan na ganoon din. Nailing nalang si Calypso.

Tapos na ba ang laro? Tanong ni Calypso sa sarili.

Pinanood lang nilang umiyak si Eraia sa harapan ng lalake'ng hindi nila kilala na ngayon ay tumatawa-tawa na habang pinupunasan ang luha ng dalaga. "Hush now, okay? I'll explain everything later," ang marahan na boses ng lalake ay umabot sa pandinig ng elites.

Humalukipkip si Logan habang nakatingin sa dalawa. Hindi naman siya nagseselos. Hindi talaga.

Nang humupa na ang pag-iyak ni Brittany at tila natauhan na sa nangyari ay huminga siya ng malalim bago lumingon.

Tumighim si Brittany nang makita ang pagkatulala nila. "You don't have to worry around the area. It's all clear now," she informed them.

"Eraia... Kaano-ano mo siya?" hindi maiwasang mapatanong ni Ashanty.

"Pinsan?" Segunda ni Cooper.

"Malayong kamag-anak? Dahil hindi naman pamilyar ang mukha niya kung isa siyang kasapi ng pamilya niyong Lavinia," wika rin ni Elias.

Nailing na lang si Brittany at sabay silang nagkatinginan ng lalake. Nang makita ni Brittany ang pagsilay ng ngiti ng lalake sa labi nito ay hindi niya maiwasang mapailing.

"He's Blue," she said.

"Ahh. So, pinsan mo?" muling tanong ni Ashanty na mukhang iyon nga ang inaasahan. Sa loob-loob ni Ashanty ay malaki ang tiwala niya sa sariling pinsan ito ni Eraia dahil paano na ang Boss nila kung isa itong nobyo ni Eraia? Hindi niya gugustuhing makitang magmukmok ang Boss nila.

"No," the guy named Blue asnwered.

While Logan clicked his tongue inside his mouth and sighed. "Boyfriend," he whispered.

"I'm her boyfriend," dagdag ng lalakeng si Blue.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon