Eighty Five: Acatalepsy Universe

2K 123 2
                                    

Acatalepsy Universe


Iniwan ko na si Damiana sa kuwarto ko nang hindi man lang siya pinapansin. Kung nagpapaawa man siya sa'kin ay puwes hindi ako maaawa sa kaniya.

Pagkalabas ko ay bumungad sa'kin si Blue na nakahalukipkip na mukhang hinihinatay ako dahul umayos ito ng tayo nang lumabas ako. "Sa kuwarto ko na ikaw matulog," aniya. "Aalagaan kita," dagdag niya na mukhang excited pa.

Naiiling na natawa ako sa sinabi niya bago abutin ang gamit ko. "Ikaw bahala," ani ko.

Masaya niya 'kong ginayak sa kuwarto niya at dahil may sarili namang banyo iyon ay doon na lang ako naglinis.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil maaga rin akong natulog at hindi na nag-gabihan. Mabuti na lang at wala na ang sinat ko.

Ang sinabi ni Blue na aalagaan niya raw ako ay hindi na natuloy dahil siya pa ang mas nauna sa'king makatulog.

Matapos na ayusin ang sarili ko sa banyo ay nilapitan kong muli si Blue para sana gisingin but I change my mind when I saw him sleeping peacefully. This is my first time seeing him like that. Noon kasi ay kapag walang nakakabit sa kaniyang suwero ay nakakunot ang noo niya dahil sa mapait na gamot na iniinom bago siya matulog.

Bumuntong hininga ako ng mahina bago mapagdesisyunang lumabas na lang ng panuluyan.

Madilim pa ang paligid but there were no moon and star above. Ang tanging liwanag ko lang sa dilim ay ang ilaw sa labas ng panuluyan.

Imihip ang malakas na simoy ng hangin na nakapagbigay ng bahagyang kilabot sa katawang ito. Wala sa sariling napapikit ako dahil doon, tila ba guminhawa ang pakiramdam ko sa dulot na lamig na nadama ko.

Ang mapayapang pakiramdam na iyon ay naudlot nang maramdaman kong may umupo sa gilid ko. Doon ko nakita ang lalake'ng singkit na kasama ni Blue.

May hawak itong batong parang kristal dahil sa kulay asul ito at makinang sa tuwing masisinagan ng liwanag. "The luminesce stone?" paninigurado ko ngunit sinungitan lang ako nito't hindi pinansin.

Hindi ko maiwasang mapangisi sa ginawa niya. Attitude. I just shrugged myself out before looking away to him.

"Do you know yourself?" Dahil sa biglaang pagsasalita nito ay natigilan ako't muling napatingin sa kaniya.

Kumunot ang noo ko pero hindi ko siya ginawang sinagot dahil na rin sa pagtatakha kung bakit iyon ang bigla niyang tinanong.

Ang singkit nitong mga mata ay dahan-dahang nagtama sa'kin. "I bet you don't," ani nito at mahinang tumawa na para bang nang-iinsulto. "Alam mo ba kung para saan talaga ang kuwintas na iyan?" Tiningnan nito ang nakakabit sa leeg ko.

Umiling-iling ito. "Sa tingin mo ba talaga ay poprotektahan ka niyan?" He smirked. "Hindi. Because that necklace is the mystery itself, Lady. And only to know the history is to break the curse," makabuluhang wika niya. Hinagis-hagis niya sa ere ang hawak-hawak niyang bato na kasing laki lang ng tennis ball at sinasalo ito. "Nililigaw ka lang niyan." Nag-iwas ito ng tingin bago tumayo na sa gilid ko.

"Huwag ka sanang magalit kapag nalaman mo na ang sikreto ng mundong ito." I froze in my spot when he gently patted my head.

At sa isang iglap lang, sa saglit na pagpikit ko lang ng paningun ko ay bigla na lang naglaho ang singkit na lalake'ng iyon.

Huminga ako ng malalim. Wala akong naramdaman na mabilis at agresibong simoy ng hangin kaya nasisiguro kong may abilidad siyang maglaho na lang basta. The most rarest ability in this World.

Tumayo na lang rin ako para sana bumalik na sa loob pero natigilan nang makita ko si Logan na kausap si Damiana sa gilid ng panuluyan. Mukhang hindi ako napansin ng dalawa dahil nakaharang sa harap ko ang mga halaman na naglalakihan.

I just shrugged my shoulder bago pumasok sa loob dahil wala naman akong pakialam sa pinag-uusapan ng dalawa.

My stomach growls, saying that I' malready hungry.

Tinungo ko na lang ang kusina para maghanda ng makakain sa umagahan.

Matapos makapaghanda ay nauna na'kong kumain at hindi na hinintay pang magising ang iba.

Habang kumakain ay agad kong naisip ang sinabi sa'kin ng singkit na lalake'ng iyon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. Bakit ako magagalit? May kailangan bang ikagalit sa oras na malaman ko ang totoo? At ano nga ba ang gagawin nito  sa batong tinatawag nilang Luminesce stone?

Hinilot ko ang aking sentido para kahit papaano ay makapagpahinga ito sa pag-iisip.

Matapos ng mga kasagutan na nasagot dahil kay Remzel ay may muli nanamang nag-iwan ng katanungan sa isip ko. Ganitong parusa ba ang ipinataw sa'kin dahil sa katigasan ng ulo ko?

I was just a sergeant before, but in just a blinked of an eyes, ito na, Prinsesa na'ko na may susulusyonang bagay na hindi pa rin ako sigurado.

Speaking of Remzel. I need to talk to him.

Agad akong tumayo sa kina-uupuan ko nang maubos na ang pagkain ko habang ang pinagkainan ko naman ay hindi ko na minabuti pang hugasan dahil alam kong si Calypso na ang bahala roon.

I went to Blue's room to find a loose jacket on his clothes at nang may mamataan na isa ay sinuot ko na iyon. Mahaba naman ang suot king bestida at kumportable rin ako roon kaya diniretso ko na ang paglabas nang hindi man lang iniinporma ang iba.

All I care for now is to find where is Remzel's hide out in this place.

Hindi pa rin sumisibol ang liwanag sa kalawakan kaya hindi pa gaanong kita ang paligid. Pero ang huni ng mga ibon at tilaok ng mga manok na nagsasabing mag-liliwanag na ay rinig na rinig ko na sa bawat paligid ko.

I stopped on my track when I feel that someone is following me. Hindi pamilyar ang presensya pero hindi ko rin masabing delikado. The little foot step he or she make is being clearer and clearer in my ears like it was already near in my place.

Dahan-dahang kumunot ang noo ko nang makita ang isang batang lalake na napahinto din nang makita ako.  Puno ng pagkakuryoso ang mga mata niya tulad ko habang tinitingnan siya.

He has a blue-ish gray eyes na ngayon ay kumikinang sa paligid na ito.

"A royal blood..." As he went near me and held my hand, smelling it.

Anecdote of the Darkest Era (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon