"Thank you, Ma'am ." I thanked the assigned personnel na naglilibot saamin ni Erich dito sa eskwelahan. The woman only smiled and bid goodbye.
"So hindi ka nakapasok sa UP? Sayang naman." pagbubukas ng topic ni Erich habang naglalakad kami papunta sa main gate ng school.
It's quarter to 3 in the afternoon at nandito kami ngayon sa eskwelahan na Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM. Dito din kasi magaaral si Erich bilang architect.
Unlike me, Erich is excellent in her academics. She's also good in sports, well mainly sa volleyball talaga.
"Ayos lang. Alam mo naman na hindi ako ganon kagaling sa academics diba? Hindi ako matalino, pero di din naman ako bobo. I'm in between."
"Importante nakapasa ka." sabi ni Erich na tinanguan ko lang bilang pagsang-ayon.
Nagpatuloy kami sa paglalakad pero napahinto ako when I heard something na hindi ko aakalain maririnig ko dito.
"I said, 1 scoop. 1 scoop for me please. 1 scoop for me." napalinga ako at hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon.
The singing voice belongs to a girl na sa tingin ko ay nasa edad na 10 below? Ang cute pakinggan ang boses nya.
"Why'd you stop?" takang tanong ni Erich saakin na nakataas pa talaga ang kilay nya saakin. Ang taray nya tignan. Jusko. She looks like an old maldita lady na pinagpalit sa asawa.
"Hindi mo rinig?" tanong ko sa kanya.
She frowned at me. "Ano? Are you hearing things na hindi ko naririnig? The fu-ck? Is this University haunted?!"
"Grabe ka naman, Richie." biglang sulpot ng isang maganda na dilag. She's really pretty. "Ang ingay ingay mo pa din kahit kailan, halik lang talaga ni ano nakakapagtahimik sayo ano?"
She was around 5'8. She was not slim nor chubby. In between. But she has the right curves in the right places, even though she's just wearing a plain white blouse and a pants, nadedefine ang katawan nito.
"Hey, Belle. Fancy bumping into you." halata ang sarcasm ni Erich sa boses nya. "Himala nag-PLM ka, akala ko kasi nag-UP ka. Kaya nga dito ako eh."
"Hindi mo ba ako miss, Babe?" ngumisi pa yung tinawag ni Erich na Belle. "I missed you," lumapit pa ito kay Erich saka marahan na inabot ang kamay ni Erich. "I miss every inch of you." agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Wait—what? Erich swing both ways? No way. I thought she's straight? Napatingin ako kay Erich na nakapamulsa at nakatingin lang sa kausap nya.
"Gross. Manahimik ka nga, Gumahin. Nandito ang pinsan ko baka kung ano pa ang maisip nito." suway ni Erich habang umiirap.
Napatingin yung babaeng tinawag ni Erich na Belle at Gumahin sa akin. "Halaa!" biglang tili nito. "Ang pretty mo naman, girl, morenang morena pero ang ganda mo!"
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. I never did experienced being called beautiful ever since he passed away. "Thank you?" patanong pa na pasasalamat ko sa compliment nya sakin.
"Belle, this is my cousin Ballet Paberecio but we call her Rina. Rina, this is one of my friends, Leonebelle Gumahin." pakilala ni Erich saamin.
We shook hands and smiled at each other. "Belle. You can call me Belle, Rina Babe." then she winked and gave me a grin.
Pretty.
Ang gaan lang ng awra at ng ngiti nya, pero halatang may tinatago yung ngiti nya sa mundo.