Tahimik ang byahe namin pauwi sa Manila. I am with Nick and Carter, I am alone with them, and no one dared to break the silence we have inside the car.
Sinusundan namin ang ambulance kung nasaan si George at si Belle. Ililipat ng hospital si George sa Manila dahil iyon ang gusto ng pamilya nya.
And they're on their way from Shanghai. I know I have to answer whatever questions they have for me. For George.
George...
It's been 2 days and George hasn't woken up ever since. I am getting worried dahil hindi pa sya nagigising, and Belle is taking good care of her.
Belle is lucky to have George. And George is lucky to have Belle. They're lucky they have each other.
Bumuntong hininga ako saka isinandal ang ulo ko sa headrest.
"Rina," agad na napatingin ako kay Nick na syang nagdi-drive. "Are you hungry? Do you want me to pull over to the nearest mini-stop?"
Tipid ko itong ningitian. "I'm good, Nick. Thanks anyway." agad na inibalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana.
"George is a strong woman, Rina. She'll be fine." pagpapagaan ng loob ni Nick sa akin.
"I'm just a little worried, but I know she'll wake up. I'm just thinking what to say to her family, after all, I'm her fiancée."
"And Belle's her other woman? Can't believe you're settling for someone who can't be faithful to you." ani Carter na kitang kita sa reflection ng salamin ang pagkakunot ng noo nya.
"She has her reasons, Carter. Just like you have yours with Sabrina." agad na nilingon nya ako at sinamaan ng tingin pero hindi tumakas sa mga mata ko ang pagkagulat nya sa sinabi ko.
"Oh yeah? What do you know?" tila nanghahamon na tanong nya sa akin.
"Carter," nagbabantang tawag ni Nick sa kapatid para pigilan sa kung ano man ang lalabas sa bibig nito.
"I know nothing, but I do know you have issues with her." sinalubong ko ang mga tingin nya sa akin. "The look you have on your face when looking at her is giving, Carter." mahinahon ngunit matamlay na sabi ko.
"Yeah?" ngumisi pa ito. "What are you gonna do? Tell Yubi about it?"
Napabuntong hininga ako. Bakit naman nadamay si Yubi? "I don't wanna get involved with anyone, Carter. I've learned my lesson the hard way, so no." pinagcross ko ang mga braso ko at muling ibinalik ang paningin sa labas ng bintana. "It's none of my business, and I have no plans sticking my nose in anybody's."
Kasunod non ay ang pagtahimik muli namin. Mas mabuti iyon kesa magsalita itong si Carter at baka mapatulan ko lang sya.
He is my step-brother. He and his twin became my family from the moment Mama married their father and accepted them as family, whether they accepted her or not. Masyadong mabait ang Mama ko.
Ilang minuto lang ang nakalipas nang napansin ko ang paghinto ng ambulance sa gilid ng kalsada.
Nick pulled over at agad naman akong lumabas ng sasakyan para tignan kung ano ang problema.
Hindi pa man ako nakakalapit ay biglabg nagbukas ang pintuan ng passenger's seat ng ambulance at nakita ko ang taranta sa mukha ng bumabang medic at dali-daling binuksan ang likuran.
"Ano pong nangyari?" agad na lumapit ako dito.
"Gising na po ang pasyente, Ma'am." kasabay ng pagsabi nya non ay ang pagbukas ng pintuan at bumungad sa amin ang pagsampal ni Belle kay George.
Akmang sasampalin ulit ni Belle si George nang umakyat ang medic sa loob at hinila palabas si Belle ng ambulance.
"Tch. Crazy woman." rinig ko pang bulong ni George habang masamang nakatingin kay Belle.
Something's not right...
"George?" tawag ko dito na agad na napatingin sa akin. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat.
"Love? Love!" agad lumapit ito sa akin at bumaba sa ambulance. Niyakap nya ako.
"Sh-it! Yung swero mo, George!" tarantang sabi ko nang matanggal ang swerong nakakabit sa kamay nya.
"Ah sh-it," nakangiwing nakatingin sya sa kamay nya kung saan natanggal ang swero nya.
Nilingon ko ang paligid upang hanapin si Belle, at nakita itong nakaupo't umiiyak sa kalsada. What happened?
"George," ibinalik ko ang tingin ko kay George. "Anong nangyari kanina?"
Kita ko ang pagrehistro ng inis sa mukha nya. "That son of a b-itch tried to lay her hands on me. Sinabihan ko syang wag akong hawakan dahil hindi ko sya kilala, but then she tried to kiss me and tell me nonsense. I told her to fu-ck off and go to hell, and she went berserk and started yelling. Mabuti at nahila sya palayo sa akin, kung hindi di ko alam anong magagawa ko sa kanya tch."
Does George....have amnesia?
"George, hindi mo ba sya kilala?" kita ko ang pagkunot ng noo nya.
"Do I need to know everyone on this planet, Love? At alam mo namang I have my eyes only for Valerie kahit na alam mo na ang nangyari."
Pu-tang-ina?
Napakaraming tanong ang nasa utak ko, at bago pa man ako makapagtanong sa kanya ay lumapit sa amin ang medic para ayusin ang swero ni George.
Kinausap ko si Nick na isakay muna si Belle sa kanila dahil sa ambulance ako sasakay.
Pagkatapos kong makausap si Nick ay agad na nilapitan ko si Belle para makausap ko.
"Belle," tawag ko rito. Nakaupo pa rin ito at nakahalukipkip, rinig ko pa rin ang hikbi nito.
Nag-angat ng tingin si Belle. Her eyes are puffy. "Ri-Rina," agad na tumayo ito at niyakap ako. "Hi-hindi nya ako maalala, Rina. Hindi nya ako maalala." umiiyak na sabi nito sa akin.
Niyakap ko ito pabalik. "I'm sorry, Belle. Tahan ka na. I'm still not sure but I think may amnesia si George."
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to."
"Shh. Wala kang kasalanan." inilayo ko si Belle sa akin and gave her a gentle smile. "Walang may gustong mangyari ito, okay? Wala. Kailangan muna natin sya mapatignan sa doctor para malaman natin kung ano ang nangyari kay George, ano ang rason, at kung ano ang pwede nating gawin. Okay?" tumango naman si Belle. "Okay. I already asked Nick to give you a ride home," kita ko na kokontra sana siya pero agad akong umiling. "Magpahinga ka muna, Belle. You need rest. I will give you an update. I promise."
Kita ko ang pagdadalawang isip ni Belle pero kalaunan ay tumango ito at sinunod ang sinabi ko.
Hindi pwedeng mawala ang alaala ni George tungkol kay Belle, dahil kapag tuluyang nabura yun ay babalik sya kay Valerie.
Hell will break loose.
-----