Thirty Six: Hotter than Summer

4.1K 257 9
                                    

Hotter than Summer


Nang makalabas kami ay balak namin agad na dumiretso sa guest room kung saan kami  pansamantalang namalagi.

"Sandali!" Nahinto kami sa paglalakad at sabay-sabay na lumingon sa Prinsesa na patakbong lumapit sa'min. Hawak-hawak niya ang makapal niyang bestida upang hindi mahirapan sa pagtakbo.

Huminto siya sa harap namin. Malaki ang mga ngiting tiningnan niya 'ko bago ipalibot ang paningin sa ibz ko pang kasama. "Ipagpaumanhin niyo sana ang naganap sa hapag-kainan namin. Sadyang gano'n lang talaga ang Mama ko pero mabait siya't mabuti ring pinuno," wika niya. Yumuko ito sa'min. "Sana ay hindi maging masama ang tingin niyo sa pamilya namin," patuloy niya.

"Wala namang kaso sa'min iyon. We're sorry too, for saying some inappropriate words to your highness." Si Calypso ang nagsalita para sa'min.

Nakangiting tumango-tango si Prinsesa Cordelia. "Thank you for enlightening my Mama. Alam kong hindi niya pa tanggap ang mga sinabi niyo ay batid kong ilang oras lang ay maiintindihan niya na 'yon." She scratch her forehead na ikinawala ng pagiging babaeng pagkilos niya. "Ipadadala ko na lang ang pagkain niyo sa guest room, thank you," saad niya sa'min bago muling yumuko at lumisan na sa harapan namin para bumalik sa dining room.

Nagkatinginan muna kami ng mga elites bago magtungo na sa guest room.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad silang nagsiupo.

"Hindi ko inakalang may ganoong ugali ang Reyna ng Atlantis," sumandal sa upuan si Elias na waru'y hindi makapaniwala sa nasaksihan.

"Hindi rin ako makapaniwalang nagkakagusto pala sa babae si Prinsesa Cordelia," wika naman ni Ashanty. "Wala naman kasing naikuwento noon na gano'n si Kai," mahina ang tinig na iyon pero umabot naman sa pandinig ko dahil chismosa ako.

I hide my smirked before shrugging my shoulder. "But this family will be a good ally," wika ko sa kanila. "They may be did some bad deeds but I know that they change. From the way the war ended nang naging maayos ang dalawang panig." Nasasabi ko ito ngayon dahil sa nakita ko sa dining room. I mean, they will not even invite the tribes in the dining if things between them was still not fixed.

Namayani ang sandaling katahimikan hanggang sa nagsalita si Calypso. "Those tribes seems to know you," wika nito sa'kin na ikinakabit ng balikat ko. Wala akong ideya kung paanong gano'n ang tingin nila sa'kin pero isa lang ang nasisiguro ko. Kilala nila ako dahil lola ni Eraia ang Oracle.

"I don't actually know about that thing but the way they looked at me, alam kong kilala nila ako. Maaring dahil apo ako ng oracle... O 'di kaya'y alam nila ang tungkol sa libro," ani ko. Natigilan din agad ako sa sinabi ko nang may naalala.

I fucking forgot about her! That fucker, she knows about the book!

"Is there something wrong?" tanong ni Logan habang sinusuri ang mukha ko.

Binalingan ko siya ng tingin bago umiling. I heavily sighed. "I know someone who knows about the book," ulat ko sa kanila.

Natigilan din sila dahil doon bago nangunot ang noo na tila nagtatanong.

"Sino? Kilala ba namin?" kuryosong tanong ni Cooper.

Bumuntong-hininga ako. "That Fiesty Summer," naiiling na bulong ko bago wala sa sariling ngumisi na dahilan upang makita ko ang mas lalong pagkunot ng noo nila.

Isang iling lang ang binigay ko na sagot ko sa kanila. Soon, they will know about her.

Tumayo si Calypso nang may biglang kumatok sa pintuan at pagbukas noon ay isang babaeng may dala-dalang pagkain kasama ang Prinsesa. Medyo maayos na ang mukha nito, maliban nalang sa damit.

Pumasok sila upang iabot sa'min ang pagkain. "You're free to say whatever you want here," nakangiting wika niya. Hindi nangangawit ang mga labi niya sa pagngiti dahil wari ko'y nakasanayan niya na iyon.

Kinuha namin iyon at nagpasalamat sa kaniya. Ang akala namin ay aalis na siya pero agad na nagkamali nang maupo siya sa isang bakanteng upuan. Hindi na namin siya pinansin dahil siguro sa bahagyang pagkagutom na nadarama o 'di kaya ay wala lang talaga kaming pakialam sa kaniya.

As soon as we finished the foods ay muli na namin iyon nila sa pinaglagyanan kanina. Pagkatapos rin noon ay saka lang nagsalita ang Prinsesa. "Pumunta ba kayo sa Atlantis para magbakasyon?" tanong niya, may himig na pagkainteresado. "I mean, there's nothing wrong visiting our palace but it seems unreal na ang elites, kayo mismo ang dadalaw rito."

We just shrugged our shoulder bago tumingin kay Hendrix para siya ang magpaliwanag kung ano ang kunwaring ginagawa natin dito. He flawlessly lied infront of her na para bang walang-wala lang ito sa kaniya.

Tumango tango ang prinsesa matapos na marinig ang paliwanag at bahagyang ngumiti kay Hendrix. "How is it going, Hendrix?" malumanay nitong tanong kay Hendrix.

Hendrix coldly but formally answered her, "It's doing fine. I'm doing fine."

Nag-iwas ng tingin ang Prinsesa dahil napalingon naman siya kay Ashanty na tumighim.

"Nagkakagusto ka ba talaga sa babae, Prinsesa?" tanong ni Ashanty.

Nakita ko kung paanong natigilan ang Prinsesa bago marahang ngumiti. "First of all, you can call me Cordelia or Lady Cordelia from now on. And yes, I'm interested in girls but... I'm also interested in boys. Nakakalito ano? Miski ako ay nalilito," saad nito at mahinang nagbuntong-hininga.

Natahimik sila samantalang ako ay wala lang, nakatingin lang sa paligid ko because I know her feelings. Kung nasa mundo ko siya ay Bisexual ang tawag sa kaniya. Pero hindi ko magawang sabihin na bisexual siya dahil mukhang wala silang alam sa mga ganoon, gusto ko mang idahilan na nabasa ko iyon sa libro ay tiyak king hahanapin niya ang salitang 'yon.

I stood up as I fixed my hair at humalukipkip. Nilapitan ko ang painting na nakadikit sa dingding.

Katulad ng sinabi ni Logan at Hendrix sa'kin, I'm bound to this artwork. Nang hawakan ko itong muli kagabi ay muli kong naramdaman amg tila nahihypnotismo ako nito pero nawawala din iyon matapos kong tanggalin ang pagkakahawak ko sa sining.

Isa lang ang natuklasan ko kagabi. Konektado ang sining na ito sa kwintas na ibinigay sa'kin ng tagabantay ng Fantasy falls dahil nag-iiba at bahagyang nagliliwanag ang perlas tuwing hahawakan ko ang sining na para bang may pinapahiwatig ito sa'kin.

"Can I take this artwork?" tanong ko kay Cordelia bago siya lingunin. "How much is this?" dagdag ko pa.

Mahina itong tumawa na tila ba natutuwa siya sa'kin. "That painting is free, Lady Eraia. Palamuti lamang iyan dito sa palasyo at anumang oras ay puwedeng palitan," aniya na mukhang walang alam sa kung anong halaga ng sining na ito.

I slowly crept a smile in my lips. Great then.

Second plan will be the next.

Author's note: Eraia/Brittany, pati ako beh nalilito na sa'yo😭

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon