Sinalubong ako ng nakasimangot na si Watanabe, paglabas na paglabas namin ni Erich nandoon na siya.
"Napunta ka dito?" takang tanong ni Erich kay Watanabe. "Si Janice?"
"Hindi ko alam," tahimik na sagot ni Watanabe pero ang paningin nya ay nasakin padin.
"Weird, sabay kayo umaalis hindi ba?" muling tanong ni Erich saka nagsimula nang maglakad papunta sa direksyon ng sakayan.
"Morning, Watanabe." ngiting bati ko kay Watanabe pero hindi man lang ako nito binati, bagkos tinalikuran pa nya ako saka sinabayan ng lakad si Erich. "Sungit," bulong ko saka sinundan silang dalawa ni Erich.
Tahimik lang maglakad sila Erich at Watanabe. Kung tutuusin, magkasing tangkad lang silang dalawa kung hindi lang nakatakong si Erich.
Mas matangkad talaga si Erich sakin kaya halos tumitingala na ako kapag kinakausap sya. Mas matangkad din sya kay Belle na ang height ay 5'9. Tingin ko nasa 5'10 o 5'11 ang dalawang to.
"Rina," Erich gave me a side glance. "Bakit hindi ka sumasabay samin? Aso ka ba para susunod nalang?"
"Nah, ayoko. Masyado kayong center of attention dahil sa kagandahan at height nyo. Alam mong hindi ako sanay sa ganyan." sabi ko habang nagsscroll sa newsfeed ng facebook account ko.
"Right," narinig ko ang mahinang tawa ni Erich. "I remember the time when you got the reporters, newscasters, journalists, and the spotlight's attention. All eyes were on you."
"It felt hell, swear." sabi ko habang inaalala ang nangyari noong araw na yon. Unlike before na halos manginig lahat ng parte ng katawan ko kahit yung salitang reporters lang ang naririnig ko, ngayon tila kalmado na ako. Na parang hindi nangyari ang lahat ng iyon.
Siguro dahil nandito na si George. She assured me that we'll face it together, the reporters, the newscast, the consequences—maliban sa papa nya, George will face it alone. Kasalanan naman nya in the first place.
Dapat ganon ang mangyayari, kaso hindi e. Kasali ako sa haharap sa papa nya at kasali ako sa tatanggap sa consequences ng actions ni George. Kung di ko lang yun mahal, pinakain ko na yun sa buwaya.
Halos lahat ng nakakasalubong at nakakasabay nila Erich at Watanabe ay napapatingin sa kanila. Matatangkad kasi sila. Kilala ang pinoy dahil sa kinukulang lagi ng height, pinagdamotan ng height ng May Kapal.
Habang nagsscroll, biglang may sunod sunod na text message ang natanggap ko. Galing sa iisang tao lang, galing kay Timothy.
: Good morning, Ma.
: Date tayo mamaya?
: Isasama ko si Ota at sila Dadai.
:Ayain mo si Erich baka gusto nya sumama?
"Erich, sama ka mamaya? Nagaaya si Timmy, isasama nya si Ota." sabi ko habang nagsscroll pa din sa newsfeed ko sa facebook.
Halos mga nagpapalit lang ng display photo ang mga nakikita ko, mga kablockmates ko. Sana lahat nagswi-swimming.
"Ota?" napatingin ako kay Erich na napahinto sa paglalakad. Hinarap nya ako. "Wait, you mean Ota the doll?" tumango ako. "Nene pa siya masyado nung huling kita ko sa kanya."