My hands are trembling, not because of fear. But because I am nervous. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang kaba.
I can't think straight!
Kanina pa ako nagiisip kung tama ba ang gagawin ko. Should I do this one right now? Or mamaya na? Pwede naman siguro mamaya na o bukas na diba? Oo nga. Bakit ngayon ko na gagawin if I can do it later or tomorrow diba?
Bukas nalang. Ninyenyerbyos ako.
I was about to exit the site nang bigla nalang tumunog ang cellphone ko na nakalapag sa study table at nasa tabi lang ng laptop. I checked it and saw an unknown number, calling me.
Nagaalinlangan ako kung sasagutin iyon kasi hindi ko naman binibigay ang number ko kahit kanino. Pero naisip ko din na baka si Mama lang din, ang hilig non magpalit ng number.
"Hello," bungad ko when I answered the call. "Sino po ito?" magalang na tanong ko sa unknown caller.
"Hey, sexy." I was greeted by a familiar voice. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan. "How are you, love?" agad kong binaba ang phone at inend ang tawag.
Paano nalaman ng demonyong ito ang phone number ko?! Ang kapal talaga ng mukha nya. And also had the guts to call me after what happened last year! Jerk!
"Good and merciful Satan, give me inner peace." napabuga nalang ako ng hangin at napahilot sa sintido ko.
Ang sakit nya talaga sa ulo letse.
After a minute or so, I heard someone knocking on the door. "Rina, have you checked your mail? I'm leaving at 10. Isasabay nalang kita sakin." sabi ng boses ni Erich sakin.
Napatango ako unconsciously kaya natawa ako ng mahina. Ang engot. "Iche-check ko pa," napatingin ako sa digital clock na nasa nightstand. 8:21.
Muling bumalik ang nyerbyos na naramdaman ko nang maalala ko na ichecheck ko pala yung emails ko. Jeez. Mama and Lola would be so disappointed if wala akong naipasa kahit isa man lang.
"Sige. Take your time." ang huling sabi ni Erich bago ko narinig ang mga yapak nyang paalis. Napatampal ako sa noo ko dahil sa sobrang pagkakaba, tila lalabas yung puso ko.
I crossed my fingers mentally and hoped for the best as I signed in my email account.
There were almost 34 unread mails. Most of them are from my friends from where I used to study. Pero yung iba naman non ay replies na ng mga university kung saan ako nag take ng entrance exams.
Naluluha kong binabasa ang mga reply. I was on the verge of losing it and crying dahil hindi man lang ako nakapasa kahit isa lang, pero nung mabasa ko ang third to the last til the last na mga replies halos mapunit nga yung labi ko dahil sa laki ng ngiti ko.
Ateneo de Manila University School of Medicine and Public Health-Pasig at University of the Philippines. Iyan ang pangarap ng Mama at Lola ko na papasukan ko, iyan din ang pangarap niya pero hindi ako nakapasok.
I wasn't an excellent student after all. I was just average. Hindi ako kagaya ng mga kaibigan ko na nageexcell talaga sa academics nila. They were excellent, while I was just okay. Nakakapasa. Luckily.
But I want to become a doctor, a doctor who save lives not just for money and fame. I want to become a doctor who genuinely care for her patients.
So Pamantasan ng Lungsod ng Maynila it is. The school where some of my cousins studied and studies. Most of them are city scholars and graduated with flying colors. Sana all nalang talaga.
Tumunog ulit ang phone ko. It was like a notification bell kind of sound. Hudyat na may nagpadala ng message. Sinilip ko kung sino yun dahil nakikita naman iyon sa lockscreen. Unknown number.
: I'm so sad. You don't love me na, love? Binabaan mo ako ng tawag.
Nangasim ang mukha ko when I read the endearment. Love. Love my ass.
Hindi naman sa nakakasuka yung endearment na yan. I find it sweet naman. Pero kasi isang mukhang aso ang tumatawag at gumagamit non. Nakakasuka kapag sya ang gumagamit. Not just that, nakakasuka din yung pagmumukha nya.
: You've been ignoring me, love. Don't you miss me? Kasi ako? I miss you so much.
Basa ko sa pangalawang text nya. Wow. Ang kapal naman talaga ng mukha nito. Sa sobrang kapal kailangan atang kulangan, maybe I should use a scapel para balatan ng konti ang mukha nya na kasing kapal na ng libro ng dictionary.
Dogs are cute, I find every animals cute. Even those animals listed in the least attractive animal in the world. Kaso sa case ng pagmumukha nya?
Pinakaworst. Walang lalamang sa nakakasurang pagmumukha nya. As in.
Sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ko. The devil has bombarded me with its messages na hindi kaaya aya sa mata ko.
: Come by Luxe Hotel? Meet me. I miss you. I promise. Hug lang.
: I love you, Ballet. I miss you. I'll wait for you. I know you miss me too.
: If you have plans na puntahan ako room 302 ako. Just ask at the front desk. I informed them about you na baka pupunta ka.
: I miss how you call me by the nickname you made for me. I'll wait for you.
The animal missed me. What a joke.
So what I did, I blocked the dog's number. Kahit kailan, hindi pa din sya nagbabago. Hindi ko din alam kung magbabago pa sya.
"Rina? Have you check na?" rinig kong tanong ng boses ni Erich habang mahinang kumakatok sa pintuan mo. "Kinakabahan ka ba?"
"Sobrang kaba, Rich." honest na sabi ko sa kanya habang nakangiti at umiiling. "But I already did. Nakapasa naman ako." kaswal na sagot ko.
"Great. Breakfast is ready in 20 minutes." sabi pa nito na ikinatango ko. "Wear something formal. A dress would do." muli akong napatango.
"Okay. Salamat, Rich."
"You're welcome. I'll wait for you but please pick your pace up." at narinig ko na ang yapak nitong papaalis. Napailing ako dahil tila sinasabi nya ang bagal ko kumilos. Mabagal naman talaga.
Tumayo na ako saka nagtungo sa banyo upang maligo para na din malamigan ang ulo at katawan ko with an unanswered question in my head.
Bakit ngayon ka lang nagparamdam, George? After everything that has happened?
-----