Thirty Four: Bound to One

4K 272 5
                                    

Bound to One

Rinig na rinig namin ang mga pagsabog sa labas ng silid na ito samantalang kami naman ay kampante lang ngunit alertong pinakiraramdaman ang paligid. Natapos na ni Hendrix ang paglagay ng panangga sa paligid kaya't hindi nagkakaroon ng sira ang loob nito kahit na wari ko'y sirang-sira na ang labas ng silid.

"So ang ibigsabihin ay may kasalanan din ang Aqua?" tanong ni Cooper kay Hendrix at Logan who seem to know about the untold war.

Tumango si Hendrix. "Nalaman ko ang iyon matapos na maganap ang digmaan," turan nito. "Ang Aqua ang nauna. Binawian nila ng kayamanan ang tribo na iyon para sa pansariling kapakinabangan. Ang tribong iyon ay nasa labas ng Atlantis nakatira pero mayaman sila sa perlas at iyon ang ninais ng mga Aqua. Wala silang nagawa noon habang pinapanood ang mga pag-aari nilang inaangkin na ngayon ng Aqua. Pinalayas sila sa lugar na iyon ng puwersahan."

Napasinghap sina Ashanty na para bang hindi makapaniwalang nagawa iyon ng mga Aqua. Bahagya man akong nagulat pero hindi na ganoong nanghinayang kahit na ibang-iba sila sa nakasaad sa libro. Hindi naman kasi lahat ng nakikita mo sa libro o di kaya'y sa mga dyaryo ay totoo. That's what I've learned being a sergeant before.

"Kaya ba sila, ang tribo, ang nagsimula ng digmaan ay para maangkin ulit ang lugar na iyon?" maingat na tanong ni Calypso.

Tigas ang iling ni Hendrix. "Hindi. Mapagpasensyoso ang mga tribong iyon, pinalagpas nila ang pagpapalayas sa kanila't naghanap na lang ng bagong lugar na pagtitirahan."

Kumunot ang noo nila. "Kung gano'n, bakit sila nag simula ng digmaan?" tanong ni Elias upang mas maliwanagan.

Saglit na hindi nakasagot si Hendrix, nakita ko ang panandaliang pagsilay ng halo-halong emosyon sa mata niya't agad din iyong nawala nang magsalita siya. "Dahil sinira nila ang lugar. Inabuso ng Aqua ang kayamanan ng lugar, ang perlas." Huminga ito ng malalim. "At dahil doon ay namatay ang pinuno nila," mahinang wika nito.

"Huh? Paano?" nagtatakhang tanong ni Elias.

"No one knows," kibit ang balikat na sagot ni Logan. "The tribe hide the reason."

"Matagal mo nang alam yon Boss?" tanong ni Cooper kay Logan na para bang kuryoso rin.

He nodded and smirked slightly. "I almost know everything," pag-papaalala niya rito. Bahagya napang akong napailing, hindi ko magawang kumontra sa sinabing halos alam niya ang lahat dahil sa bawat katanungan ng naririto ay may sagot siya, maliban sa libro.

Sumandal ako sa dingding kung saan malapit lang sa painting na kanina lang ay naintriga akong hawakan. "And how about the untold war between you, Ashanty and that prince?" tanong ko sa kaniya. Sabay na tumango si Elias dahilan para makumpirma kong wala rin silang alam. Nabaling naman ang paningin ko kay Calypso na nararamdaman kong may alam sa nangyari noon.

Napatighim si Ashanty bago mag-iwas ng tingin sa mga taong nakatingin sa kanila ngayon.

Naglakad papalapit sa'kin si Logan dahil katabi ko lamang ang gamit niya, pero bago siya yumuko para makuha ang kaniyang gamit ay nakita ko ang pagngisi niya sa'kin na para bang sinasabi niyang interesado ako sa kaniya.

"That war was an immature one," he said as he chuckled bago balingan si Ashanty. "Why don't you tell them your immaturity before?" wika ni Logan sa dalaga.

Napalunok naman si Ashanty at napapahiyang umayos ng upo. "Ano kasi... Basta nagkaroon ng something sa'min ni Kai dati. Tapos nakita ko siyang may kasamang babae, ang landi-landi pa nilang naggagala sa centro..." Sumimangot ito, muling inaaalala ang buhay pag-ibig niya. "Tapos ayon... Dahil immature ako dati at impulsive kung magdesisyon, naidamay ko si Logan. Sinama ko siya para kumprontahin si Kai tapos nagsinungaling akong si Logan ang nakakita kay Kai, natatakot ako noon e. Halo-halo ang emosyon ko kaya hindi matino ang pag-iisip ko," kuwento ni Ashanty sa'min.

"Then?" tanong ni Elias.

"Nag-away si Logan at Kai. Ang katwiran ni Kai kung bakit niya inaway si Logan ay hindi niya dapat pinaghihimasukan ang buhay niya at masyado siyang judgemental na tao. Samantalang ito namang si Logan ay nakipag-away rin dahil masyado raw assuming si Kai," nahihiyang patuloy nito. Pinasadahan ni Ashanty ng tingin si Logan na ngayon ay katabi ko na't nakasandal sa dingding katulad ko habang hawak-hawak ang isang bagay na nilalaro-laro niya sa kamay. "Sorry talaga, Boss," paghinging-tawad ni Ashanty rito.

Nagkibit-balikat lang si Logan. "I'm immature that time too. But until now, I'm still pissed off everytime I see him," aniya.

"Bakit boss?" medyo naeenganyong tanong ni Cooper. Hindi siya sinagot ni Logan dahilan para mahinang tumawa si Calypso at marahang hinampas ito sa balikat.

Nakita ko ang bahagyang pagsulyap ni Calypso sa puwesto namin at sabay na ngumisi. "Dahil si Kai ang unang-unang nakasuntok kay Logan noon at... karibal din sa isang bagay," natatawag wika nito.

Si Ashanty naman ang nangunot ang noo. "Sa pagkakatanda ko ay hindi manlang nakakatama si Kai noong nag-away sila sa harapan ko," kunot-noo'ng tanong ni Ashanty pero dahan-dahang ding nawala at bahagyang napaawang ang labi. "So they had another fight," she stated when she point out the scenario. "Eh anong sinasabi mong karibal?" nagtatakhang tanong nito.

Nagkibit-balikat si Calypso na para bang hindi niya na alam ang dahilan kung bakit magkaribal ang Prinsipe Kai at Logan.

Hindi rin sumagot si Logan sa naging tanong ni Ashanty at agad naman iyong naintindihan ng dalaga, miski kami. Ayaw na sabihin ni Logan ang dahilan dahil... may iniingatan siya. Iyon ang nakikita ko sa kilos niya ngayon.

Habang nakatingin sa katabi kong si Logan ay agad niya rin akong nilingon kaya nagtama ang paningin namin. I rolled my eyes at him nang may pinahiwatig siya sa pamamagitan ng simpleng tingin na iyon na para bang sa isang tingin niya lang sa'kin ay maiintindihan ko agad 'yon.

Naintindihan ko naman. Kahit na hindi ko alam kung papaano. Umayos ako ng tayo bago lapitan ang painting na kanina ko nang nahawakan.

"Bakit hindi ikaw ang gumawa nito kung may hinala ka naman na?" tanong ko kay Logan. Naramdaman ko ang paninitig ng iba pang elites, maliban kay Hendrix, na mga nakakunot ang noo pero ilang saglit lang ay parang naiintindihan na agad nila ang sitwasyon.

"Because that painting is bound to you," makahulugang wika nito.

"Ikaw ang nagmamay-ari ng sining na iyan, katulad ng pagmamay-ari nito sa'yo," gatong ni Hendrix.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon