Eighty: Rivalry Between Heirs

2.1K 135 12
                                    

Rivalry Between Heirs

Ikatlong Persona

Isang ngisi ang bumalatay sa mukha ni Remzel nang makalapit na sa kaniya ang Prinsesa ng Veintorici Palace. Kilala ang prinsesang ito bilang isang mahina sa angkan ng Lavinia kaya labis na lang ang pang mamaliit niya rito kahit na nagawa nitong tanggalin ang pagkakakuwelyo niya rito.

Pero hindi niya rin maitatangging nahihiwagaan siya sa kilos nito na kaibang-kaiba ng mga nakikita at naririnig niya noon. Kaya si Eraia ang ginusto niyang kalabanin kahit na nandoon naman ang lider ng Elites at si Hendrix. Gusto niyang malaman kung ano ba ang nagbago sa dalaga at kung anong misteryo ang naramdaman niya nang magtama ang mga paningin nila dahil ito lang ang unang beses na bahagya siyang kinabahan sa uri ng titig ng isang hamak lamang na babae.

And the way she calmly stared at him like he's not dangerous, nakakapagtakha lang para sa kaniya.

"Puwede ka pang umatras," mapaglarong ani ng lalake sa prinsesa.

Ni hindi man lang natinag ang Prinsesa sa tinuran nito. Instead, she gave him a smirk that the guy was slightly taken aback. "Huwag mo kong mamaliitin kung kuryosidad lang naman ang gumagana ngayon sa isip mo," aniya na parang kausap niya lang ay isang kakilala.

Natigilan si Remzel dahil doon bago wala sa sariling natawa. Nailing na lang siya sa sinabi ng dalaga.

Hindi ito ang Prinsesa ng Veintorici. He thought.

SAMANTALANG sa loob ng paaralan ay abala ang karamihan para sa darating na kasiyahan.

Ang prinsipe Frost at maging ang mga kaibigan niya ay isa sa namumuno pansamantala sa mga gawain dahil wala ang elites na inatasan ng isang misyon, gaya ng sabi ng Headmaster sa kanila.

"Totoo ba talagang Elites na si Prinsesa Eraia?" hindi pa ring makaget-over na wika ng isa sa mga kaibigan ng Ikalawang prinsipe ng Westland Palace.

"Hindi rin ako makapaniwala. Kasi Dude, ang tagal-tagal ko nang sinusubukang sumali sa Elites pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kasali," ani ng isa pa niyang kaibigan.

Kumalat ang balitang naging Elites na si Eraia nang malaman ng mga estudyanteng hindi rin ito pumapasok at may nakakita sa kaniyang isang estudyante na sumakay raw ang Prinsesa sa sasakyan ng mga elites. Madalas na rin daw nilang nakikita si Eraia na palaging kasama ang mga Elites.

"Hindi malabong masali agad siya sa Elites dahil sa pinakita niyang angking galing sa pakikipaglaban noong nakaraan. At ang malala, natalo niya pa si Damiana na kasali sa rank 10," turan ng lalakeng kaibigan ni Frost na isang anak naman ng Duke.

Tahimik na nagkibit balikat na lang ang Prinsipe Frost at hindi na nagsalita. Miski siya rin kasi ay walang makuhang sagot sa mga katanungan ng mga ito. Bata pa lamang sila ni Eraia ay magkasama na sila kaya alam niya ang mga ginagawa nito at alam niya rin kung gaanong ayaw ni Eraia sa mga pakikipaglaban.

He sighed. Siguro ay nagbago na nga talaga ito matapos na dumating sa buhay nila si Damiana. Ang dating Eraia kasi ay masiyahin at madaldal pero 'di naglaon ay naging tahimik na ito at mailap sa mga tao.

"Hi!" Nahinto lang sa pagmumuni-muni ang Prinsipe Frost nang marinig ang boses ni Damiana.

Nito lang nang malaman niyang ang babae pala ang may pasimuno kung bakit binubully sa paaralan si Eraia. Kaya naging mailap na rin siya sa dalaga kahit pa gusto niya ito.

Minsan niya na itong kinumpronta ukol sa pambubully at mabuti na lang ay inamin nito ang pagkakamali. Pero kahit inamin na ng Dalaga ay hindi niya pa ring maiwasang mainis dito sa kadahilanang hindi matibay ang dahilan nito para apihin ang tunay na prinsesa ng Veintorici.

Nang magtama ang paningin nila ni Damiana ay nawala ang ngiti nito bago inilipat ang paningin sa mga kaibigan ng Prinsipe Frost.

"Are you guys already tired?" Inilahad nito ang lagayan ng pagkain na punong-puno. "Kumain muna kayo," mahinhing wika nito.

Labis namang natuwa ang mga kaibigan ni Frost at agad na kinuha ang pagkain. "Naks, wala ka talagang palya, Damiana!" natutuwang turan ng mga ito.

Napangiti dahil doon si Damiana at marahang tumango. "Enjoy eating guys. Iwanan ko na kayo ha? I still have a lot things to do." Agad na itong umalis nang hindi man lang tinapunan ng pansin ang Prinsipe Frost.

Napatingin ang mga kaibigan ng Prinsipe sa kaniya at sinenyasan na sundan si Damiana kaya wala siyang nagawa kun'di ang sundan ito.

"Damiana, wait," pagpapahinto niya sa dalaga na mas lalo pang binilisan ang paglakad. Huminto lang ito nang makalayo sa mga tao at huminga ng malalim bago lingunin ang Prinsipe.

"Bakit?" aniya gamit ang isang pormal  na tinig.

Nang hindi nagsalita si Frost ay muli na lang na ibinuka ni Damiana ang bibig. "Kung tungkol ito sa pangbubully ko noon kay Lady Eraia ay huwag kang mag-alala dahil hindi ko na gagawin iyon. And if its about the rematch I offered on her, I'm sorry but I won't back out," turan niya. Malambot ang mga boses niya pero naroon pa rin ang pagiging mapride niya.

Bumuntong hininga ang Prinsipe bago marahang tumango. Noong una ay nag-aalangan pa siyang magtanong pero tinatagan niya ang loob para sa sariling kapakanan. "You still like me, right?"

Natigilan ang dalaga dahil doon. Bahagya ring namula ang pisnge nito kaya napaiwas dahil sa hiya. "You don't need to know that," naiilang na aniya. "And I know that you like Lady Eraia more than me. So there's no point on saying that I like you."

Marahang tumawa ang Prinsipe na wari'y wala itong buhay. "Don't be jealous on Celestina. We know the real score between us and I like you more than her. I just like her as my sister... Nothing more and nothing less. Besides," huminto siya sa pagsasalita bago nailing na lang sa sarili. "She's my Brother's property," dagdag nito na ikinatigil ni Damiana.

Kumunot ang noo niya. "Si Logan or Prince Matt?"

Prince Frost smirk as he chuckled. "Both," sagot niya na mas lalong nakapagpahinto kay Damiana.

Hindi niya maiwasang mapahakbang ng isang beses dahil sa biglang kaba na bumalot sa katawan niya at ang pagkalabog ng dibdib niya.

Muli niyang pinagmasdan si Prince Frost. "W-What?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Is that the reason why..." Hindi matuloy-tuloy na bigkas ni Damiana.

Marahang tumango naman si Frost. "Yes."

Author's note: 70k reads na po ang AOTDE😭 Thank you so much for reading this story. We're already in chapter 80, samantalang hanggang 40 lang dati ang balak kong chapters nito.

Tanong: Who's the most top 3 green flag among the male character and why?

Si Cooper ang pinaka green flag sa kanila. Bakit? Isipin niyo. Pangalawa si Dos at pangatlo si Logan. Next time ko na lang sasabihin yung dahilan haha.

ps. Bakit wala si Calypso? Think again. Char.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon